Chapter Twenty-Three

3.9K 147 38
                                    




AGAD na binitawan ni Giselle ang kamay ni Revo nang makita si Brena na nakatayo sa bukana ng pinto! Kung nakamamatay lang ang talim ng tingin sa kanya ng babae, baka nasa emergency room na siya ng mga oras na yun.



Magsasalita sana siya para batiin si Brena pero nakita niyang sumenyas sa kanya si JD na tumahimik na. Nakatayo ang lalake sa likod ni Brena.


"Kumusta siya?" tanong ni Spike sa kanya. Wala siyang maisagot.


"Nasaan ang doktor?" tanong naman ni Brena without looking at her. Lumapit ito sa gilid ng kama ni Revo at hinawakan ang kamay ng lalake.


"S-sabi ng nurse na kakaalis lang ay mayamaya daw ang balik ng--" she attempted to answerpero hindi siya pinansin ng babae.


"Spike, please, pakitanong naman kung sino ang in-charge na doktor kay Revo," wika ni Brena sa mistah ni Revo. Tumango naman si Spike.


Tumahimik na lang siya. Naiintindihan naman niyang emotional si Brena ng mga oras na yun. Giselle looked at Revo and remembered what happened the night before.








PABALIK na talaga sana siya sa kotse pero pumihit siya at yumakap kay Revo. Umiyak siya kasi hindi niya napigilan ang emosyon.


"Sorry.... alam kong wala akong karapatang gawin 'to. Bumalik ako kasi akala ko puwede pang maging tayo."


"Pero bakit ngayon mo lang ako binalikan?" tanong ni Revo sa kanya."Bakit hindi ka nagsalita noon? Basta ka na lang umalis." There was pain and sadness in his voice.


"Hindi ko alam... I wasn't thinking right. I was scared. Hindi ako sanay na maligawan tulad ng ginawa mo... it was intensed and I thought I couldn't handle it."


"What makes you think na kaya mo akong i-handle this time?" challenge sa kanya ni Revo.


"I am ready to take the risk... kahit takot ako, ready akong sumubok."


Nakita niyang natahimik si Revo. Patuloy ang pagtulo ng luha niya. Revo wiped her tears. Hinaplos nito ang buhok niya at pinatahan siya.


"Ayokong may babaeng umiiyak dahil sa akin, magagalit sa akin ang nanay ko." Lalo siyang napaiyak sa sinabi ni Revo. "Shhh... tama na. Please."


Matangkad si Revo kaya hanggang balikat lang siya and she could hear his heart. It was beating so fast.


"Anong nagustuhan mo sa akin?" narinig niyang tanong ni Revo sa kanya.


"I... I don't know. Siguro yung effort mo na hanapin ako noon sa Zambales... the way you made me feel special."


Kumalas siya sa pagkakayakap kay Revo at tiningnan niya ang lalake.


"I saw how you treated Brena. At inaamin ko na naiinggit ako and I wish it was me instead of her. Dahil ako dapat yung nasa lugar niya."


"But Giselle, ni hindi mo ako binigyan ng chance."  Nakatingin sa kanya si Revo. "You pushed me away."


"And I'm sorry. I'm so... so very sorry." Tumulo na naman ang luha niya."And I am ready to make it up to you.... please."


"Kaya mo bang i-give up ang buhay mo sa Chicago para sa akin? Handa ka bang mag-adjust sa klase ng buhay na meron ako?"








"BAWAL ang maraming bisita dito sa kuwarto ng pasyente. ICU po ito at hindi suite room."


Nagulat si Giselle at natigil sa pagmumuni-muni nang marinig ang boses ng nurse. Nakita niyang nakatingin sa kanya si Brena pero agad din itong tumingin kay Revo.


The Cavaliers: REVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon