Chapter 23

42 2 0
                                    

I look at John while he's talking on his phone. He's still preparing for my coming birthday next year. Kahit sinabi kong simple lang ay hindi siya nakinig.

"Mabuti, mabuti kung ganoon. Napakagandang balita na wala kang masyadong gagawin sa araw na iyon." He's glad and I have no idea why.

Is that about the marriage? Ilang beses ko nang sinabi sa kaniya na hindi ko gustong madaliin ang bagay na iyon. Maraming bagay ang gusto kong maranasan pag tapos ng school. After this act.

"Andrea," he called me.

I'm almost finish eating dinner. "What?"

Kailangan kong kumain ngayon dahil sa nangyari sa akin noong nakaraan.

"Great news," he said while he's bringing his self to the chair next to me. "Hazi just confirmed the meet up of you two this coming Thursday."

"What?!" Halos mabilaukan ako sa sinabi niya. "John, I already told you to not rush things up. I don't even know if that man is trustworthy."

"Do not worry. Malapit sa akin ang binatang ito. Halos anak na rin ang turing ko rito noong kabataan niya. I know him and he knows me too."

Nakakunot lang ang noo ko sa tinuran niya. Dapat ba akong magtiwala agad sa sinabi niya? "Thursday agad? As in bukas?"

"Yes, after ng klase mo."

Napapailing ako habang nginguya ko ang mansanas sa aking bibig.

"Sasama ako bukas para mabantayan kita, Andres." Anang Cosmo.

"Nabalitaan ko ang nangyari sa iyo sa school, Andrea."

"Ang alin?"

"Nagnakaw ka ng answer key sa apat na subject niyo."

Bahagya akong natawa, "at kanino mo naman iyan narinig? Hindi ko kailanman magagawa ang magnakaw ng answer key. Ni hindi ko nga alam na may answer key pala dapat sa mga exam. 'Di ba dapat ang mga answer ay nasa kopya ng test paper nila." Napairap pa ako habang hinahalo ang kutsara sa plato ko. "Sigurado naman ako na si Chelsea ang may pakana noon. Gusto niya akong masuspend tulad ng nangyari sa kaniya."

"Yung Duncan?"

"Oo," sagot ko.

Hindi naman siya nakasagot sa sinabi ko. Naging seryoso lang ang pinta ng mukha niya na para bang may malalim na iniisip.

"Bilog nga ang mundo," bulong niya na narinig ko pero hindi ko na lang pinahalata. May bagay na bumabagabag sa kaniya sa tuwing naririnig ang pangalan na iyon.

Why?

"Good morning," bati sa amin ni Sir Perez.

Napatingin agad siya sa akin. Nagtaka man siya ay hindi niya naman iyon pinansin. May sinulat lang siya sa board.

"These are the students who finished their first quarter with honors and high honor, including highest honor." Wika ni Sir habang nagsusulat pa rin sa board. "May ilan sa inyo na mababa ang grades dahil malamang sa absent at kawalan ng pakialam sa mga projects na binigay ng ibang teachers."

Inabangan ko kung sino ang mga masusulat sa white board. His handwritting really amaze me. It's so clean and beautiful like an art.

With Honors. He wrote the name of those who are with honors including Chelsea. She smiled and congratulated by Sir.

"Thank you, Sir." Aniya habang nakangiti. Ang saya ng impakta.

Tatlo lang naman sila na kasali sa with honors. I wonder if I would get any of those.

Si William ay nakasali sa high honor. Wala lang sa kaniya na kasali siya. Hindi man lang siya nagreact.

Sunod naman na sinulat ni Sir ay highest honor. Nakasali roon si Edzell at ako. Ako? Bahagya akong nagulat pero hindi na masama. I just can't imagined myself with highest honor.

HOME VISIT (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon