Chapter Nineteen

3.8K 150 67
                                    




NAMUKHAAN ni Giselle ang babaeng kasama ni Revo.

Hindi lang niya matandaan ang pangalan pero alam niyang napanood na niya ito sa isang tv program kung saan na-feature sina Revo at ang National Team ng Rowing.

Eto ang babaeng nag-interview at gumawa ng documentary na nag-viral kaya sumikat sina Revo, sa loob-loob niya.

At base sa pagkakahawak ni Revo sa kamay ng babae nang pumasok ang mga ito sa restaurant kanina, sure siya na may something ang dalawa. Agad na kinurot ang puso ni Giselle.

"Giselle... bakit ka nandito?" narinig niyang tanong ni Revo. Nakita niyang hinawakan ng babae ng kamay ni Revo, clearly sending a signal of ownership.

Ngumiti siya kay Revo. "I came back." For you, gusto niyang idugtong.



There was an awkward silence. Then nakita niyang biglang inabot ng babae ang kamay nito sa kanya.

"Hi. I'm Brena, girlfriend ni Revo." The verbal confirmation just ripped her heart apart.

"I'm Giselle." She smiled.

Late na ako. He's already taken. Gusto na niyang umuwi. Hindi lang sa hotel na tinutuluyan kundi gusto na niyang lumipad pabalik sa Chicago ng mga oras na yun. Ano pa ang gagawin niya? Tapos na ang laban. May nanalo na at hindi siya yun.

"Bok, upo na kayo!"

Napatingin si Giselle sa table kung saan naroroon ang mga mistah nina Revo at JD. Hindi niya memorized lahat ng mga pangalan nila but they were all nice and friendly. They smiled at her at sinenyasan siyang umupo na.

Nang lumapit si Brena sa table nila ay nagsitayuan ang mga opisyal.

"Hi Brena. Buti nakarating ka."

"Huwag kang umupo, direkta ang aircon baka sipunin ka."

"Brena, dito ka na umupo o... para tabi kayo ni Revo."

"Bok, sa kabisera ka na umupo. Diyan si Brena sa kanan mo."

Giselle felt a lump on her throat habang pinagmamasdan kung paano asikasuhin ng mga classmates ni Revo si Brena. And Revo was smiling warmly at all the other officers. Deep inside ay nakaramdam siya ng inggit. Hindi tuloy niya namalayan na nakatayo pa rin siya at nakatingin sa table.

Nang mapansin siya ay agad na tumayo si JD at ibinigay nito ang upuan sa kanya.

"Giselle, dito ka na o. Tabi kayo ni Peachy." Ngumiti siya kay JD at nagpa-thank you then umupo sa tabi ng kaibigan.

But to her right ay si Revo din ang naroroon. At direkta niyang kaharap sa table si Brena. Gusto tuloy niyang makipagpalit kay Peachy pero nakaupo na rin si JD sa tabi ng asawa kaya she silently settled. Hindi na siya kumibo kahit ramdam niyang tensed ang lahat sa loob ng restaurant.

Gusto niyang umiyak. The perfect dinner that she hoped for has turned into a nightmare.



THIS is just a dream. Binabangungot ako. Lord, gisingin Mo po ako.

Kahit malakas ang aircon sa loob ng restaurant ni Peachy ay unti-unting pinagpapawisan si Revo. Kahit wala siyang sakit sa puso ay aatakihin yata siya ng mga oras na yun. Paano ba kasing nangyari na nasa Pilipinas uli si Giselle? Okay na siya e. Nag-move on na. May iba na nga siyang girlfriend! And yet, eto at biglang nagpakita si Giselle-- and worse, kasama pa niya ngayon sa table!

Napatingin siya kay Brena na tahimik na kinuha ang buttered garlic prawn.

"Here, this is your favorite, di ba?" Nilagyan siya ni Brena sa plato. Nakita niyang nakatingin si Giselle kay Brena.

The Cavaliers: REVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon