Chapter Nine

6.4K 165 42
                                    


"ANAK, mamamanhikan na ba tayo?"


Muntik nang maibuga ni Revo ang iniinom na tubig sa tanong ng mamang niya. Nilingon niya ito.


"Anong mamamanhikan?" Bigla siyang ninerbiyos kahit hindi naman dapat."Sino nagsabi?"


"Umorder ka daw ng lechon sabi ni Barang-- dadalhin mo daw sa Zambales," wika ng mamang niya. "E wala naman tayong kamag-anak doon na may fiesta- bakit ka magdadala ng lechon?"


"Kapag ba umorder ng lechon, mamamanhikan na agad?  Mamang naman, malay mo may event ang class namin?" Makikipagtuos talaga siya kay Aling Barang! Bakit naman siya chinismis sa nanay niya? Eto tuloy ngayon at nag-e-expect na! Ayaw pa naman niyang nabibigo ang mamang niya.


"Paano kayo magkaka-event doon e wala naman akong nababalitaan mula sa mga mistah mo."


Bakit nga ba niya nakalimutan na close ang mamang niya sa mga mistah niya? In fact, may dalawang kuwarto sa bahay nila ang laging naka-ready para anytime na may dumaang mistah ay may matutulugan. Noong kadete siya-- laging venue for stop-over ang bahay nila ng mga magbabakasyong mistah. Mag-o-overnight muna sa kanila para makagimik sa Malate bago umuwi sa  kani-kanilang probinsya. Kaya naging malapit talaga ang mamang niya sa mga mistah, lalo na sa mga army na tulad niya. At updated din ito sa mga nangyayari sa class nila!


"Okay, wala pong event doon ang class namin pero magdo-donate ako ng lechon sa isang handaan. Ano kasi... " Ano bang sasabihin niya? "Anniversary po ng lolo at lola ng pinsan ng isang kasama namin sa rowing."


Natigilan ang mamang niya na noon ay naglalagay ng home-made cookies sa tupperware para sa kanya.


"Anak, ganun ka ba talaga ka-friendly? Kilala mo pati lolo at lola ng pinsan ng kasama mo sa rowing team?"


"Hayaan nyo na mamang, malay nyo tumakbo akong senador later on-- e di may mga botante na agad ako sa bandang Zambales." Lihim na napa-sign of the cross si Revo. Bawat minuto kasi yata ay nadadagdagan ang kasalanan niya. Nagi-guilty siya na kung anu-ano ang idinadahilan niya sa mamang niya.


Lintek namang lechon to, ipapahamak pa yata ako!


"Sige po, balik na ako sa kampo." Kinuha na niya ang susi na inilapag sa mesa at humalik sa noo ng ina. "Alam nyo na-- traffic."


"E paano ang lechon?"


"Sa isang araw ko pa po kailangan. Dadaanan ko na lang bago ako pumuntang Zambales."


"Gusto mo bang igawa kita ng raisin bread?" Kumunot ang noo niya. "Para madala mo kasama ang lechon! Doon sa..... kung kaninong anniversary man yun."


"Okay po." Pamatay ang lasa ng raisin bread ng mamang niya kaya di siya tatanggi. Chance na niyang mas lalong magpalakas kay Giselle!



NAGING mabilis ang biyahe niya mula Tondo pabalik ng Quezon City that day.Nasa bandang San Juan na siya nang makatanggap ng isang text message mula kay Gael. May naghahanap daw sa kanya sa barracks nila- walangi ba kundi si Brena! Napatawag tuloy siya sa roommate niya ng wala sa oras.

The Cavaliers: REVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon