SANAY ang katawan ni Revo sa sakit at hirap. Ilang beses na bang namanhid ang katawan niya sa training simula pa noong kadete? Hindi na niya mabilang. Nang mag-training siya sa Special Forces, hindi rin birong bugbog ang pinagdaanan ng mga muscles niya. Kung nakakapagreklamo lang siguro ang mga body cells niya, baka matagal nang nag-rant at nagwelga ang mga yun sa kalsada. But he's a warrior at alam niyang part na ng buhay niya ang pain.
Pero na-realize niyang iba pa rin pala kapag puso ang totoong nasaktan, lalo na kapag na-ambush ng walang kalaban-laban. Apektado tuloy pati ang self-confidence niya. Feeling niya ay wala siyang kuwenta. Lahat ng achievements niya, lahat ng magagandang katangiang alam niyang meron siya- parang biglang naglaho. Pakiramdam niya ngayon ay may kulang sa kanya bilang tao. And all because Giselle rejected him.
Hindi pa naman niya maalala kung kelan siya huling na-reject. All his life, lagi siyang nananalo. Lahat ng exams na kunin niya, napapasa niya at lagi pang nasa top. Lahat ng contest na salihan niya, panalo din siya. Lahat ng challenge ay na-overcome niya. Sabi nga ng mamang niya- he's a born winner, a natural leader and an achiever.
Pero bakit kay Giselle ay palpak ako? If only Giselle was a math problem, madali sana niyang na-solve ang feelings ng babae. Kaso, wala naman kasing accurate formula ang love. Suddenly he felt lost.
Kaya naman imbes na bumalik sa kampo that night ay naisip ni Revo na umuwi sa kanila sa Tondo. At least alam niyang kahit anong mangyari, may totoong nagmamahal sa kanya kahit ano pa siya. Alam niyang makakatulong ang mamang niya para ma-restore ang nabasag niyang self-confidence!
TWO days later. Naka-uniform pa sina Clint at Gael nang masalubong niya paglabas niya ng barracks. Naka-shorts siya, tshirt at running shoes. May iPod din siya saka headset.
"O, saan ka pupunta?" tanong ni Clint.
"Tatakbo," sagot niya na huminto muna para mag-stretching..
"Di ba nag-jogging ka na kaninang umaga?" Si Gael naman ang nagtanong. "Di ka ba pupunta sa Roxas Boulevard?"
"Wala kaming training ngayon," sagot niya. "Wala naman ding bakante sa tennis court kaya tatakbo na lang ako."
"Ano nga pala ang nangyari sa lakad mo noong isang araw, tol? Di pa tayo nakakapag-usap dahil di ka naman umuwi dito. Kagabi, late ka na yata dumating. Tapos kanina naman, maaga kang umalis. Ang hirap mong matiyempuhan ha," pahayag ni Gael. "Ano, kayo na ba? Ayos na ba?"
"Hindi," tipid na sagot niya. Ayaw na muna niyang isipin si Giselle ngayon.
"Anong hindi?" tanong ni Clint na halatang confused.
"Wala. Basta."
"Ay, hindi ako papayag diyan sa bastang yan," ani Gael. "Kailangan mong magkuwento!"
"Samahan ka namin sa pagtakbo!" sabi ni Clint.
"Oo nga, teka. Hintayin mo kami!" Mabilis na tumakbo na papasok ng barracks sina Clint at Gael para magbihis. Wala tuloy siyang choice kundi hintayin angdalawa.
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: REVO
ChickLitKilala siya bilang mistah nina Drix, Brey, JD, Tristan and Drew. Pero alam nyo bang isa siyang mathlete? Yes, a math wizard and an athlete. Matalino, guwapo, sporty at habulin ng babae. Kilalanin si Revo.