“Papasok ka? Nakakalimutan mo ba yung ginawa sa iyo ng mga kaklase mo? Pinahiya ka ni Chelsea sa kanila.”
Nag-iba ang reaksiyon ng mukha ko nang sabihin iyon ni Cosmo dahil walang alam si John sa nangyari. Hindi niya nga rin alam na umalis ako.
“Anong nangyari? Bakit, Cosmo?”
Nagtanong na nga si John sa anak niya. Napairap tuloy ako. Bakas kay John ang pagtataka at si Cosmo naman ay parang wala lang sa kaniya, napaka-kalmado niyang unggoy.
“Iyang bata kasi na iyan ay dumalo sa isang birthday party-”
“Hindi ako bata,”
“Bata ka pa rin dahil wala ka pang eighteen.”
“Matino akong mag-isip kaya hindi na ako bata, wala man ako sa tamang edad.”
“Ah, matinong mag-isip? Kaya pala hinayaan mo lang na pagtawanan ka ng lahat dahil sa hitsura mo kahapon? Para kang nareject na red velvet cupcake.” pang-aasar pa niya sa akin.
“Tumahimik kayong dalawa. Ikaw naman, Andrea? Bakit hindi ko alam na may dinaluhan kang handaan? Nakita mo na ang nangyari sa iyo?” si John.
“Hindi lang nakita, John. Pinagtawanan nila ako na para bang isa akong dagang walang buntot at mga paa. Para akong isang isda na lumalangoy sa semento. Yung mga tawa nila sa akin ay kitang-kita ko. Maging ang mga ngala-ngala nila ay tinatawanan ako. Nakakahiya ang nangyaring iyon para sa akin. Nakakahiya dahil ang dami nilang nakasaksi ng ganoon.” bulalas ko sa kanilang dalawa.
Napabuntong-hininga naman si Cosmo. “Huwag ka nang pumasok, sumama ka na sa amin para dalawin ang mga magulang mo. Today is their death anniversary.”
“I won’t. Kilala ang mga magulang ko ng lahat ng magpupunta roon sigurado ako at kapag nakita nila ako ay anong iisipin nila?”
“Hindi naman nila maiisip na konektado ka sa kanila dahil ikaw si Andres Domingo.” sabi pa niya sa akin.
Kahit na may punto ang sinabi niya ay hindi pa rin ako pumayag na sumama sa kanila papunta sa sementeryo. Nakahanda na nga ang mga gamit nila para doon magpalipas ng isang buong araw. Sa gabi na sila uuwi. May mga ritwal pa silang ginagawa sa puntod ng mga magulang ko.
May sarili silang memorial park cemetery.
Doon sila pupunta at lahat ng mga nakalibing roon ay tanging mga kamag-anak ko lang. Kahit sanggol ay nakalibing doon. Ako lang talaga ang tanging nakaligtas pero mayroon akong puntod doon.
I was born on the tenth of December and died on twelfth.
Dalawang araw lang ang tinagal bago mawala sa akin ang mga magulang ko. Ni hindi ko pa nga alam kung ano ang pakiramdam noon na magkaroon ng mga magulang, pero kinuha na sila sa akin.
“I have to go,” aniko.
Iniwan ko na sila at hindi na ako sumama sa balak nila. Mas gugustuhin ko pa ang pumasok sa harapan ng mga kaklase kong tumatawa kaysa ang manumbalik sa akin ang nakaraan.
Tumanggi ako sa isang boy namin na balak pa akong ipagmaneho ng sasakyan para makapasok sa school. Susubukan ko muna ngayon ang mamasahe papunta sa eskuwelahan. Isang jeep.
Nag-abang ako sa harap ng terminal ng jeep kung saan sari-saring estudyante rin ang nakita kong nagtitiis sa init ng sikat ng araw para lang makasakay ng jeep. Ang ilan sa kanila ay may hawak na maliit na electric fan sa mga kamay, ang ilan ay mayroong portable fan sa cellphone.
May humintong jeep sa harapan ko pero hindi ko alam kung yun na ba ang dapat kong sakyan. Nang may iilang estudyante na pumasok sa jeep ay sumunod na rin ako.
BINABASA MO ANG
HOME VISIT (editing)
Algemene fictieA young lady who did an act and pretended to be a highschool student not knowing she's unveiling secrets of her parent's past.