THREE MONTHS LATER
NAGLALAKAD sa AT&T Plaza sa Millennium Park sa Chicago si Giselle. Katatapos lang niyang kumuha ng mga pictures para sa photography class niya. Three weeks ang program na kinuha at araw-araw ay may kailangan silang i-submit sa instructor. Today, she choose THE BEAN of Chicago at ang mga turista bilang mga subject ng photos niya.
Hindi na siya bumalik sa hotel na dating pinapasukan. But she agreed to do commission work for them as a freelance photographer. Mas masaya siya ngayon kesa dati. Mas may fulfillment siya dahil nagagawa niya ang gusto niya. Kapag naiisip niya ang ginawang paghahabol kay Revo ay natatawa na lang siya. It was a crazy phase and she's glad na na-overcome na niya. In a way ay nagpapasalamat pa siya sa lalake for having the courage and decency to say no to her. Alam niyang kung ibang lalake lang, baka pinagsabay pa sila ni Brena. Mabuti na lang at iba nga talaga si Revo. Sure, nanghinayang siya. But at least Revo made her realize a lot of things.
Be fearless in love. Yun ang lagi niyang naaalala.
Hindi na siya takot na sumubok ngayon. The mere fact that she decided to pursue her passion and a different career path ay malaking bagay na. Love niya ang photography kaya sineryoso na niya ito ngayon.
"Excuse me, I think I know you."
Napalingon siya nang marinig ang nagsalita. Napangiti siya nang makita ang lalakeng matangkad at guwapo. The young doctor from Medical City.
"I remember you," wika niya.
"Kristoff," he smiled, displaying a perfectly even teeth.
"I'm Giselle." Inabot niya ang kamay. "What are you doing here? Di ba sa Medical City ka?"
"Kararating ko lang the other day. I'm here for my specialization."
"Talaga? So dito ka na sa Chicago?"
"For the next two years, yes." Ngumiti uli sa kanya si Kristoff.
Artistahin, naisip niyang bigla.
"Ikaw, what are you doing here? Nagbabakasyon ka ba?
"Dito talaga ako naka-base. Dumalaw lang ako sa hospital noon."
"Small world no, dito pa tayo nagkita."
"Oo nga e." She started walking. Sinabayan siya ni Kristoff. "Sino palang kasama mo dito?"
"Ngayon? Ako lang. I'm just exploring the city."
"Nakapunta ka na ba sa Wrigley Field?" Umiling si Kristoff. "Malapit lang yun sa apartment ko.
"Talaga? Baka gusto mo akong samahan?" Then biglang natigilan ang lalake. "I mean, kung okay lang? Kung walang magagalit?"
Napangiti siya. "Wala. I'm free."
"Great." Lumapad ang ngiti ni Kristoff. "Okay lang ba if I get your number?"
"Sure. Let's exchange numbers."
GROUP CHAT: BALITANG PANGKALAWAKAN, CHISMIS AT IBA PA
Drew: Eto na mga bok! Mainit init ang intel report na natanggap ko!
JD: Tungkol saan?
Spike: Ano yan?
Drew: Binalita lang sakin ni Stella kanina!
Primo: Bilisan mo bok, magsisimula na ang meeting namin.
Drew: Nagkita daw yung pinsan niyang si Kristoff at si Giselle sa Chicago!!!
Tristan: Talaga? Ano daw nangyari?
Brey: Bakit sila nagkita? Ano daw?
Drew: Nag-date daw sa Wrigley Field at nanood ng game!
Spike: Ows? At least naka-move on na siya kay Revo.
Drew: Pero small world di ba? Pinapunta ko pa yang si Kristoff nung ma-ospital si Revo e.
Primo: Kaya pala sila nagkakilala. Makes sense.
Revo: Di pa ba matapos-tapos to? Ako pa rin ang topic?
Drew: Hindi naman ikaw, huwag kang ano diyan bok. Saka may itatanong din ako sa ibang mistah.
Hank: Tungkol saan?
Drew: Nakita nyo ba yung billboard sa may Magallanes Fly-Over?
Clyde: Madaming billboards dun bok!
Brey: Oo nga. Saan dun?
Drew: May billboard dun ng isang lalake.... parang kahawig ni Junie. Tingnan nyo nga!
Primo: Nasaan ba si Junie? Bok, sumagot ka nga.
Junie: (seen).
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: REVO
ChickLitKilala siya bilang mistah nina Drix, Brey, JD, Tristan and Drew. Pero alam nyo bang isa siyang mathlete? Yes, a math wizard and an athlete. Matalino, guwapo, sporty at habulin ng babae. Kilalanin si Revo.