Chapter Six

5.6K 152 10
                                    




"HELLO!!" Ngumiti ang babae- sabay abot ng kamay. "I'm Brena."

Napalingon si Revo sa likod para tingnan kung sino ang kinakausap ng babae. Pero siya lang ang tao dun kaya tinanggap niya ang kamay ng babae. Katatapos lang ng training niya sa rowing at nasa parking lot na siya.

"Hi," alanganing bati niya. Familiar sa kanya ang itsura ng babae- parang nakita na niya ito somewhere.

Saan ko ba siya na-meet? Sa alumni homecoming? Sa kasal? Hmmm.... sa FB? Biglang natigilan si Revo. Di kaya nasa most wanted list ito? Tiningnan niya ang kabuuan ng kaharap. Maayos naman at disente. In fact, very appealing at mukhang hindi naman terorista. Sexy.

"Gusto sana kitang i-feature sa show namin," narinig niyang paliwanag ni Brena saka nag-abot ng calling card. "I'm a reporter and segment producer. Yung show namin lumalabas every Friday night sa Filipino News Network."

Ngumiti si Revo. "Naku miss, sorry ha... hindi kasi ako gaanong nakakapanood ng tv. Lagi akong nandito sa training e."

"It's okay." natatawang sagot ni Brena. "But you'd still do the interview, right?"

"Interview saan?" Lalo siyang nagtaka. "Bakit ako? Saka tungkol sa ano?" Hindi maintindihan ni Revo kung bakit naman siya ipi-feature ng babae sa tv show nito. Baka pagalitan pa siya ng Armed Forces of the Philippines kapag nagpa-interview! "Miss, may spokesperson po talaga ang AFP, siya na lang po ang interviewhin nyo."

Binuksan na niya ang kotse para ilagay ang mga gamit. "Saka, hindi ako ma-showbiz na tao."

"Ang cute mo naman, I like you!"

"Ha?" Kinabahan si Revo. Lotus part 2 ba itong kaharap niya?

"Maganda ang personality mo-- it's what I need in our show. Kaya I like you," natatawang wika ni Brena. "Akala mo like kita as in-- you know--yung like na napupunta sa kama?"

Pinagpawisang bigla si Revo. "Mapagbiro ka pala," aniya- sabay hawak sa kuwintas na may krus. Ang totoo ay parang gusto na rin niyang dukutin ang rosaryo na nasa bulsa dahil feeling niya ay nanganganib siya sa babaeng kaharap.

Ipinilig ni Brena ang kanyang ulo na parang sa isang hair commercial kaya napatanga na lang si Revo- lalo pa at sumunod na parang alon ang buhok nito.

"I'm just being honest. And I like people who are funny."

"Hindi naman ako nagpapatawa--"

"Exactly. Kahit hindi ka pa nagpapatawa, natutuwa na ako." Lumapit pa sa kanya si Brena na parang nananadya. Automatic namang napaatras si Revo. "So please say yes."

"Yes?" He meant it as a question dahil hindi nga siya sigurado-- pero si Brena, na-excite na.

"Perfect! Akina ang number mo para ma-set na natin ang interview!"

Hindi na nakaangal pa si Revo. Naibigay niya ang kanyang mobile number. Agad namang umalis si Brena- naiwan tuloy sa parking lot si Revo. Feeling niya ay napagsamantalahan na naman ang kahinaan niya!

PAGDATING niya sa barracks ay laking pasalamat niya nang makitang walang tao doon. Naligo siya at nagbasa muna ng isang nobela ni Paulo Coelho bago natulog. Kinabukasan ay maaga siyang nagising para mag-check ng emails at gumawa sana ng report pero biglang tumunog ang kanyang cellphone.

"Bok, nagyayaya sina Drix at Via na mag-dinner mamaya," wika ni Spike sa phone.

Napabuntong-hiningasi Revo. Muntik na niyang makalimutan na may imbitasyon nga pala sa kanila. Natext na siya ni Drix the other night pa pero hindi muna siya nag-confirm.

"Alam mo bok, yang dinner-dinner na yan ang malas sa akin e," angal niya kay Spike.

Narinig niya ang malakas na pagtawa sa kabilang linya.

"Eto ba yung tungkol sa kaibigan ni Peachy? Yung nakilala mo sa dinner? Saan ba kasi napunta yun?"

"Yan ang isa pang malas e! Yung pinag-uusapan nyo ang lovelife ko kaya napupurnada!"

