Chapter Eight

5.5K 147 16
                                    


IBINABA ni Giselle ang phone.

Kanina lang siya nakapagbukas ng cellphone dahil naiwan niya ang charger sa hotel sa Maynila at hindi agad siya nakabili ng bago pagdating niya ng Zambales. Naging busy kasi siya sa pakikipag-bonding sa mga relatives niya. Kaninang hapon lang siya nakapunta ng mall sa Subic para bumili ng charger for her iPhone. Lahat kasi ng tao sa bahay ng lola niya ay pawang naka-Android kaya wala siyang nahiraman. Okay na din naman sa kanya yun. At least nakapagpahinga siya from all the calls, emails and social media.

Yun nga lang-- pagbukas niya ng cellphone ay sinalubong siya ng napakaraming messages. May galing sa US, may galing kay Peachy and the rest-- galing kay Revo. Amused si Giselle na si Revo pa rin ang topic ng messages ni Peachy para sa kanya- na kesyo sagutin naman daw niya ang messages ng lalake or at least kausapin na lang. It seems like malakas talaga si Revo sa kaibigan niya. Nakonsensiya naman siya kaya sinubukan niyang tawagan ang lalake-- pero ringing lang ang phone nito.


Maybe it's a sign. Baka hindi talaga kami meant na magkausap, she thought. But then natawa din siya when she saw the time. It was past midnight. At alam niyang ang isang atletang tulad ni Revo ay maagang natutulog. Except when he is out with his friends or on a date. Hindi niya alam kung saan galing ang huli niyang naisip.


She wanted to go to sleep but somehow there was that small voice at the back of her head that was telling her to at least give it a try. To give Revo a chance.


Kung sabagay, wala naman ngang masama.Naisip niyang sa dami ng messages sa kanya ng lalake- dapat nga lang sigurong sumagot siya kahit isa lang. And so she sent a message.


Thanks for all the messages and sorry for my late reply. I am in Zambales with my relatives.


Yun ang ipinadala niyang text bago natulog.




KINABUKASAN ay limang text messages agad ang nakita niya pagkagising-- lahat ay galing kay Revo.

Good morning! Thank you for texting back finally. Sorry I missed your call last night.

Hi Giselle. I'm sure you're still asleep. I just want you to know that I'm so happy to hear from you. I really hope we could talk later.

It's me again. I'm excited to see you-- soon I hope?

Hi. Please let me know if it's okay to call. I would really like to talk to you.

Giselle? Gising ka na? Please text back naman... thanks.


Hindi napigilan ni Giselle ang mapangiti. Wala na yatang makakatalo sa kakulitan ni Revo. Gusto man niyang mainis, kahit papano ay flattered siya. At least, ibig sabihin ay talagang desidido ang lalake na makausap siya at makita.


Tinext niya si Revo at sinabing gising na siya. Wala pang isang minuto ay nag-ring na agad ang cellphone niya.

"Hi Giselle!" Ramdam niya ang excitement sa boses ni Revo.


"Hi Revo," pasimpleng sagot niya. Lumabas siya sa veranda ng kuwartong ginagamit at napatingin sa magandang view sa labas. Tanaw niya ang dagat mula sa kinatatayuan.


Ancestral house ng pamilya ng mommy niya ang bahay na yun. It was old and made of hard wood nung umalis sila papuntang US. Pero ngayon ay may pagka-moderno na ito dahil unti-unti nilang pinagawa ng mommy niya. Sementado na ang bahay, puti ang kulay at minimalist ang concept. Dalawang palapag yun originally pero dinagdagan ng isa pang malaking kuwarto para sa kanila ng mommy niya para may matuluyan sila kapag nasa Pilipinas.


The Cavaliers: REVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon