Chapter Twenty

3.8K 130 41
                                    


HALOS hindi nakatulog si Revo. Parang naka-auto rewind sa utak niya ang mga nangyari kagabi. Lalo na nang magkaharap sila ni Giselle. He saw something in her eyes- a bit of happiness and sadness. And he also saw Brena's eyes. There was a mixture of love, question and fear. Babae si Brena at matalino, alam ni Revo na malakas ang pakiramdam nito that's why he tried his best to assure her in his own little way that everything was fine despite the obvious tension. That everything was going to be alright even if deep inside he was not. Because he was confused.


Inaamin niya sa sarili na magkahalong gulat at pagkalito ang naramdaman niya sa biglang pagbalik ni Giselle. Marami siyang gustong itanong sa babae. Marami siyang gustong sabihin na hindi niya nasabi the last time na nagkita sila sa Zambales. But at the same time ay ayaw na din niyang mag-ungkat pa ng issue. Sure, parang kelan lang nangyari ang lahat. Less than two months kung tutuusin. Yes, nanligaw siya at nabasted. And yes, nasaktan siya. But that was it. 


Sabi nga nila, pain is inevitable but suffering is optional. In his line of profession, he cannot afford to have an affair with pain. It has always been about dealing with pain in the quickest way possible and then move on. Kaya nga mahirap ang survival training nila sa PMA pa lang para kapag may mahirap na misyon or napunta sila sa giyera, hindi na nila halos iindahin ang sakit. Dapat madali silang maka-recover. Kapag nadapa ay bangon agad. Kapag tinamaan ay laban pa rin. Kaya naman kahit sa kanyang personal relationships ay nadala na niya ang ganun. Sure, he got his heart broken but he immediately picked up the pieces. Mabilis lang talaga ang coping mechanism niya sa mga bagay-bagay dahil kapag hindi, siya din ang matatalo. Kapag lagi niyang inisip ang sakit, malulungkot lang siya. Mas gugustuhin naman niyang maging masaya kesa malungkot. 


And there's nothing wrong with wanting to be happy, sa loob-loob niya habang tumatakbo sa may harap ng grandstand ng Camp Aguinaldo. Pang-apat na ikot na niya at wala pa sana siyang balak tumigil kung hindi lang siya tinawag ni JD na kararating lang.


"Bok, kanina pa kita hinahanap," wika ni JD. Naka-running outfit din ito at basa ng pawis. 


"Bakit bok?" Lumapit sila sa drinking fountain na nasa gilid ng grandstand saka uminom ng tubig.


"E siyempre gusto kong malaman kung ano na ang nangyari sa'yo."


Natawa siya ng mahina. "Ano yun? Bakit, may dapat ba mangyari sakin?"


"Wala naman... akala ko kasi baka... alam mo na. Yung kagabi."


"Yung surprise dinner ni Giselle?" Tumango si JD. "Well, bukod sa naiba ang posisyon ng puso ko dahil sa tensiyon, okay naman bok.... Survive naman ako." Ngumiti siya. 


"Pasensiya ka na bok... na-ambush ka tuloy kagabi. Pinagsabihan ko nga si Peachy na next time, huwag nang makialam o sumunod dun sa gustong mangyari ni Giselle."


"Naintindihan ko naman si Peachy bok, siyempre kaibigan niya yun."


"E mali pa din. Nalagay ka sa awkward na sitwasyon, e mistah kita. Alam naman niya yun..." wika ni JD."Pinalampas ko na lang kagabi dahil ayoko ngang mag-away kami. Pero kanina, nag-usap kami... sinabi ko na hayaan si Giselle dahil baka madamay pa siya. Ayun, naintindihan naman niya."

The Cavaliers: REVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon