GANITO pala ang pakiramdam ng paralyzed, naisip ni Brena habang nakatingin kina Revo at Giselle. Gusto niyang pumasok sa loob ng kotse, gusto niyang tumakbo palayo, gusto niya kahit makapagtago man lang sa likod ng puno pero hindi niya magalaw ang mga paa! Kusang nanigas ang katawan niya habang nakatingin sa impaktang nakapulupot sa boyfriend niya.
Oo, impakta ang tingin niya kay Giselle ng mga oras na yun! Kaya pala mabigat agad ang dugo niya sa babae noong una niya itong makita. She knew something was off. Yun pala ay isa itong babaeng ahas! Kaya gusto niyang sugurin at sigawan si Giselle ng 'get your hands off my man!' Gusto niyang gayahin ang mga nasa teleserye kapag nagpang-abot ang dalawang babaeng magkaaway dahil sa isang lalake! Sampal, kalmot, sabunot at tadyak- lahat yun ay gusto niyang gawin kay Giselle ng mga oras na yun because she was angry and hurt-- pero hindi niya magawa.
Usually ay matapang siya at palaban. Assertive siya at hindi umaatras. But that very moment ay para siyang nabalian ng pakpak at nawalan ng lakas. Nakita niya kung paano hinaplos ni Revo ang ulo ni Giselle.Natakot siya na kapag sumugod siya at magtanong ay baka hindi niya magustuhan ang sagot. She got scared because she wasn't ready to face the truth.
I'm not ready to handle the truth.
Kaya naman maingat siyang bumalik sa kanyang kotse at umatras. She drove away from Revo's barracks para hindi nito malaman that she saw everything. Balak pa naman sana niyang sorpresahin ang lalake with Black Forest Cake dahil alam niyang ito ang paborito nito. Pero siya pala ang masosorpresa at masasaktan sa nakita. Napaiyak tuloy siya pagdating niya ng EDSA. And she cried all the way back to her condo.
BRENA was born out of wedlock. She was raised in Batangas by her mother who had to take multiple jobs para maka-survive sila. Mula sa mga pahulugang beauty products, pag-a-assistant sa isang parlorista, pagde-deliver ng mga lutong ulam sa opisina pati na din ang pagiging mascot o clown kapag may children's party ay pinapatulan noon ng kanyang inang si Marlyn. Walang oras na hindi nagtatrabaho noon ang kanyang ina. Kapag magkasama naman sila ay malungkot ito at pagod. Ang akala niya noon ay patay na ang kanyang ama so she never asked her mother kung ano ang nangyari. Nagulat na lang siya nang biglang dumating ang ama niya when she was 11 years old. Kinontak pala ito ng nanay niya because she was dying. Hindi makapaniwala si Brena na may tatay pa pala siya after all these years.
Nang mamatay ang nanay niya ay tuluyan na siyang kinuha ng amang si Roberto at ipinakilala sa pamilya nito sa Maynila. Engineer si Roberto samantalang Optometrist ang asawa nitong si Clarisse. Malaki ang takot noon ni Brena na baka matulad siya sa mga bida sa fairytales na pinagmalupitan ng stepmother. But Clarisse was different. She treated Brena like her own child. Patas ang naging pagtrato nito sa kanya at sa tunay na anak na si Robert Jr or RJ na halos ka-edad lang niya.
Patapos na siya ng college nang malamang ang nanay pala niya ang tunay na girlfriend ng kanyang ama. Buntis na si Marlyn nang malamang nagka-affair si Roberto kay Clarisse na kababata nito. Sa sobrang sama ng loob ay lumayo ang nanay niya at nagtago, ni hindi inilaban ang karapatan nilang mag-ina. Roberto tried to look for Marlyn but then nalaman nitong buntis din si Clarisse. Dahil magkababata at close ang mga pamilya-- nagpakasal ang dalawa and started a family. Kaya naging mabait si Clarisse kay Brena dahil alam nito ang hirap na pinagdaanan ni Marlyn because of her.
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: REVO
Literatura FemininaKilala siya bilang mistah nina Drix, Brey, JD, Tristan and Drew. Pero alam nyo bang isa siyang mathlete? Yes, a math wizard and an athlete. Matalino, guwapo, sporty at habulin ng babae. Kilalanin si Revo.