Chapter Seven

5.4K 155 25
                                    




SURPRISINGLY ay nag-enjoy si Revo sa buffet lunch nila ni Brena. Masayang kausap ang babae kaya naaliw naman siya. Sa isang simpleng restaurant lang sana niya dadalhin si Brena pero mas gusto daw nitong kumain sa Annabel's Restaurant sa Tomas Morato kaya sumang-ayun na lang siya.

Ang problema- muntik na siyang matumba nang makitang umabot ng mahigit dalawang libo ang bill nila. E lunch allowance na niya ang ganung halaga sa loob ng tatlong linggo!

Ginto ba ang kinain namin? Pasimpleng tiningnan ni Revo ang buffet table. Gusto niyang magsisi kung bakit pumayag siyang doon kumain. Pero ano pa ba ang magagawa niya?

"Hindi ako nagkamali sayo. You're so smart and funny," ani Brena habang naglalakad sila patungong parking lot. "Ipa-sched na natin sa weekend ang sit-down interview mo ha?"

Tumango lang siya then ipinagbukas niya ng pinto ang babae.

"And gentleman pa. Ganyan ba talaga kayong mga PMAyers? You just know how to make a woman feel special."

"Masyado mo naman akong pinupuri. Baka maniwala na ako," ngumiti si Revo.Pero deep inside ay nanghihinayang pa rin siya sa ginastos. Siyempre nagtitipid kaya siya!

"It's true. You're the kind of guy any woman would go out with. Guwapo ka, masarap kausap, athlete, a military officer- you're a complete package." Ngumiti sa kanya si Brena.

Bakit si Giselle, ayaw sa akin? Himutok ng loob niya. Siyete, kinulam yata ako ng babaeng yun.

"Saan pala kita ihahatid?" tanong niya kay Brena.

"Ikaw."

"Ha?" Napatingin siyang bigla kay Brena. "Anong ako?"

"Gusto mo na ba akong ihatid pauwi? Baka may gusto ka pang puntahan... you know... somewhere." Makahulugan ang ngiti ni Brena. "Game ako."

Napalunok si Revo. Tama ba ang hinala niya na pinaparinggan siya ng babae? Sa unang date pa lang, gusto na nitong pagsamantalahan ang puri niya?!

"May training pa ako mamaya kaya balak ko munang magpahinga kahit dalawang oras." Ini-start na niya ang kotse. Feeling niya ay maririnig sa kahabaan ng Tomas Morato ang kabog ng dibdib niya sa sobrang lakas.

"Puwede ka namang magpahinga afterwards. Besides, hindi kita papagurin,promise." Inilagay ni Brena ang kamay nito sa tuhod niya. "Ako naman ang magtatrabaho e... all you have to do is just enjoy."

Panginoon Ko! Muntik na niyang maapakan ng husto ang gas ng kotse!

"Brena naman, ang aga-aga e matindi ka mag-joke," wika ni Revo saka ipinihit ng todo ang aircon ng kotse. Pinagpawisan siyang bigla e! Pasimple din niyang tinanggal ang kamay ni Brena sa may tuhod niya at baka madisgrasya pa sila.

"I'm not joking, Revo. I like you. Type kita. At siguro naman type mo ako-otherwise, di ka tatawag para yayain akong mag-lunch. Although to be honest-- sana naging dinner na lang para mas madali."

"Sobrang honest mo naman," nasabi niya bago pa napigilan ang sarili. "I mean... bihira sa babae ang ganyan ka-prangka lalo na pagdating sa..."

"Nagkataon lang na gusto kita at hindi ako pakipot. I want you, Revo."

Hail Mary, full of grace... the Lord is with you...blessed are you...

"Nagdadasal ka ba?" tanong bigla ni Brena sa kanya.

"Ha?"Hindi narealize ni Revo na napalakas pala ang pag-usal niya ng Hail Mary! "Ah, ganun talaga ako kapag nagda-drive. Nagdadasal," palusot niya.

Natawa ng malakas si Brena. "My God. You really are something else! Lalo akong naa-attract sayo!"

Napahawak bigla si Revo sa rosaryo na nakakabit sa salamin ng kotse niya. Feeling niya ay may sakay siyang kampon ng dilim! Naisip tuloy niya na dapat ay nagdala siya ng Holy Water kahit singliit lang ng hand sanitizer.

"Ayaw mo ba talaga ngayon?"

"Next time na lang," sagot niya.

"Sige na nga." Nasa boses ni Brena ang disappointment. "Diyan na ako bababa sa kabilang kanto-- ayan na ang office namin."

Lihim na nagpasalamat si Revo dahil masasalba siya sa kasalanan. Kahit naman chick boy ang image niya- hindi naman siya patola! At hindi rin siya just-just...as in hindi siya bastabasta! Gusto niya na sa susunod na makipag-relasyon siya, yung totohanan na-hindi laro-laro lang.

Inihinto ni Revo ang kanyang sasakyan sa harap ng malaking building. Bababa palang sana siya para ipagbukas ng pinto si Brena pero bigla siyang hinila ng babae saka mariing hinalikan sa labi!

No! Hindi puwede ito. Tukso, layuan mo ako!

"Next time, ayoko ng kiss lang ha," wika ni Brena nang matapos ang halik."Mag-overnight tayo sa Tagaytay after the interview ha," anito bago tuluyang bumaba.

Hindi na nakapagreact pa si Revo. Nawindang ang sistema niya dahil sa halik ni Brena!

NASA may Camp Aguinaldo na siya nang mahimasmasan. Agad niyang kinuha ang cellphone saka tumawag.

"Bok,wala na ba talagang pag-asa na makausap ko si Giselle?" Ungot na naman niya kay JD sa phone.

"Bok, kung alam mo lang ang pangungulit ko kay Peachy. E hindi nga rin daw siya kinukontak ni Giselle. Ano bang magagawa natin?"

"Pambihira naman. Engkantada yata yun bok... di ko makalimutan e!"

Natawa si JD sa kabilang linya. "Ganyan din daw ang nararamdaman ni Lotus para sayo.... di ka din daw niya makalimutan!"

"Seryoso bok, wala namang ganyanan. May galit ka yata sa akin kaya gusto mo akong ibuyo kay Lotus e."

"Sira. Natatawa lang ako kapag naaalala ko ang usapan ng mga mistah tungkol sa inyo ni Lotus."

"Ano bang magagawa ko e likas na malakas ang appeal ko?" Naisip niya ang ginawa ni Brena sa kanya. "Puwera lang sa mga gaya ni Lotus. Dapat ma-block list yun sa appeal system ko." Lalong napahalakhak si JD sa kanya.

Pagkatapos nilang mag-usap ng mistah ay umidlip pa muna si Revo bago muling nag-drive papuntang Manila Bay para sa training nito.Mag-a-alas-diyes ng gabi na siya nang makabalik sa kampo. Sa pagod niya ay agad siyang nakatulog. Hindi tuloy niya napansin ang pagtunog ng kanyang cellphone.

Wala siyang kaalam-alam na may isang missed call pala siya galing kay Giselle.

The Cavaliers: REVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon