DALAWANG gabi ding inisip ni Revo ang tanong ni JD sa kanya. Alam niyang sa puso at isipan ay hindi niya kayang talikuran si Inang Bayan. Mababaw man or corny sa iba pero ito ang kanyang priority at ni sa panaginip ay hindi niya ma-imagine na i-give up ang military career para sa lovelife. Baka maligalig sa libingan ang mga katipunero kapag iniwan niya ang serbisyo sa ngalan ng pag-ibig!
'Kaya mo bang i-give up ang lahat para sa taong mahal mo?'
Palabas na sana si Revo ng barracks pero natigilan at napalingon. Nakita niyang nasa maliit na sala ang ilang sundalo at tutok sa isang talk show.
'Matatalikuran mo ba ang buhay mo ngayon at lumipat kung saan naka-base yung girlfriend mo?'
Feeling ni Revo ay siya ang tinatanong-- halos tumigil ang tibok ng puso niyaat napalapit siya sa sala ng wala sa oras.
'Yes po. Kasi hindi ko ma-imagine ang buhay ko kung wala siya. Mas mahihirapan ako, that's for sure. Pero di ba, Tito-- kapag kasama mo ang taong mahal mo, lahat, kakayanin?'
"Ano ba naman yan! Kung sino ang lalake, siya pa talaga ang dapat lumipat? Di ba pwedeng ang babae ang mag-adjust?" angal ni Gael nanakikinood din pala.
"Oo nga. Paano pala kung malapit sa kuta ng mga rebelde yung bahay ng babae? Aba, mahirap ang ganun ha," sang-ayon naman ng isa pang nanonood.
Biglang kinuha ni Revo ang remote control at nilipat ang channel. Napatingin sa kanya ang lahat ng naroroon sa sala.
"Bakit mo nilipat?!" angal ng lahat.
"E baka mag-away-away pa kayo dahil sa talk show na yan," palusot niya saka nagmadaling lumabas ng barracks.
Ang totoo ay bigla siyang pinagpawisan sa sagot ng lalakeng guest sa talk show. Pero nang makasakay sa loob ng kotse ay natawa din siya.
Hindi naman ako yun. Hindi ko gagawin yun. Saka, hindi ko pa girlfriend si Giselle! Ini-start niya ang kotse. Magiging girlfriend ko pa lang siya.
GULAT na gulat si Giselle nang makita si Revo na nakatayo sa gate ng ancestral house nila.
"What are you doing here? How did you know--"
"Ninja ako," biro ni Revo kahit kinakabahan. "Maliit lang naman ang Zambales para hindi kita mahanap." Pero ang totoo, ilang oras siyang nagbabad sa FB para hanapin si Giselle at ang mga kamag-anak nito. Sangkatutak na tao din ang tinawagan niya at hiningan ng tulong sa Zambales. Lahat yata ng barangay kapitan ay nakausap na niya para matunton ang mga kamag-anak ni Giselle. Pero sekreto na lang niya yun.
"No, seriously-- paano mo nalaman na nandito ako? Kahit si Peachy hindi alam ang address ng lola ko."
"Giselle, do not underestimate the power of love," ani Revo na inilagay pa ang isang kamao sa dibdib. Imbes na ma-bother ay natawa ang dalaga sa lalake. "Saka may dala akong lechon para sa inyo."
"What?!" Lalo siyang nagulat. Hindi nauubusan ng pang-gulat factor si Revo. "Aanhin namin ang lechon?"
"Nag-order ka ng lechon?" Natigilan si Giselle nang marinig ang boses ng lola niya. Paglingon niya ay nasa likuran na niya ito at agad na nakalabasng gate. Natigilan ito nang makita si Revo, na agad namang yumuko para magbigay galang.
"Not me. Him." Tiningnan ni Giselle si Revo. "This is my Lola Delay. Lola, si ano po--"
"Revo po. Magandang araw po." Iniabot ni Revo ang kamay ni Lola Delay saka nagmano.
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: REVO
ChickLitKilala siya bilang mistah nina Drix, Brey, JD, Tristan and Drew. Pero alam nyo bang isa siyang mathlete? Yes, a math wizard and an athlete. Matalino, guwapo, sporty at habulin ng babae. Kilalanin si Revo.