Chapter 31

46 0 0
                                    

Tahimik akong nakaupo sa pwesto ko. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang tanong sa akin ni sir Perez. I never imagined he's gonna asked me that kind of question. And I even nod?!

Ano ba ang nangyayari sa akin lately?

May bangas pa rin ang mukha ko. Hindi ako sanay. Kinakaawaan ko ang sarili ko. I'm so stupid. Hindi ko naman talaga dapat hahawakan o pipitikin iyong bombilya. Nakakainis lang na hindi siya sumindi. I did my best to finished it.

Nag-ingay ang klase nang biglang magtanong si sir ukol doon sa field trip. Tinatanong ulit niya ang klase kung may hahabol pa ba. He's holding his black-inked pen.

May dalawa naman na nagtaas ng kamay nila na agad namang nilista ni sir. Pagtapos ay binigyan niya ang mga ito ng consent paper para sa mga parents nila.

"Magma is the scientific name for lava…"

Biglang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kailan pa nangyari iyon?

"True or false?"

He's asking. I thought he's informing us.

Walang sumagot sa tanong niya. Nalito siguro sila sa tanong ni sir kaya walang nagtangka na sumagot.

"Answer, Miss Domingo." Tinawag niya ako.

Parang kampante siya na masasagot ko talaga ang tanong niya. Paano pala kung hindi ko alam ang sagot? Napahiya ako pati siya.

Tumayo ako at sumagot, "false."

"Explain," he added.

Saglit akong napaisip ng sagot. Parang naglilipat ako ng page sa utak ko at hinahanap ang sagot. "Well, lava is a molten rock expelled by a volcano; magma is a molten rock contained below Earth's surface. They are two different things."

Tumango siya at hinarap ang klase, "make sure to jot down notes. A long quiz is coming. I hope you all are used to that. It's my technique to see who is failing… and who is not."

Umupo ako nang senyasan niya ako na maupo na. Edzell is clapping his hands without sounds.

Never pa siyang tinawag ni sir para sumagot sa tanong nito. Ayaw niya ba kay Edzell? Matalino rin naman siya at hindi siya magkakamali kapag tinawag niya si Edzell.

"Can you take a look at your veins?" He asked.

Agad naman akong naghanap ng ugat sa kamay ko. Anong meron?

"Is it bluish?"

Sabay naman kaming sumagot ng yes kay sir. Mukha nga namang blue or...purple.

"Tell me why is it bluish… Miss Duncan."

Mabilis na tumayo si Chelsea saka niya hinawi ang buhok niya. "It appears as bluish… because it's the real color of our blood."

Parang nag-iba ang mukha ko sa sinabi niya. Pumakla ang panlasa ko at parang gusto kong matawa. That can't be. Hindi pa ba siya nasusugatan?

"W-What?"

Kahit si sir ay hindi makapaniwala sa sinagot nito sa kaniya.

Tumango si Chelsea, "blood is blue. It's not red." Humarap siya sa klase, "it was never red." Dagdag niya pa. Sigurado talaga siya sa sinasabi niya.

"Where did that came from? Even a scientist can't take your claim as fact." Sabat ni sir Perez habang natatawa.

Ngayon ay nagagawa na niyang matawa. Dati ay napakasungit niya. Parang lagi siyang nireregla. Ngayon ay lumalabas na ang masayahin niyang pagkatao.

"Sir, I know what I'm saying." Pinagpatuloy pa talaga ni Chelsea ang sagot niya.

"Okay,"

Natatawa na rin ako dahil pinaglalaban niya ang maling sagot. Maybe her blood is blue.

HOME VISIT (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon