Chapter Two

7.2K 195 1
                                    



"YAN na nga ba ang sinasabi ko. Paano ka hindi iiwan ng nobya mo e panay date ka kasi," pasimpleng sermon ng mamang niya sa kanya.


Hinanap ng mamang niya si Winona dahil naipangako niya sa ina na doon sila magdi-dinner sa bahay nila ng weekend. Kaya naman nagtaka ang may-edad na babae nang mag-isa siyang sumulpot sa bahay nila sa Tondo. Ang sinabi na lang niyang rason ay nakipag-break sa kanya si Winona dahil nahuli siyang may ka-date na iba. Hindi na niya sinabi sa ina na kabaliktaran ang nangyari— na si Winona ang nahuli niya. Ayaw naman niyang siraan ang dating nobya. No, hindi naman siya ganun.


Surprisingly, kahit nasaktan siya sa ginawa sa kanya ni Winona, nanaig ang awa niya sa babae. Alam niyang gusto lang nitong maiangat ang kalagayan sa buhay. Hindi naman kasi mayaman ang pamilya nina Winona at naisip niyang napagod na rin siguro ang babae kaya naisip nang mag-short cut. Sayang nga at hindi man lang siya nahintay nito. Kahit naman papano ay may naipon siyang pera. Simula kasi noong kadete pa siya ay lagi siyang nagtatabi ng pera from his monthly allowance. Ang bawat kadete na pumapasok sa PMA ay nakakatanggap ng allowance na halos kapareho ng sinasahod ng karaniwang sundalo kaya medyo malaki iyun.


Pero hindi pa rin kayang tumustos ng luho, sa loob-loob niya nang maalala ang mga branded items na pinamili ng DOM para kay Winona.


"Tigilan mo na kasi ang pagiging playboy anak. Maging loyal ka para naman tumagal ang relasyon mo," wika ng mamang niya.


Sino nga naman ang hindi maniniwalang hindi siya playboy? E marami na siyang naging girlfriend? Pero ni minsan, hindi niya siniraan sa mga magulang ang mga iyun o pinintasan man lang.


"Baka mamaya ay mapunta ka sa wala... at tumanda kang binata katulad ng kapitbahay nating pihikan," dagdag pa ng mamang niya.


"Ang ikinatatakot ko ay baka isipin ng mga magulang ng mga babae na pinalaki ka naming salbahe," sabad ng kanyang papang na kanina pa nakikinig sa kanilang mag-ina. "Ang una kong bilin sayo anak, noon pa man, huwag na huwag magpapaluha ng babae."


Kung alam niyo lang na ako ang laging luhaan. Kelan kaya siya makakakita ng girlfriend na mapapakasalan?


"Kung hindi nga lamang nag-abroad yung si Yani, aba'y gusto ko talaga ang batang yun. Mabait, maganda, matalino... pormal at hindi galawgaw katulad ng ibang nadala mo na dito."


"Naku baka nga nag-asawa na yun."


Matagal na silang walang communication ni Yani. Noong una ay nagsusulatan pa sila pero natigil na rin. Hindi rin naman siya mahilig sa mga social networking sites tulad ng Facebook kahit lagi siyang inuudyukan ni Spike na mag-online. Mas gusto niyang nakikita ng personal ang kausap, nakakalabas sila at nakakapag-enjoy, hindi online lang.


"Hayaan niyo mamang, ang susunod na dadalhin ko dito at ipapakilala, sisiguraduhin kong iyun na rin ang pakakasalan ko."


"Harinawa," sagot ng mamang niyang natatawa.




"SO wala ka na ngang girlfriend, tapos hindi ka pa sasama sa gimik?" narinig niyang tanong ni Gael.


Ka-share niya ito sa kuwarto sa building na para sa mga opisyal. Hindi niya ito mistah dahil hindi ito nag-PMA pero lieutenant din ang lalake sa army dahil dumaan ito ng Officer Candidate School o OCS. Alam niyang engineer na ito nang pumasok sa military.


"Nakakatamad naman kasing lumabas. Buong araw na akong nasa training kanina. Parang mas gusto ko nalang magpahinga."


"Pare, puro ka na lang training. Kapag may girlfriend ka naman, di ka rin nakakasama sa amin."


Nilingon niya si Gael. Nakita niyang nakabihis na ang lalake. Ibinalik niya ang atensiyon sa TV dahil may pinapanood siya sa HBO.


"Saan ba kayo pupunta?"


"Diyan lang sa Eastwood City."


"Gusto niyo lang yatang pumorma sa mga call center agents na naroroon." Alam niya yun dahil may naka-date na rin siya dati na taga call center sa Eastwood.


"Hindi no," natatawang sagot ni Gael na lumapit sa kanya at kinuha ang remote control ng tv. "Pero magbihis ka na dahil magpapa-dinner sina JD."


Bigla siyang natigilan sa narinig. "Teka, bakit sila pupunta? Saka bakit nauna ka pang nakaalam?"


"Tumawag kanina sa landline si JD, di ka daw makontak sa cellphone. Sinabi kong nasa training ka sa Roxas Boulevard kaya nagbilin na lang na pumunta daw tayo sa Libis dahil magti-treat silang mag-asawa."


"Anong okasyon? Bakit magpapa-dinner si JD?" Hindi siya makapaniwalang huli siya sa balita! "E bakit hindi niya sinabi sa akin?"


"E kasi nga wala ka. Sige na, maligo ka na dun at magbihis. Ako muna ang manonood ng TV. Tingnan ko muna ang draw ng lotto at baka nanalo na ang numero ko." Nilipat na nga ni Gael ang channel.


Napilitan tuloy siyang tumayo at magtungo sa banyo para maligo. Naisip niyang okay lang din na lumabas siya kahit medyo pagod. Kelangan niya ng social life dahil dalawang buwan na yata siyang walang girlfriend. Wala na siyang ginawa kundi trabaho, training, trabaho. Nangitim na nga siya ng todo sa kakababad niya sa tubig-dagat, pero okay lang. Ginusto naman niyang mapabilang sa Philippine Team.


Kung walang lovelife, e di wala. At least maire-represent ko ang bansa.

The Cavaliers: REVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon