AUTHOR'S NOTE

6.6K 182 81
                                    

NAKS. First time kong gumawa ng author's note.

Gusto ko kasing dito mismo ilagay ang thoughts and reflections ko about Revo.

Para masagot ko din ang mga ibang comments and reactions tungkol sa Book 6.

Maraming first dito kay Revo. Ito ang first Cavalier Book na pinost ko muna sa Wattpad before publication. Gusto ko kasing makasama ang readers ko sa journey ko with Revo, although matagal na talagang nakalatag ang story niya.

Actually--when I first started working on The Cavaliers Book Series – 10 Books na talaga ang inilatag ko because yun ang hiningi. Pero lima lang muna ang ibinigay ko kasi sobrang busy ng sched ko. For those of you who are unaware, I am a regular series writer for TV and I do films in between. Dati ay sa TV5 ako but then I moved to GMA7 after five years (ayan, para lang alam ninyo kung bakit hindi ako ganun kadalas mag-update dati hahaha).


Si Revo din ang first Cavalier story na mas mahaba para hindi bitin. If you notice, mas maikli ang mga naunang stories. Alam kong this is still short compared sa ibang stories na nababasa ninyo but then again, simple lang talaga akong magsulat. Ayokong magpaligoy-ligoy pa.


Si Revo din ang unang Cavalier na may group chat. Sa mga nagtataka or nagtatanong kung ganun ba talaga ang mga mistah kapag nag-uusap-usap? Chismoso din ba sila? Yes, karamihan sa mga kaibigan ko and foster brothers na Ayers, ganyan. Noong hindi pa uso ang group chat at wala pang FB, may sariling website na itinayo para lang sa mga Cavaliers, kadete at pamilya, sabit ang mga jowa. Ang pinakamaraming page visit day and night sa site ay ang chismisan at blind item page. Human nature ang pagiging usyusero. And yes, karamihan sa mga kilala ko-- matindi ang mga sense of humor kaya no dull moment.


First time ding magkaroon ng Teams. May Team GiVO at Team BreVO. Humabol pa si Team LoVO. Alam kong may mga natuwa at nasaktan sa pinili ni Revo pero ganun kasi ang love eh. Kapag hindi para sa atin, hindi talaga. Ang pag-ibig, sugal yan. Puwede kang manalo, puwede kang matalo. Minsan, sunud-sunod ang malas. Pero minsan, jackpot. Sa mga nagtataka kung bakit ang bilis maka-move on ni Revo-- sa umpisa pa lang, malinaw na sa kuwento-- madali siyang ma-in-love kaya hindi nababakante kapag Valentine's day.


Sa mga curious kung bakit rowing team – well I was inspired by my younger brother. He was a former PMA cadet pero nasa PNP na ngayon.He was a member of the rowing team and I saw how he trained kahit nasa serbisyo. Araw-araw bitbit ang sagwan papuntang Roxas Boulevard, then diretso sa duty. They represented the Philippines, they won gold in Singapore and qualified for the World Rowing Competition. Pero hindi na siya nakasama dahil nag-iba na ang assignment niya. Sagwan o bayan? Siyempre bayan ang nagwagi.

Yung hospital scene ni Revo? Na tatlong babae ang bumisita? May nangyari nang ganyan -- I could name the hospital and the date pero di ko mabilang kung ilang babae ang dumating kasi madami sila at muntik nang magpa-ticket ang mga nurse. Nabalita din yun sa group page ng mga opisyal. If I remember correctly-- the term that was used to describe the hospital scene was 'rigodon.'


Bakit ako inspired to write about military men? Because I grew up surrounded with men in uniform. I know them with all my heart. And I fell in love with one. But that story is reserved for another time- when I am ready to tell my own story.


Meanwhile, thank you for supporting Revo. Madami pang mistah, masasaya ang kwento nila. Huwag kayong bibitiw. Sana mas dumami pa kayo... mas dumami pa tayo. At sana, makita ko kayo at makilala when I finally launch the published copies of The Cavaliers Batch 2. SOON!


God bless you all.

Charlotte...

(Rockstar and the fairest of them all hahaha) 😂

Follow me on Twitter and Instagram @mydearwriter

The Cavaliers: REVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon