Chapter 40

41 0 0
                                    

Lahat ng mga babaeng estudyante at lalaki ay nagtipon ngayon sa malawak na quadrangle. Mabuti at hindi maaraw ngayon kaya hindi kami maiinitan. They said we have to practice the dance or waltz for the masquerade ball.

Marami akong nakikitang mga estudyante na nakangiti at kinikilig. Kaniya-kaniya pa sila sa panunukso sa mga crush nila. Katabi ko si Wiliam. Tahimik lang siya. Hindi ko alam kung bakit ba napakatahimik niyang tao. Wala ring kumakausap sa kaniya. Siguro iyon ay dahil hirap siya sa pagtatagalog. Bagay sila ni Chelsea.

"The basic step for waltz is a box step. It's named after a pattern it creates on the floor and forms the foundation of the dance."

Ang nagtuturo sa amin ngayon ay isang professional waltz dancer. May kasama siyang partner na babae. Ang suot nila ay damit na pangsayaw. Parang masikip tingnan sa kanila ang suot nila.

Nagsimula silang maghawak ng kamay para ipakita sa amin ang tinutukoy nilang box step. "Go, find your partner." Anang babae. Napalingon tuloy ako sa paligid. Sinong partner ko?

"Milady!" Sumulpot sa harapan ko si Edzell mula sa kung saan. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko. "Aba, hindi pwedeng wala kang prinsipe." Sambit pa niya.

Bahagya akong natawa sa tinuran niya. Humawak ako sa kamay niya at sana hindi ako magkamali. Nilapit niya ang mukha niya. "Sana hindi magselos ang asawa mo." Bulong niya sa akin.

Umiling ako, "anong asawa?"

"Yung asawa mo… yung epal." Sabi pa niya. Napalingon tuloy ako sa kung saan. Baka kasi nakikita niya kami at nanonood siya. Wala naman akong nakita. Siguro ay may klase siya ngayon.

Nagsimula kaming gunalaw at sumunod sa bawat turo sa amin ng dalawang nagtuturo. Sakto lang naman ang pagtuturo nila, hindi sila nagmamadali. Dapat lang dahil nakakalito. Kailangan talaga ay magkasabay ang galaw ng babae at ng lalaki maging ang mga balikat nila. Hindi pwedeng para kang tuod na nakatayo lang at naninigas.

Bukod sa aming mga estudyante na sasayaw ay tuturuan din ang mga teacher na gustong sumali sa waltz. Mukhang masaya nga ang sumayaw pero hindi ako gaanong marunong gumalaw kaya sana hindi ko makakawawa ang partner ko.

"Andres,"

Mula sa pagsusulat ko ay natigilan ako. Nang matapos kami sa pag-eensayo ay dumiretso ako sa classroom para matapos ang mga lesson na naiwan ng ibang teacher sa amin. May ilan sa mga kaklase ko ang hindi sumali sa waltz kaya sila ang tinuruan ng mga teacher kanina habang wala kami.

Nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko. "Kailangan mo?" Tanong ko habang tinatakpan ang marker ko.

"Samahan mo nga ako sa faculty may itatanong kasi ako kay sir." Sabi niya. May hawak siyang mga writing paper at ilan sa mga iyon may mga drawings ng kung ano-ano. Organisms yata ang nakaguhit roon.

"May ginagawa ako, hindi mo ba nakikita?" Turo ko sa mga lecturer na nakakalat sa desk ko.

"Eh, saglit lang, please, samahan mo ako. Kasi nung nakaraan pumunta ako kay sir Perez, nagtanong ako about sa lesson niya, sinabihan niya akong kung hindi ako nakinig sa kaniya… hindi niya uulitin iyon. Huwag daw akong tatanga-tanga sa klase." Anang Maricar. Nakakaawa pa ang mukha niya.

"Kasalanan mo pala, eh."

"Samahan mo ako. Ikaw na lang kaya magpunta kay sir tapos itanong mo kung ang gagawin ko ay buong lesson nung first quarter? Baka pag ikaw nagpunta… sabihin niya, kasi ako nagpunta na ako nang ilang beses eh."

HOME VISIT (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon