Tinuruan ko ang sarili na makuntento sa isa
Kahit na alam kong sa ating dalawa
Ako lang ang makakagawa.
Ang hindi ko lang inakala ay sa madaling panahon
Ika'y bumitaw at naghanap ng kambal ni Sisa
Ako'y nagdusa sapagkat iniwan mong araw , gabing nababalisa.Pero pagbigyan sanang turuan kita
Tuturuan kung paanong hindi na maka balik pa sa mga taong iniwan mo't pinaasa
Ang mag makaawa na sana magising na sa panaginip na hindi mo inaakalaKung dumating man yung puntong nasasaktan kana
Mabuti kung ganoon
Magdusa ka hanggang sa mapagisip-isip mo ang naramdaman ng mga taong iyong nilinlang at sinaktanWala nang seseryoso sayo kapag hindi ka pa nagbago
Mahirap kung sa tingin mo lahat nalang puro laro at biro
Magseryoso ka nang makita mo ang tunay na nagpapahalaga at nagpapaka totoo sa'yo.Tanggap ko na hindi na ako
At alam kong hindi ka karapat dapat sa isang tulad ko
Pero alam mo sanang may nararapat din para sa isang tulad mo
Yun ay kung pipiliin mong magpakatotoo't magbago
Kung pipiliin mong tumingin sa isa at sa kanya makunteto.-Binibining Benits ♡
(JULY 27, 2022 (Wed))
![](https://img.wattpad.com/cover/343278957-288-k908646.jpg)
YOU ARE READING
PIYESA
PoetryMga katha ni Binibining Benits Para sa mga mahilig sa tula. Sorry for the wrong typo and grammars. 🍀