Chapter 18

42 0 0
                                    

Imbes na sa kantina ako pupunta ay hindi. Pinatawag na naman ako ni Sir Perez sa opisina niya, hindi sa faculty room dahil may mga teacher doon. May posisyon siya rito sa school kaya may office siya hindi ko lang maalala kung ano yon. Hindi ko alam kung anong ganap at pinatawag na naman niya ako.

Isang beses lang akong kumatok sa pinto bago ko iyon buksan para makita siya sa loob na may kausap.

“Here she is,” ani Sir saka naman humarap sa akin ang mga kausap niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Chelsea kasama ang ama niya siguro. May hawak na pipa ang ama niya at humihithit roon.

Hindi pa ako nakakahuma simula nang makita ko sila pero lumapit na ako sa kanila. May benda pa rin ang noo ko, narito pa rin ang bakas na galing kay Chelsea.

“Sir,” usal ko bago ako naupo sa isa pang visitor’s chair. “Pinatawag niyo ho ako?”

“Yeah. Regarding dun sa nangyari sa inyo ni Ms. Chelsea Duncan. Nandito ang kaniyang ama na si Mister Rafael Duncan para makausap ka maging ako na rin.”

Kumunot ang noo ko, “ Ano naman ho ang pag-uusapan namin?” Bumaling ang tingin ko kay Mr. Duncan na bumuga ng usok mula sa hawak niyang pipa.

“Sinuspinde ang anak ko dahil sa iyo!”

“I beg your pardon, Sir. Dahil sa akin? No, it was never my fault.”

“Sinabi sa akin ng anak ko na hindi mo siya pinatutunguhan nang maayos tulad ng ginagawa mo sa iba. Sino ka ba at ganiyan ka umasta? Remember, I am one of this school’s stockholder.”

“Hindi ko ho kayo kilala. Pasensiya na, pero pinatutunguhan ko nang mabuti ang anak ninyo sa abot ng makakaya ko.” sagot ko sa kaniya.

Umiling siya. “I know my child.. Mister Perez, papasukin mong muli ang anak ko o ako ang magpapatalsik sa batang ito?” Dinuro niya ang mukha ko gamit ang umuusok niyang pipa.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ng ama ni Chelsea. I even saw her grin. Napailing ako.

“Wala ho tayong patatalsikin, Mister Duncan. In fact, my students are all good. Hindi lang sila nagkakasundo. Matalino ho ang anak niyo, Mr. Duncan. Wala akong masabi sa kaniya.”

“But you suspended her. Away lang iyon ng mga bata. Hindi naman kailangang paabutin sa ganito ang nangyari, that wasn’t even serious.”

Napalunok ako nang bumagsak ang kamao ni Mr. Duncan sa table ni Sir Perez na gawa sa glass.

“Blood ran out from my student’s forehead, it was and it is very serious, Mr. Duncan. Binato ng anak mo ng pabango si Andres, seryoso ang bagay na iyon. Naiintindihan ko na ipinagtatanggol ninyo ang anak niyo, pero huwag niyo hong pagtakpan ang maling nagawa niya.”

Napatingin ako kay Sir Perez. Ipinagtatanggol niya ako mula sa ama ni Chelsea na isa pa lang stockholder ng school namin. Nakakatuwa naman. May dalawang bagay na puwedeng mangyari; paalisin ako sa school o siya ang mapaalis sa school.

Nakita ko pa kung paano umangat at baba ang Adam’s apple niya habang kinakalma ang sarili. Wala namang laban si Sir Perez kay Mr. Duncan dahil teacher lang siya at mas makapangyarihan si Mr. Duncan, maliban na lang kung magpakilala ako. But no. Kahit ilampaso ako rito ay hindi ko iyon gagawin.

“Self defense lang ang nangyari, nagkuwento na sa akin ang anak ko. Alam ko ang nangyari, alam ko rin kung sino ang nauna. And this Andres, she humilliated my daughter.”

Muli na namang tumapat sa mukha ko ang pipa niya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit.

“Self defense? Ni hindi ko nga siya hinawakan, anong self defense?” Pagtatanggol ko sa sarili ko. Sino ba ang kilala ko na puwedeng maging witness sa nangyari.

HOME VISIT (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon