Chapter Twenty-Six

6.2K 160 24
                                    




Two Weeks Later.



NAKANGITI si Brena habang nakatingin sa dinadaanan ng sasakyan. Papunta siya sabahay nina Revo sa Tondo at kampante siyang nakaupo sa backseat ng kotse dahil may driver naman siya. Kahit araw-araw silang nagkikita ni Revo after the accident, hindi pa rin nawawala ang excitement niya kapag alam niyang magkikita sila ng boyfriend. Para pa ring nung first time nilang magkakilala na kinikilig siya. Kinakabahan pa rin siya, pero slight na lang.


It's been two weeks since Revo officially introduced her to Mamang as his girlfriend. Halos hindi pa rin siya makapaniwala dahil akala niya ay makikipag-break sa kanya ang lalake. Buti na lang at man of honor ang boyfriend niya. Pinanindigan nito ang relasyon nila. And two weeks na din simula nang kausapin siya ni Giselle. Nagpa-sorry sa kanya ang babae bago umalis. Tinanggap naman niya, after all, babae din naman siya at nagmahal.


Noong malipat mula sa ICU to a private room si Revo at medyo malakas na ito, she asked him kung ano ang gusto nitong sabihin bago maaksidente. Curious pa rin kasi siya. And Revo told her everything. Pati ang mga sinabi nito kay Giselle. Naiyak siya sa sobrang kilig nang marinig na na-fall si Revo sa kanya.


"Talaga ba?" she asked him. Tumango si Revo. "P-paano?"


Ngumiti ang lalake. "Kasi minahal mo ako ng buong tapang. Kahit hindi ka sigurado kung maibabalik ko ang pagmamahal mo, you still took the risk and you never gave up on me. Kapag kasama kita, at peace ako.


Hinawakan ni Revo ang mukha niya at hinaplos yun. "And I saw your good heart. Compassionate ka sa ibang tao. Importante sa akin yun dahil nagsisilbi ako sa bayan. Alam kong naiintindihan mo ang pinili kong propesyon. You wanted me for yourself but at the same time, okay lang din sa'yo na kahati mo ang buong bayan."


"Pero bakit noong una... parang ayaw mo sa akin? Tinanggihan mo ako."


"Because you came in too strong. Nabigla ako. Nakaka-overwhelm din kasi yung pagiging prangka mo, but later on, na-realize ko that while you are basically straightforward, sa akin ka lang open sa emotions mo. Dati kasi, natakot din ako na baka ganun ka sa lahat ng lalake. And I was wrong. I'm sorry."


"Ikaw lang ang ginusto ko ng ganito kaya sumugal na ako ng todo."


"I know. And I will always be grateful."


"Pero bakit hindi ka man lang nag-I love you sa akin?" ungot niya.


Napangiti si Revo sa tanong niya. "Hindi pa ba?"


Umiling siya saka ngumuso kaya lalong natawa ang lalake.


"Sorry.... I didn't even realize that part. Akala ko naramdaman mo nang mahal kita. Kahit pagod ako pagkatapos ng training, pinupuntahan pa rin kita. Paggising ko sa umaga, ikaw ang una kong tinitext at tinatawagan. Bago ako matulog, ganun din. At sinasamahan kita sa mga gusto mong puntahan. Alam mong matipid akong tao, pero lagi kitang dini-date... gusto ko lagi kitang kasamang kumain sa labas at manood ng sine."


Siya naman ang napangiti sa mga sinabi ni Revo. Kaya nga siya laging kinikilig sa lalake dahil parang araw-araw pa rin siyang nililigawan nito kahit walang sinasabi.


"Paggising ko after the accident, ikaw agad ang gusto kong makita at makausap..."


"Fair enough," wika niya. "Pero bakit--"


"May pero pa din?"


"I'm just wondering.... kung gusto mo talaga si Giselle noon, bakit di mo siya tinanggap nung bumalik siya?"


The Cavaliers: REVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon