Chapter Eighteen

3.7K 140 61
                                    


NAPANGITI si Giselle nang gumising. She slept for nearly ten hours kaya naman medyo fresh na ang pakiramdam niya at wala nang jetlag. Pero wala nang araw nang bumangon siya mula sa kama kaya hindi na siya umalis. 


Instead of Crowne Plaza kung saan siya dating nag-stay ay sa Fernandina Suites siya nag-check in this time. It's a smaller hotel na nasa tapat lang ng Ali Mall sa Cubao at dalawang kanto lang ang layo mula sa Camp Aguinaldo. Naisip niyang mas madali silang magkita ni Revo kapag nasa malapit lang siya.


Excited siyang tumawag kay Peachy that night para sabihin ang balak niyang pa-dinner kinabukasan. She wanted to do it sa restaurant ni Peachy para malapit at para hindi na siya mahirapang mag-organize. Pina-invite niya ang ilang kasamahan ni Revo sa kampo na na-meet na niya dati at kung may mga mistah sina JD na pupunta, okay lang din. Fifteen to twenty guests ang iniisip niya. Not intimate but not crowded. Sakto lang. 

"Just make sure na makakarating si Revo ha?" bilin niya kay Peachy. "Alam kong busy yun sa training niya sa rowing team but I'm sure, kaya naman siyang hilahin ni JD."


"Bakit di mo na lang siya tawagan? Ikaw mismo ang mag-invite sa kanya,"narining niyang suggestion ni Peachy- which was okay, pero nahihiya pa siya.


"Gusto ko siyang i-surprise e. Mawawala na ang element of surprise if alam niyang nandito ako," pagdadahilan niya. 


"At least sure kang darating siya dahil hindi siya makakatanggi sa'yo."


"Peach, kayo na lang, sige na please. Gawan ninyo ng paraan na makarating siya kahit anong mangyari."


Narinig niyang napabuntong-hininga si Peachy sa kabilang line. "Sige, I will do my best."


"Thank you Peach!!"


After the phone call ay masayang binuksan ni Giselle ang luggage niya. Isa-isa niyang inilabas ang mga pasalubong para kay Revo. May ilang Nike atletic shirts na magagamit ng lalake for training, isang mamahaling men's watch saka pabango na Hugo Boss. May dalawa ding polo shirt na Lacoste saka mga chocolates. 


Gusto niyang matawa nang makita ang mga pinamili for Revo. Daig pa niya ang asawa sa dami nang dala para sa lalake. Malaki din ang ginastos niya dahil puro mamahalin at branded ang pinili niya but she didn't mind. Feeling niya kasi ay worth it naman lahat dahil para kay Revo. And in a way ay gusto din niyang maibsan ang guilt na nararamdaman for how she treated him the last time she was in the country.


Sana lang ay makita ni Revo ang effort niya.



MEANWHILE in Tondo.


"Anak, nagpa-facial ka ba?"


Napatingin si Revo sa mamang niya. Mahilig sa mga random questions ang mamang niya at sanay na siya but there are times na nagugulat pa rin siya sa mga biglaang hirit nito.Tulad ngayon.


"Facial?" kumunot ang noo niya. "Hindi po ako nagpa-facial, mamang. Sabon lang po ang gamit ko sa mukha."

The Cavaliers: REVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon