Hindi ko magawang tumingin sa harap ng klase kung saan naroon si Andrew. Hanggang ngayon kasi ay naaalala ko ang mga sinabi ng ex-girlfriend niya sa akin.
Maging 'yung halik niya ay hindi mawala sa isip ko.
Parang wala lang sa kaniya na hinalikan niya ako! Conservative akong tao kaya big deal sa akin iyon. We agreed that there's no kissing between us. No touching and no kissing! Ginagalit niya ako.
Sa buong klase niya, mula kanina hanggang ngayon ay nakayuko lang ako. Hindi ako titingin sa kaniya. Para saan? Para maalala lang kung paano ako minaliit ng ex niya? Hays!
"Before I leave, ipaalala ko lang sa inyo 'yung about the masquerade ball, it will be held before Christmas. The nineteenth of December. Don't worry, may ibibigay kaming parang invitation card. Nakalagay roon ang date, time and other informations you all need to remember."
Kumunot lang ang noo ko. Okay, sir, leave now. Mas makakahinga ako nang maayos kapag hindi ko na narinig ang boses mo. Your voice are sending chills through my spine.
Nahihiya ako. Wala akong mukhang maihaharap sa kaniya. Ako pa talaga ang nahiya sa amin. Siya ang humalik! Di ba dapat siya ang mahiya? All right, I'll just forget it, baka kinalimutan niya na rin iyon.
Nang matapos ang klase niya ay agad na nagsi-ingayan ang mga kaklase ko. Nakita ko sina Chelsea nagpapayabangan sa mga bago nilang gamit na advance gift daw. Napapairap ako kahit may kaba akong nararamdaman sa dibdib ko.
Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Ano kaya ito.
Tumayo ako pero agad din ako umupo. Balak ko sanang lumabas at pumunta sa cr, nagbago na isip ko. Mas mabuting mag stay dito kaysa makita ko siya sa labas.
Buong araw ay hindi ko siya nakita. Malay ko sa kaniya kung siya ay nakikita ako. Basta hindi ko siya tiningnan. Mabuti at hindi niya ako pinatawag sa office or faculty na usually ay ginagawa niya. I heave a sigh.
Nakauwi ako sa bahay nang tahimik. Binati ako ng mga gardener at ganun din ang ginawa ko. I saw John with his phone, he's talking to someone. "That's a very good news." I heard him say.
"What's up, John?"
Binaba niya ang cellphone niya at nakangiting lumapit sa akin. Malawak ang pagkakangiti niya. "I just got a beautiful news!"
"Okay, spill the tea." Walang ganang sabi ko habang hinuhubad ang blazer sa uniform ko.
"Una, a new equipment was released that the hospital immediately acquired."
Bumuntong-hininga ako, "anong ospital?" Takang tanong ko.
"Our hospital," tipid nitong sagot. "Tumawag ako, I mean, sila ang tumawag sa akin at binalita ang new achievement. We should celebrate it."
Naguguluhan pa rin ako. Hindi ko alam na may ospital kaming pag-aari. "Wow, congrats for that." Ngumiti ako nang peke. Hindi ko magawang maging masaya knowing that I haven't seen him today.
This is not me anymore.
"Andrea, dressed up for tonight's celebration, pupunta tayo roon." Anang John bago ako makahakbang.
"Why? Bakit kasama ako?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Ikaw ang susunod na magmamay-ari noon, panahon na para makilala mo ang mga makakatrabaho mo."
"Nah,"
"Yup."
Napairap ako nang iwanan niya ako. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa tanaw ko.
Nang matapos akong magpalit ng damit ay dumiretso ako sa movie room. Tahimik doon at madilim kaya gusto kong doon muna tumambay. Pagod ang utak ko nitong mga nagdaang mga araw. Aaminin ko, at mahirap aminin sa sarili ito pero, I'm sad not seeing him even just a glimpse of him.
BINABASA MO ANG
HOME VISIT (editing)
General FictionA young lady who did an act and pretended to be a highschool student not knowing she's unveiling secrets of her parent's past.