Chapter Fourteen

3.8K 142 9
                                    


"ANONG no sex?" Nakita ni Revo na naubo si Drew habang umiinom ng softdrinks. "Kelan ka pa naging virgin, bok?"

"Shhhh. Hinaan mo yung boses mo, alam mong nandito tayo sa reception ng kasal," saway niya sa mistah.

"Hindi ko maintindihan yung no commitment at no expectations," sabad ni Tristan habang sumusubo ng fish fillet.

"Mas di ko ma-gets yung casual dating," mahinang bulong ni Drix. "Paano mo masasabing casual dating yan bok e isinama mo dito si Brena sa kasal ni Primo."

"Oo nga. Para mo na din siyang binigyan ng susi para makapasok sa inner circle," sang-ayon ni Brey. "Di ba, ang isinasama lang sa mga ganitong okasyon bok ay mga misis o kaya seryosong girlfriend. Kasi siyempre ipapakilala mo sa mga mistah at ibang misis."

Nasa isang five star hotel sila para sa reception ng kasal ng isa nilang mistah. Anak ng isang general ng Philippine Marines ang napangasawa ni Primo kaya obligado silang magpakita at um-attend. Puwera na lang sa mga mistah nilang nasa Mindanao na hindi pinayagang mag-leave. Tapos na ang program at nagkakasiyahan na lang ang lahat kaya't lovelife na naman niya ang inusisa ng mga mistah.

"Doon pa rin ako sa isyu ng no sex," natatawang hirit ni Drew. "Di ba parang kashitan yung pa-virgin nitong si Revo? Baka maligalig sa hukay ang mga tunay na virgin no!" Nagtawanan ang ibang mistah. Hindi naman niya magawang mapikon- after all, second nature na nilang lahat ang mag-asaran kapag may pagkakataon.

"Alam nyo kayo---"hindi naituloy ni Revo ang gustong sabihin sa mga mistah.

Lumapit kasi sa table nila ang official photograher saka kinunan sila ng picture. Kanya-kanya din agad silang smile.

"Ang titikas talaga tingnan ng mga opisyal kapag naka-white uniform," komento ng photographer bago lumipat sa kabilang table. Smile pa rin silang magmi-mistah.

"Ano ba ang masama sa arrangement ko with Brena?" tanong ni Revo sa maliit na roundtable kung saan nakaupo ang mga mistah niya. Tanging si JD lang ang tahimik at hindi nagsasalita- busy ito sa pagkain.

"E kasi nga, ang labo. Puwede ba naman yung no commitment, no expectations saka no sex na yan?" tanong ni Tristan.


"Huwag nyo kasi akong itulad sa inyo na mga marupok." Tiningnan niya sina Drix at Tristan. "Gusto ko lang mag-ingat, mahirap nang mapikot."

"Si Rain lang yun," ani Brey. Nagtawanan sila. "Buti na lang wala dito, dahil kapag nagkataon, lagot ka."


"So kelan ka pa nagbagong-buhay bok?" tukso uli ni Drew. Tawanan na naman ang mga mistah.

"Ang iingay ninyo. Baka sabihin ng misis ni Primo na galing tayo sa bundok," pahayag niya sa mga kasama.

"Na-assign naman talaga tayo sa bundok dati e,"  sa wakas ay nagsalita si JD.

Sasagot sana siya pero nakita niyang palapit sa table nila si Brena. Bumagay naman sa babae ang suot nitong damit na dark green. Agad niyang sinalubong si Brena dahil baka kasi maisipan nitong umupo sa table nilang magmi-mistah at matanong pa ito ng kung anu-ano. Doon kasi ito nakaupo sa isang table kasama ang mga misis ng mistah.


"May... kailangan ka?" It was awkward kasi wala silang special na tawagan- just their first names. Kasi nga, casual dating lang sila. They're not even exclusively dating.


"Lalabas lang ako, pupunta ako sa lobby nitong hotel. Andiyan yung production assistant ko, may ihahatid na flash drive," nakangiting wika ni Brena."Masyado daw kasing mabigat sa email kaya sabi ko dalhin na lang dito."

The Cavaliers: REVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon