"BAKIT hindi mo man lang sinabing may bisita pala kayo?" sita niya kay JD nang sabay silang magtungo sa CR. "Sana tinext mo man lang ako bok."
Natawa sa kanya si JD. "E busy ka nga kaya sinabi ko nalang kay Gael na bitbitin ka. Saka dinner lang naman to. Gusto lang ipasyal ni Peachy ang kaibigan niya."
Asawa ni JD si Peachy, wala pang isang taon na naikakasal ang dalawa. Si Giselle naman ang tinutukoy ni JD. College friend daw ito ni Peachy na nag-migrate sa America nung freshman sila. Nasa bansa ngayon para magbakasyon at kasama nila sa dinner.
"At least sina Gael at Reynon e nakaporma. Tingnan mo naman ang ayos ko bok, naka-tshirt lang. Sana nakapag-polo man lang ako."
Lalong lumakas ang tawa ni JD saka iiling-iling na pumasok sa CR. Naiwan siya sa labas ng men's room.
May salamin sa gitna ng men's room at ladies' room. Napatingin doon si Revo, saka medyo napangiwi. Parang sunog ang balat niya, no wonder ni ayaw yata siyang tingnan ni Giselle. Crush pa naman niya ang babae!
"Okay naman ang porma mo bok, huwag ka nang masyadong ma-conscious," natatawang wika ni JD na kalalabas lang mula sa men's room. "Kita mo yung waiter kanina, panay ang tingin sa'yo, type ka yata."
"Tado!" Siya naman ang pumasok sa CR.
Pagbalik nila sa table ay naabutan nilang nagkukuwento si Giselle. Nakikinig naman sina Peachy, Gael, Reynon at Clint. Gusto man niyang pigilan ang sarili pero napapatanga talaga siya habang nagsasalita ang babaeng balikbayan.
Straight ang mahaba at itim na buhok ni Giselle, isa sa weakness ni Revo sa mga babae. Maputi ang babae pero hindi kutis-sakitin, pantay-pantay ang mapuputing ngipin, may dimples na magkabilaan at mahaba ang mga pilik. Bagama't naka-make up ito, hindi ito masagwang tingnan, tama lang. Kaya naman hindi talaga maialis ng binata ang mga mata sa babae.
"Ikaw Revo?"
Nagulat ang binata nang marinig ang pangalan niya. Napatingin siya kay Peachy na tila naghihintay ng sagot niya. Pero, ano ba ang tanong?
Shit, magmumukha akong tanga nito! Gusto niyang batukan ang sarili dahil nawili siya sa kakatingin kay Giselle. Hindi na tuloy niya naintindihan kung ano ang pinag-uusapan ng lahat.
"Ako ang alin?" Wala siyang choice kundi aminin na hindi niya narinig ang tanong.
"Tinatanong ka ni Peachy kung iinom ka ba?" salo ni JD na pasimple siyang pinanlakihan ng mata. "Kasi gusto ni Giselle na lumipat ng lugar."
Mula kay JD ay kay Giselle siya napatingin. Tila nagkibit-balikat lang ito.
"Magba-bar daw," wika ni Gael sa tabi niya.
Saglit na napaisip si Revo. Kailangan niyang mag-swimming ng maaga kinabukasan saka mag-jogging dahil kasama iyun sa daily routine niya. Pero gusto niya pang makasama ang kaibigan ni Peachy kahit mukhang ayaw siyang tingnan nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/41461305-288-k377533.jpg)
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: REVO
Romanzi rosa / ChickLitKilala siya bilang mistah nina Drix, Brey, JD, Tristan and Drew. Pero alam nyo bang isa siyang mathlete? Yes, a math wizard and an athlete. Matalino, guwapo, sporty at habulin ng babae. Kilalanin si Revo.