Chapter Eleven

4K 143 22
                                    


MADILIM na nang makarating sa may Cubao area si Revo. Habang nagda-drive sa kahabaan ng EDSA patungong Camp Aguinaldo ay bumabalik-balik sa isip niya ang naging pag-uusap nila ni Giselle matapos niyang sabihin sa harap ng pamilya nito na gusto niyang manligaw.

"Anong pinagsasabi mo sa harap ng lola ko at mga kamag-anak?" tanong ni Giselle sa kanya matapos siya nitong hilahin sa labas ng bahay. Nakatayo sila sa maliit na garden sa may gate kung saan may munting grotto si Mama Mary. "What's wrong with you?"


"Anong what's wrong with me? Masama ba ang sinabi kong manliligaw ako?" tanong niya kay Giselle. "Totoo kaya yun. Kahit malayo itong Zambales mula sa Camp Aguinaldo, kaya kitang puntahan dito araw-araw."

"That's crazy. No one wants to drive that far everyday."

"Don't dare me,"nakangising wika niya. Hindi niya gustong asarin si Giselle pero para naman kasing sinusubukan siya nito. Wala pa siyang challenge na inatrasan!

"Look Revo--"

"Look Giselle. Hindi naman ako nakikipagbiruan sa'yo. Hindi tayo mga twelve years old na puppy love lang ang pinag-uusapan. I like you. Gusto kita. Hindi pa ba obvious?" He gave his most charming smile.

Nakita niyang hindi agad nakasagot si Giselle. Parang nagulat din ito sa pinagsasabi niya kaya sinundan pa niya iyun.

"Hindi naman kita hahabulin ng ganito kung simpleng attraction lang ang nararamdaman ko. Ewan ko kung naniniwala ka sa love at first sight pero yun yata ang nararamdaman ko sa'yo. Hindi ko naman sinasabing sagutin mo na  ako ngayon din. Wala akong demands na ganun. Rational akong tao at mas gusto kong makilala mo pa ako ng husto para malaman mong malinis ang intensiyon ko."

Speechless pa rin si Giselle kaya naman hindi na niya napigilang humirit pa.


"Pero kung gusto mo din ako at sasagutin mo ako ngayon din, hindi din kita pipigilan. Kung gusto mo akong maging boyfriend, papayag ako agad kasi hindi ako hard to get sa taong gusto ko."

Yun ang huli niyang nasabi kay Giselle kasi nag-walk out sa kanya ang babae at pumasok sa bahay. Nang sundan niya ito ay sinabi ni Lola Delay na bigla daw sumama ang pakiramdam at ayaw nang lumabas ng kuwarto.Wala siyang nagawa kundi ang umalis na lang. Sising-sisi tuloy siya sa mga pinagsasabi niya.


"KUNG di ka ba naman din kasi saksakan ng feeling!" paninisi sa kanya ni Gael that night nang magkuwento siya sa nangyari. Kasalukuyangnagpa-plantsa ng uniform ang lalake.

"Sinabi ko lang naman sa kanya ang nararamdaman ko. Ayoko namang magpaligoy-ligoy pa. Hindi naman kami teenagers no," wika niya habang nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame.

"Okay naman yung magtapat ng feelings tol, pero niratrat mo naman agad. Di ba nga kapag nagta-target shooting tayo e 45 caliber ang gamit nating baril? E ikaw, single target and not even moving pero ginamitan mo ng armalite at hinagisan pa ng granada! Aba e talagang sasabog yun!"

"Oo na. Kasalanan ko na," pahayag niya. "So anong gagawin ko?"

"Magpa-sorry ka tol."

"Tawagan ko na lang ngayon no?"

"Huwag! Para ka namang hindi gentleman niyan! Mag-effort ka naman!"

Napaisip siya saglit. "Padalhan ko ng bulaklak?"

Nilingon siya ni Gael habang hawak ang plantsa. "Ayos yun pero huwag mong itodo ha? Baka kasi magmukhang flower shop yung bahay nila!"

"Grabe ka naman. Hindi naman ako OA no."

The Cavaliers: REVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon