Chapter 10

58 1 0
                                    

Late akong nakatulog kagabi dahil masyado kong inisip ang pag-uusap namin ni Mr. Magallanes about sa proposal niya. Tulala tuloy ako ngayon at sa labas ng bintana nakamasid.

Parang tama nga si John. Kailangan ko ng makakasama sa buhay para na rin matulungan akong maiangat muli ang pangalan namin. Pero hindi ako dapat magtiwala nang agaran, natatakot ako.

"Before we start, I would like to thank Miss Chelsea Duncan for winning the On-the-spot Writing Contest yesterday."

Narinig ko naman silang nagpalakpakan pagkasabi niyon ni Sir Perez.

"You won the second."

Akala ko naman winner na talaga, sayang. Ano naman kaya ang sinulat niya at ganoon ang naging resulta?

"Actually, kailangan mong lumaban uli, Miss Duncan."

"Why, Sir?"

"You have to break the tie. Kung hindi ka lalaban, talo tayo."

I took a nap, but my eyes are still open. Medyo nag-aalala lang ako kay Adrian. He's absent for a week now.

Absent rin ngayon si Andrei. Ano kaya ang problema?

“Bakit naman ang tahimik mo?”

Napatingin tuloy ako kay Edzell nang mapansin niya ang katahimikan ko. Hanggang ngayon kasi ay absent ang dalawa at wala akong balita sa kanila. Nag-aalala ako sa kanila bilang kaklase, hindi naman sila naiba sa akin.

“Nagtataka lang ako kung bakit isang linggo nang hindi pumapasok sina Adrian at Andrei.”

“Itutuloy ko lang saglit ang lesson kahapon and then, quiz tayo.”

Ano bang bago? Lagi naman siyang may nakahandang quiz. Sigurado ako, lumilindol na may nakahanda pa rin siyang incident report. That is only Sir Andrew Perez. May krisis na siguro, siya nagsusulat pa.

“Kingdom Plantae includes green, brown and red algae, liverworts, mosses, ferns and seed plants with or without flowers. They have the following characteristics…”

At dumaldal na nga siya sa harapan. Kingdom Plantae, okay. Biology time. This is a mid-boring subject for me for it talks about lives.

“Tahllophyta… They are simple, autotrophic non-vascular plants. They have unicelled sex organs and no embryo formation. These grow in specialized habitats, but I won’t state those habitats, it’s not important anyway.”

Ang dami niyang dinaldal sa harapan namin habang ang mga kaklase ko naman ay busy sa pag-jot ng notes. I don’t do that, it’s a waste of time. Hindi kasi nila maiintindihan ang sinasabi ni Sir dahil wala siyang eksplanasiyon. Hindi niya hilig ang eksplanasiyon sa mga lesson. And that’s odd.

Bigla ko tuloy naalala yung teacher namin sa English na napansing hindi ako nagbabasa sa libro dahil may susunod na quiz, pinahiya ako sa klase. Sinabihan niya pa ako noon na kung memoryado ko na raw ang buong isang libro ay puwede ko na raw gawin ang mga ginagawa ko tulad ng hindi pagsusulat kapag nagsasalita siya.

“Miss Domingo,”

Umangat ang tingin ko kay Sir Perez nang banggitin niya ang pangalan ko. Akala siguro niya ay hindi na naman ako nakikinig sa kaniya, well, tama naman.

Tumayo ako.

“Ang lalim na naman ng iniisip mo. Why human can’t eat grass?” Humalukipkip siya at inabangan kung masasagot ko ang tanong niya.

“It is because grass contains cellulose.” Panimula ko. “Cellulose is a tough substance that human cannot be digested.” Dagdag ko pa. May isasagot pa sana ako pero naunahan ako ni Sir.

HOME VISIT (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon