Chapter Four

7K 164 0
                                    


'BAKIT mo ibinigay ang number ko?" angal ni Giselle kay Peachy sa phone. Tinawagan agad niya ang babae matapos makatanggap ng text message mula kay Revo.


"Why not? Okay naman si Revo ah," narinig niyang wika ni Peachy sa kabilang linya. "Ano ba ang sabi niya?"


"Wala, nangungumusta lang."


"Yun naman pala. What's the big deal?" Feeling niya ay nag-e-enjoy ang kaibigan niya sa kabilang linya. "Alam mo bang matalino yang si Revo? Laging kinukuwento ni JD, math wizard daw yan... saka all-around athlete."


"You're selling him!" akusa niya. "I'm not here to have an affair."


Natawa si Peachy sa sinabi niya.


"I'm not kidding, Peach. Ayoko ng sakit ng ulo."


"Just because nangamusta siya e magkaka-affair na agad kayo? Friendly lang din talaga yang si Revo. Kaya nga close sila ni JD."


"I don't like his kind. I can sense that he's...."


"Playboy?"


"Hindi naman... it's more on... basta. Mahirap i-explain!"


"Ganun na nga. Alam mo naman ang nangyari sa akin, di ba?"


Saglit na natahimik si Peachy sa kabilang linya. Halos sabay pa silang napabuntong-hininga.


"Well... you don't have to return his text message if you want. Although I doubt kung titigil agad yang si Revo, lalo na kapag type niya ang girl."


"Peachy!" Duda na nga ba siya sa kaibigan. "Don't play cupid, come on!"


"I'm not playing cupid. Kausapin mo lang. Malay mo maging magkaibigan kayo. There's no harm in having another friend."


"Marami na akong friends," biro niya. Baka kasi isipin naman ni Peachy na masyado siyang snob. "Sige na at kailangan ko pang mamili ng mga pasalubong."


Totoo din naman ang sinabi niya dahil kakaunti lang ang nabili niya sa Duty Free nang dumating. Hindi siya mahilig magdala ng napakaraming maleta. In fact iisa lang ang luggage niya.


"Tuloy ba ang trip mo bukas?" narinig niyang tanong ni Peachy.


"Yeah. Gusto kong makarating sa Zambales bukas bago magtanghali."


"Okay. Then have a safe trip. Call me if you need anything ha?"


"Thanks!" Matapos magpaalam ay ini-off na niya ang cellphone. Humiga siya sa kama. Eksakto namang tumunog uli ang cellphone niya.


Another text message. Nakita niyang galing uli kay Revo. Ayaw akong tantanan! Ano ba ang gagawin ko sayo?

The Cavaliers: REVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon