Chapter Twenty-Five

4.4K 167 36
                                    


NAKATINGIN siya kay Giselle. Wala lang siyang gaanong lakas na kumilos or magsalita. He remembered what happened the night before.


Before the accident. Napapikit siya. Naaalala niyang niyakap siya ni Giselle at marami itong sinabi.


"And I'm sorry. I'm so... so very sorry," naalala niyang wika sa kanya ni Giselle habang tumutulo ang luha.


He really hates it when women cry at nakikita niya. Nagi-guilty siya.


"And I am ready to make it up to you.... Please." Tiningnan niya si Giselle ng diretso.


"Kaya mo bang i-give up ang buhay mo sa Chicago para sa akin? Handa ka bang mag-adjust sa klase ng buhay na meron ako?"


Nakita niyang hindi agad nakasagot si Giselle. Nag-hesitate ito. Perhaps natakot dahil akala ay hinihiling niyang i-give-up nga nito ang buhay sa Chicago. Pero ang totoo, wala namang dapat i-give up ang babae.




"NAGMULAT ng mata? Anong sabi?" Narinig niya ang boses ni Spike. His eyes remained closed.


"Wala siyang sinabi, tumingin lang siya then pumikit uli," sagot ni Giselle.


"Tinawag mo ang doktor?" tanong ni Brey.


"Yung nurse ang nauna dito. Nag-check lang ng blood pressure ni Revo. Pagdating ng doktor, sinabi ng nurse yung blood pressure."


"Yun lang??" Nabosesan niya si JD. "Anong klaseng doktor yun?"


"Baka disipulo ni Lotus Bonetta!" sagot ni Drix na sinundan ng mahinang tawa.



Gustong matawa ni Revo kahit nakapikit habang nakikinig sa mga mistah. Eto at nasa hospital bed siya pero nagagawa pa ring mang-alaska!


"Bok, kumain na muna kayo dun. Ako na muna ang bahala dito," narinig niyang wika ni JD.


"Sige bok," sagot ni Spike. "Giselle, halika... kain muna tayo. Sumama ka na sa amin diyan lang sa cafeteria."


"May Starbucks sa baba, bok." Lihim na napangiti si Revo nang marinig ang sinabi ni Brey. Kahit nasaan talaga, sosyal ang mistah niya.


"Thank you but I'll stay here."


"Ilibre mo na lang kami ng Mocha Frapp, bok," hirit ni JD.


"Sige. Yun lang pala. O, kayo na muna ang bahala dito ha. Baba lang kami,"ani Brey.


"Bok, paki-update na lang din pala ang intel group ha," narinig niyang wika ni Spike. "Tutal wala ka namang gagawin talaga dito, nakabantay ka lang."

The Cavaliers: REVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon