“So, it was you.”
Binulsa ko ang palad ko habang humahakbang papalapit kay William na nilalagay sa desk ko ang bulaklak na lagi kong naaabutan sa umaga. Nagulat pa siya dahil siguro hindi niya inaasahang mahuhuli ko siya. Inagahan ko ngayon dahil wala si John para daw kumausap ng importanteng tao.
Hanggang ngayon ay seryoso pa rin ang awra at ekspresyon ng mukha niya. Umangat pa nang ilang sandali ang kaliwang kilay niya bago nakapagsalita.
“What are you talking about?”
Nagmaang-maangan pa. Iyan naman lagi ang sinasabi ng mga feeling inosenteng saspek.
“Ikaw lang pala ang naglalagay ng ganiyan sa desk ko. Ano bang motibo mo?”
“I do not know what you're saying. I just realized that there is a flower here. I looked and you saw me holding it.”
Ngumisi ako nang humakbang siya palayo. “You have a crush on me.” Bigkas ko. Hindi patanong, lalong hindi ako nag-aalinlangan.
Humarap siya sa akin.
“The hell with you? Look at yourself. You look like a messy uneducated lady who never fix her appearance at all, who are you for me to have a crush on to?”
Ano raw ang sabi niya?
“Grabe ka naman magsalita. Tao ako. Kung wala kang crush sa akin, bakit mo ginagawa iyan? Isang buwan mo nang ginagawa iyan.” Kunot-noong aniko.
“Just to make everything clear. I will not do that cheap thing. I just saw that and took a peek. I don't know who the fool is wasting his time on that."
“Hindi ka nakakatuwa, ah? Hindi ka nawawalan ng panlalait sa tuwing sumasagot. Hindi ka ba marunong sumagot nang diretso at sakto? Parang hirap na hirap ka pang magtagalog.”
Umiling naman siya. “Up to you. Waste of time." Aniya pa bago ako iwan uli.
Ang lakas ng hangin na dala niya. Siya pa itong may ganang mang-iwan, sino ba siya sa akala niya?
Sa inis ko ay mabilis ko siyang hinabol at pinaharap sa akin. “Saan ka pupunta? Ako ang aalis.” Sabi ko saka ko siya inunahan sa labas ng kuwarto.
I’m a waste of time daw? Ang yabang pala niya. Mukha lang siyang disente pero may tinatago siyang kayabangan sa balat niya.
“How dare you!”
Kusang huminto sa paglalakad ang mga paa ko dahil humarang sa daraanan ko si Chelsea. Siya na naman. Walang humpay na Chelsea Duncan.
Eh, wala namang kuwenta ito, bakit ko pa kailangang kausapin?
“Alam kong ikaw ang nag-utos para takutin ako. Don’t worry, Andres. Mabubulok ka sa kulungan.”
Umangat ang kilay ko sa sinabi niya. “Ipakukulong mo ako?"
“Kaya kitang ipakulong dahil mayaman ako…”
“…at mayabang?”
“Yes, maybe mayabang nga ako. That’s because I have something to brag about! How about you? A low class person trying to fit in this world? How pitiful.”
Aba! Isa pa ito kung makalait sa akin akala mo ay binabayaran niya ang hanging nilalanghap ko!
Napailing ako. Hindi ko talaga tipo ang magsalita nang magsalita lalo na kung basura yung kaharap ko, nakakawalang gana. Pakiramdam ko, sa bawat pagbuka ng bibig niya, sampung langaw ang lumilipad. Kapag ako ang nainis sa kaniya, sasampalin ko na ang bunganga nito hanggang sa malunok niya ang dila niya.
“Isusumbong kita kay daddy. Gagawin ko ang lahat para makulong ka lang. Nakikita mo ba ito?” Tinuro niya ang namumula sa mukha niya na para bang daplis ng kung anong matulis na bagay. “This is serious physical injury!”
BINABASA MO ANG
HOME VISIT (editing)
General FictionA young lady who did an act and pretended to be a highschool student not knowing she's unveiling secrets of her parent's past.