I turned off the radio inside my car before I went out. Pinagpagan ko ang suot kong uniform. Katatapos lang ng klase ko at dito ako dumiretso sa bahay nila Andrea. Siya ang gusto kong makita bago ako umuwi. Babalik din naman ako bukas nang maaga. Kahit pa isipin pa niyang napapadalas na ang pagbisita ko ay wala na akong pakialam. Gusto ko siyang nakikita.
Tinuro lang sa akin ni uncle kung saan ko makikita si Andrea. Pumasok ako sa loob ng bahay. Dumiretso ako hanggang sa makarating ako sa dining area. May daanan dito papunta sa movie room. Naroon daw siya at nagpapalipas ng oras. Nakita ko nga siya. Nakaupo siya sa isang upuan at gumuguhit sa sketchpad.
She looks so perfect with those thin fabric of clothes she's wearing. Her legs are so fine.
Tahimik akong naglakad at nilapitan siya. Hindi niya ako nilingon pero alam kong alam niyang nandito ako. Nagpatuloy lang siya sa pagguguhit niya.
"Sir… home visit pa ba ang ginagawa niyo o nanliligaw na kayo?"
She didn't even looked at me.
Hindi ako natinag sa tanong niya. Natutuwa pa nga ako, eh. Gano'n ba ang tingin niya? Well, no. Hindi ko siya nililigawan, dinadalaw ko siya at gusto kong lagi niya akong makita para maalala niya ako.
Sinabi sa akin ni papa na dapat daw ay huwag kong pilitin na makaalala ang isang nakalimot na utak. He said, I should talk to her heart.
"Hindi ako nanliligaw, Ms. Domingo." Sagot ko.
"So, which one? Home visit or home school?"
Binitawan niya ang hawak niyang lapis at inangat ang tingin sa akin. "Dumadalaw lang ako."
"Wala naman ho akong sakit."
Pilosopo.
Nakatitig ako sa mukha niya, gano'n din siya. Balang-araw ay maaalala niya rin ako. Mahirap tanggapin na sa lahat ng pwede niyang makalimutan ay ako pa talaga.
"Maupo ho kayo, Sir."
Sinunod ko ang sinabi niya. Umupo ako sa isang upuan na narito sa gilid niya. Nagsimula na naman siyang magsalita habang gumuguhit. Ngayon naman ay nagkukwento siya tungkol sa masquerade ball. May nakasayaw daw siyang weird na lalaki.
That was me!
Kaunti pa ay maaalala na niya. Maaalala na niyang ako iyon. Ako ang nakasayaw niya sa ball at ako si Hazi.
She's giggling while speaking. Parang kinikilig siya sa mga naiisip niya. Tumingin ako sa ginuguhit niya. It was a man dancing her partner.
Parang kami ang naroon sa ginuguhit niya. "Pag dumami na ang mga portrait. ko, ibebenta ko. Pag nabenta ko na lahat… ido-donate ko sa isang orphanage." Sabi niya habang nagpapatuloy sa pagguhit.
Napangiti ako sa tinuran niya kaya napatitig ako sa mukha niya. Gustong-gusto ko siyang yakapin. I want her to be mine again. Bakit kailangan kong masaktan nang ganito? Nasa harap ko na siya, ang lapit na niya, pero parang ang layo niya… mahirap abutin.
Hinanap ko ang remote para sa tv na narito sa movie room. I wan to play some music. Habang gumuguhit siya, makakatulong ang music para hindi siya mabagot.
Nang mahanap ko iyon ay tumayo ako para kunin. I turned the flat screen tv on. "Suggest music." I said.
She looked at me smiling. "Sige, Sir. Have you heard the song unchained melody? That's my favorite song." She responded.
"Haven't heard," I simply answered her question. Hinanap ko ang tinutukoy niyang music. I chose the first thing I saw.
Bumalik ako sa upuan ko kanina nang magsimula na ang kanta. Nakatingin ako sa tv at binabasa ang lyrics. A baritone voice started to sing and it's arousing. The lyrics are so classic and poetic.
BINABASA MO ANG
HOME VISIT (editing)
General FictionA young lady who did an act and pretended to be a highschool student not knowing she's unveiling secrets of her parent's past.