Chapter Thirteen

3.7K 145 10
                                    


IN his half-conscious state, nagtaka si Revo kung bakit kakaiba ang bango ng kama niya. Sanay siyang amoy Downy ang unan niya pero ang niyayakap niya ngayon ay malambot at amoy-imported. Kinapa niya ang kama kahit nakapikit.The bed sheet was soft at halos lumubog siya sa lambot ng mattress. E ang alam niya, matigas ang kama niya sa barracks. He tried to open his eyes. Lalo siya nagtaka na very modern ang all-white walls sa paligid niya. Bigla siyang na-disorient kung nasaan siya. Then he remembered na sumama siya kay Brena pauwi sa condo nito. Biglang napabalikwas si Revo.

Shit! Shit! Nataranta pati kaluluwa niya nang ma-realize ang nangyari. Napatingin siya sa sarili- he was only wearing his gray boxer brief! Automatic niyang nahila ang kumot na puti para sana matakpan ang sarili pero lalo siyang nagulat nang makitang nakadapa sa kama si Brena! At naka-panty lang ito!

Susmaryosep! Mahabaging langit! Pakiramdam ni Revo ay bigla siyang kinapos ng hangin sa dibdib at hindi makahinga. Feeling niya ay hihimatayin siya sa tensiyon at matinding nerbiyos.

Diyos Ko anong nagawa ko! Nilapitan niya ang babae at ginising.

"Brena! Brena!" Tinapik niya ang talampakan ng babae. "Brena, gising!"

"Hmmm....." umungol ito. Then parang walang anumang lumingon si Brena sa kanya- fully exposed ang dibdib nito. Pero tila hindi yun alintana ng babae. She even looked like she was proud of her nakedness!

"Good morning...." malambing na wika nito.

"Anong nangyari saatin?!" he demanded. "Anong ginawa mo sa akin?"

Natawa si Brena. "You never fail to amuse me, Revo. Ikaw itong lalake pero parang ako pa ang may ginawa sa'yo." Bumangon ang babae at sumandal sa headboard ng kama. "Tell me, ano sa tingin mo ang ginawa natin kagabi?" tanong nito sa kanya. She didn't even bother to cover her breasts.

"Ang alam ko pinainom mo ako ng wine," sagot niya. Inihagis niya ang kumot sa direksyon ni Brena para matakpan ng babae ang sarili.

Siya naman ngayon ang naka-expose. "Nasaan ang mga damit ko?"

"Nasa sala, where we started to.... you know." Sinundan yun ni Brena ng mahinang tawa. Tuluyang tumayo ang babae saka lumapit sa kanya. Mabilis nitong kinuha ang isang kamay niya saka dinala sa isang dibdib. It was soft and just the perfect size.

Pakiramdam ni Revo ay napaso ang kamay niya! Agad niya itong binawi pero mahigpit ang pagkakahawak ni Brena. Sinimulan na niya ang mental recitation ng Hail Mary dahil lalo pang idinikit ni Brena ang sarili sa kanya. Halos mabuwal na tuloy siya sa kinatatayuan.

"Brena, teka. Tanghaling tapat e kung anu-ano ang gusto mong gawin." Kulang nalang ay tumakbo siya palabas ng condo. But not without his clothes of course.

Hindi siya puwedeng lumabas ng naka-boxer brief lang at baka ma-videohan pa siya at mag-viral! Malaking eskandalo kapag nagkataon! Baka mapatawag siya sa military court!

Lord have mercy. Kahit sa mga sandaling iyun, sa harap ng mala-tigreng babae na mukhang handa siyang lapain ay naisip pa rin niya ang kapakanan ng military career!


Nahalata din naman siguro ni Brena na halos ipagtulakan niya ito palayo kaya tumigil ito sa kakasiksik ng sarili sa kanya.

"Teka nga, Revo! Kagabi ka pa ah! Sumama ka naman ng maayos sa akin dito sa condo. Akala ko pareho tayo ng gustong mangyari pero nakakapikon ka e! Hindi ka man lang na-excite sa akin at tinulugan mo lang ako," sinud-sunod na pahayag ng babae. "Nakakahalata na ako! Bakla ka ba? Ha? Ano, lalake din ba ang gusto mo?"

The Cavaliers: REVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon