MORE than one month na si Giselle sa Chicago. Pero naiisip pa rin niya si Revo. Kahit papano ay guilty siya dahil feeling niya, she was unfair to him. May nararamdaman naman talaga siya for Revo but she was scared kaya pinigilan niya. Nakita din naman niya ang effort ng lalake but she chose to ignore it. Tapos ngayon ay gusto niyang magsisi sa naging desisyon dahil lagi niya itong naiisip. Minsan ay napapatingin pa siya sa cellphone niya to check kung nagtext ang lalake pero wala na.
Kahit naman magtext siya, di ko na din matatanggap, sa loob-loob niya. Gamit na kasi uli niya ang kanyang US mobile number.
But at the back of her mind, naiisip din niya na ano kaya kung tinanggap niya si Revo nung nasa Pilipinas siya?
It will never work out, she reminded herself. Nandito ako, nasa Pilipinas siya. I can never handle long distance relationships.
Naisip pa niya na kung ang mga nasa relasyon nga na magkasama pa sa iisang lugar ay nagkakahiwalay dahil natutukso ang isa, lalo pa kapag magkalayo! Muli niyang pinanood ang isang interview kay Revo na nag-viral sa FB recently.
'Paano mo na-balance ang schedule mo since military officer ka and at the same time ay nasa Philippine Team? Hindi ka ba nahirapan sa training schedule?'
'Nahirapan din po, lalo na at sa Roxas Boulevard ang training tapos sa Camp Aguinaldo ako naka-assign. Yung biyahe at traffic pa lang po ay medyo nakaka-apekto na sa schedule pero maliit na bagay lang naman yun. Yung training hours mahaba, nakababad sa tubig at nakabilad sa init ng araw ng ilang oras pero kaya naman.Ginusto ko po ito at kinaya ko naman. Sabi nga nila, great success requires great sacrifice. Basta po talaga para sa bayan, walang makakahadlang.'
Lalong humanga si Giselle sa mga sinabi ni Revo. Tiningnan pa tuloy niya ang ibang videos na tungkol kay Revo at sa rowing team nito. Gusto man niyang pigilan pa rin ang sarili but the truth is, nadagdagan ang interest niya sa lalake!
"WHAT do you mean na parang gusto mo na namang umuwi sa Pilipinas? Di ba kakauwi mo lang dun?" tanong sa kanya ni Macy. Kasama niya ang babae sa hotel na pinagtatrabahuhan. Filipina din ito pero matagal nang nag-migrate sa US ang pamilya.
"Parang bitin kasi," pagdadahilan niya. Ayaw niyang aminin na may gusto lang siyang makita.
"E kasi bumalik ka din agad. You were supposed to stay there for several months di ba? Sana pala hindi ka na muna bumalik dito."
Wala siyang maisagot. May point naman kasi si Macy. Bakit nga ba kasi siya nagpadalos-dalos? Ngayon tuloy ay hindi siya mapakali.
"Well, if talagang matter of life and death ang reason mo for going home-- I guess papayagan ka naman uli," ani Macy.
Naglalakad sila sa may hotel lobby papunta sa coffee shop ng hotel. May imi-meet kasi silang client doon. Binabagalan nila ang paglalakad dahil maaga pa naman at para makapag-usap pa sila. Si Macy kasi ang pinaka-close sa kanya sa trabaho.
"I guess kapag hindi ako pinayagan- sign na talaga na dapat akong mag-iba ng profession."
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: REVO
ChickLitKilala siya bilang mistah nina Drix, Brey, JD, Tristan and Drew. Pero alam nyo bang isa siyang mathlete? Yes, a math wizard and an athlete. Matalino, guwapo, sporty at habulin ng babae. Kilalanin si Revo.
