Kasama ko ngayon sina William, Edzell, at ang ilan pa sa mga kaklase ko. Hindi naman kami ganoon karami, halos lagpas lang kami ng sampu. Hindi ko alam kung bakit kami pinatawag at in-excuse pa sa ilang mga teacher namin.
May hawak na yellowpad si Sir Perez, doon ako nakatingin dahil parang naiilang na akong tumingin sa mukha ni Sir simula nang may ipagtapat si William. Hindi ko pa rin alam kung totoo iyon.
“Isasali ko kayong lahat sa mga contest na magaganap sa Hip-hop contest. Only one week for your practice,” ani Sir bago ilapag sa mesa ang papel. "Gusto ko na makasali kayo sa mga magaganap sa event na ito. This will help you for your grades, don't worry..”
“Pero, Sir?”
Umangat ang kilay ko pero hindi ako napamaang sa sinabi ni Sir.
“Sana wala kayong problema,”
Akma na sanang aalis si Sir Perez pero pinigilan siya ni William Domingo, “How about me? What is my contribution in this meeting, anyway, Sir?”
Napalunok ako. Iba kasi ang tono niya nang magtanong siya, parang nakakabastos.
Napatingin naman ako sa yellowpad na hawak ni Edzell. Nakasulat roon ang mga magaganap sa contest.
“Clean my office,”
Lahat kami ay biglang napatingin kay Sir nang iyon ang sabihin niya kay William. Akala ko ay pinatawag niya rin si William para sa isa ring contest.
“What?” Tumayo si William, “I’m a student, not your janitor, Sir.”
Ano bang nangyayari sa dalawang ito? Ang talim ng titig nila sa isa’t isa.
“William Domingo will clean my office, the rest of you may now go.”
Tumayo kaming lahat saka kami isa-isang umalis sa opisina niya. Nagtataka ako kung bakit kay William niya ipapalinis ang opisina niya, e madalas namang malinis ang kuwartong ito.
“Mag-uusap lang ang dalawang iyon,”
Napatingin ako kay Edzell na nagsalita. “Huh?”
“Ganiyan ang mga lalaki. Madalas na mag-usap in private kapag tungkol sa babae.”
Napailing naman ako sa tinuran niya. Minsan na nga lang siyang mag-seryoso sa sinasabi niya kaya dapat siguro akong maniwala.
Dumiretso agad kami sa klase namin. Mathematics. Wala akong katabi kaya tinabihan ako ni Edzell.
“Pakopya,”
Umangat ang tingin ko sa kaniya saka ako napatingin sa whiteboard na mayroong mga math problems. May quiz pala.
“Hindi ka ba handa?” tanong ko.
“H-handa naman, pero hindi ko lang alam na iyan pala ang lesson.”
Napailing ako nang ngisian niya ako. Paanong hindi alam na ito ang lesson? Tulog ba siya araw-araw?
“Lutang ka ba?”
“HAHAHA! Hindi, ogag.” Hinampas niya pa ang balikat ko na siyang naging dahilan para mapatingin sa amin ang mga kaklase ko pati na rin ang lecturer.
Napatitig sa amin ang lecturer namin. Masamang titig saka siya humakbang palapit sa desk niya.
“Anong tinatawanan ninyong dalawa diyan?”
Naestatwa ako mula sa kinauupuan ko nang magsalita ang lecturer namin. Buntis pa naman siya at ako na naman ang nakita niya.
“Sorry, Miss.” si Edzell agad ang humingi ng paumanhin bago pa muling magsalita ang lecturer namin.
BINABASA MO ANG
HOME VISIT (editing)
General FictionA young lady who did an act and pretended to be a highschool student not knowing she's unveiling secrets of her parent's past.