Lalong napahalakhak si Spike kaya mas naasar si Revo.

"Para namang may naitatago ka pa sa mga mistah! Alam mo namang pagdating sa mga usapang lovelife e mabibilis ang radar ng mga yan. Lakas kaya maka-trending lalo na kapag ikaw ang topic."

"Puff! Corny nyo ha!" Wala siyang maintindihan sa nai-type niya sa screen ng laptop.

"Totoo! Kahit nga nung nasa bundok ako e nakakarating pa rin dun ang mga updates e, lalo pa ngayon," hirit pa ni Spike. Kung hindi lang kasalanang manakit ng mistah, baka nabatukan na niya ang lalake!

"Oo na! Sige na. Kayo na ang may mga lovelife." Pinatay na lamang niya ang laptop dahil hindi din naman siya makapag-concentrate. "Gusto nyo magpa-cater pa ako at magpainom para talagang pag-usapan natin ang pagkawasak ng puso ko," madramang wika ni Revo.

"Hanep bok, saang pelikula mo hinugot ang linya mo?"

Natawa rin siya sa sinabi ni Spike. "E pano naman kasi, alam nyo na ngang nawala yung babaeng gusto ko-- parang ipinamumukha nyo pa sa akin. Sana nilagay nyo na lang sa streamer at ikinabit sa harap ng opisina para swak na swak."

"Relax! Wala din naman akong girlfriend ah! Ikaw nga itong hindi nauubusan bok. Lagi pang may nirereto sayo."

Napangisi si Revo sa sinabi ni Spike. "Gusto mo... ipakilala ko sayo si Lotus?"

"Huwag na. May nililigawan ako ngayon!" ani Spike.

"Okay yun si Lotus, bok! Dentista, professional saka... interesting."

"Naku sa pagkakasabi mo pa lang-- kilala kita bok!!! Patibong yan no?!"

"Ganyan ba talaga kapag ranger? Lahat pinagdududahan?" kunwari'y hurt na wika ni Revo-- pero ang totoo, gusto na niyang tumawa ng malakas.

"Kadete pa lang tayo, alam na kita Remegio Andres! At alam kong sa tono mo palang, may kalokohan ka nang binabalak! Malamang yan ang sinasabi ng ibang mistah na nagsabit ng mga pictures mo sa dingding at ginawang parang altar!"

"Hala, grabe naman ang version na yan! Bahala ka na nga... nagmamalasakit lang ako e." Napangisi siya. Matinik talaga ang mistah niyang si Spike-- hindi basta-basta maiisahan!

"Pano bok, daanan mo na lang ako mamaya sa quarters ha," narinig pa niyang wika ni Spike bago ibinaba ang phone.

TULAD ng inaasahan ay panay kantiyaw ang inabot ni Revo sa dinner. Ni hindi nagpakita sina Peachy at JD kaya wala man lang siyang makuhang information kung paano niya makontak si Giselle.

"Ilang beses mo bang sinubukang tawagan?" tanong ni Drix.

"Bok, hindi na nga pantay ang mga daliri ko sa kakapindot ng keypad para lang tawagan yung number niya," angal niya.

"Malamang yan na nag-change ng mobile number," komento ni Via.

"Aray naman, dahan-dahan. Ang sakit ha."

Inabutan siya ni Spike ng isang basong may ice. "Bok, lagyan mo muna ng ice ang puso mo para di mo maramdaman ang sakit," wika ng lalake.

"Konting simpatya naman diyan. Pinapunta nyo lang yata ako dito para katayin e," angal niya. "Sana pala natulog na lang ako sa barracks.

Inakbayan siya ni Drix na natatawa. "Bok, para ka namang others diyan. Alam mo namang ganito tayo maglambingan di ba."

Magsasalita pa sana si Revo pero sumabad si Drew na halos kakaupo lang sa table nila.

"O,huwag nang mag-emote diyan. Hindi na puwedeng gamitin ang linya niJohn Lloyd-- nagamit ko na yun uy!"

Nagkatawanan uli ang mga mistah ni Revo. Asar talo siya hanggang matapos ang dinner at makauwi sila.

Nakahiga na siya sa kama later that night nang pumasok ang isang message.

"Can we have lunch tomorrow?" Galing kay Brena ang message. Napaisip muna si Revo. Mayamaya ay sumagot siya.

"Sure.Where do I pick you up?" He pressed the send button, saka pumikit na.

The Cavaliers: REVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon