Chapter Twenty-Two

3.5K 133 10
                                    


BUTI na lang talaga at may carpet ang sementong sahig sa condo ni Brena, at least hindi masyadong masakit ang pagbagsak niya. Pero yung gulat ni Felicity ang matindi- napatili ito na narinig yata mula Baclaran hanggang Monumento!


Imbes na bumangon ay tuluyan siyang tumihaya at mukhang tulala kaya lalong nagpanic si Felicity.


"Hoy Brena! Napano ka?! Bakit ka bumagsak? Ano ba ang sinabi sa'yo? Leche ka naman, huwag mo akong artehan ng ganyan, alam mong madali akong mashokot!" talak ni Felicity sa kanya. "Ano, may masakit ba sa'yo? Dadalhin ba kita sa ospital? Tatawag na ako sa 911 dahil hindi kita kayang buhating bakla ka!" Nasa boses nito ang concern.


"D-darating dito si.... Revo."


"Dito? Sa condo mo? Ano, now na?"


Dahan-dahan siyang tumango. "N-natatakot ako. May sasabihin daw siya sa akin."


"Kung anuman ang sasabihin niya, I'm sure hindi mo ikamamatay yun unless tumalon ka sa building. Na alam kong hindi mo gagawin." Lumapit sa kanya si Felicity at pilit siyang pinabangon. "Kaya ano pa ang hinihintay mo-- maligo ka na dun at magpaganda!"


"Te, ang sabi niya sa akin, sana daw ay huwag akong magalit sa kanya! Ano yun?"


"Aba malay ko! Basta, tumayo ka na diyan at mag-shower-- ako na ang maglilinis dito. Dali!"


"Baka makikipag-break siya...." 

"Isa pang angal at sasabunutan na kita!" banta sa kanya ni Felicity. 

Nagmadali tuloy siyang bumangon at tumakbo sa shower para maligo. Sa sobrang nerbiyos niya dahil sa kakaisip kung ano ang sasabihin ni Revo ay kung ilang beses niyang nabitawan ang kanyang shower gel at muntik na niyang mailagay ang conditioner sa kanyang toothbrush sa sobrang taranta.


Pero alas-diyes na ng gabi ay wala pa ring Revo na dumarating. Nakahiga nasa sofa si Felicity dahil ayaw niya itong paalisin hangga't di dumarating ang lalake.


"Nasaan na yung jowa mo? Anong petsa na o!" reklamo ni Felicity habang naglalaro ng game sa cellphone nito. "Isang libong zombie na yata ang napapatay ko dito sa game, wala pa din siya."


"Baka na-traffic kaya natagalan."


"Wala nang traffic ng ganitong oras! Baka naman gumapang mula Camp Aguinaldo papunta dito kaya antagal!" Tiningnan siya ni Felicity. "Tawagan mo na kaya at tanungin kung saan na siya banda," then bumalik uli ito sa mobile game na nilalaro.


Ganun na nga ang ginawa niya. She tried calling him pero naka-limang tawag na siya, ringing lang ang phone. By her sixth try ay naka-off na ito.


"Te, hindi makontak. Ringing kanina tapos ngayon ay off na." Kinakabahan na naman siya. "Bakit kaya?"


"Baka na-low batt," sagot ni Felicity.


The Cavaliers: REVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon