Chapter Seventeen

3.6K 150 35
                                    


AFTER dinner ay niyaya ni Revo si Brena na magkape sa Starbucks. Sa labas sila pumwesto kung saan nakikita nila ang mga yate sa Roxas Boulevard. Dalawang cappuccino ang inorder nila saka isang cheesecake. Share na lang daw sila. Pareho silang natahimik habang nasa labas ng coffee shop. Napansin ni Revo na nakatingin si Brena sa kalangitan.


"Mahilig ka mag-stargazing?"


Napatingin si Brena kay Revo, saka tumango.


"Ako din," aniya. Ngumiti lang si Brena saka napatingin uli sa nangingintab na langit.


May ilang minuto din silang parehong natahimik. It wasn't an awkward silence. It was peaceful. And he felt surprisingly at home with Brena's company. Mayamaya ay hindi siya nakatiis.


"Gusto mo ba talaga ako?" he asked her.


Muling napatingin sa kanya si Brena, this time ay may halong pagkagulat. But she slowly smiled and then tumango ito.


"Bakit mo naman naitanong?" She was looking directly at him. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pag-iinit sa pisngi.


"Wala. Curious lang ako." napangiti siya. "Kasi right from the start, sinabi mo na agad na gusto mo ako."


"I was just being honest. Gusto naman talaga kita."


"Ganun ka ba talaga ka-straightforward? I mean... sa feelings mo or sa lahat ng bagay?"


"Yes. When I see something that I like, when I feel something or kapag may gusto akong sabihin-- I say it. When I want something, I go for it. Dahil kapag hindi, paano mapupunta sa akin?" She smiled. "Parang ikaw. Ginusto kita. Kahit hindi mo pa ako gusto, sinabi ko sa'yo para alam mo. At least ngayon... we're dating di ba?"


Napatango siya. Tama naman ang babae.


"Paano kapag may ginusto kang makuha pero hindi talaga para sayo? Anong gagawin mo?"


"Well... kung bagay yun at billion ang presyo, hindi ko talaga makukuha. Kung mga nasa one million siguro at gustong-gusto ko, if it's really worth it e gagawa talaga ako ng paraan. Magtatrabaho ako at mag-iipon para makuha ko. Ganun ako e."


Kumuha si Brena ng kapirasong cheesecake saka isinubo yun. Pagkatapos ay uminom ng kape saka tumingin sa kanya.


"Kapag tao naman, siguro kapag sa kabila ng mga efforts ko at ayaw pa rin niya sa akin... if we're not meant to be--" Saglit na tumigil sa pagsasalita si Brena saka napatingin sa mga nakahilerang yate.


Then tumingin uli sa kanya ang babae. Nakangiti pero halatang may namuong  luha sa mata na  pilit pinipigilan.


"I guess, accept and let go," anito. Bahagya pa itong nagkibit-balikat para kunwari ay kaswal lang pero nakikita ni Revo that she was affected by his question. "Mag-move on na lang kasi... ganun naman talaga di ba? May mga taong kahit anong gawin natin, hindi talaga tayo gusto... hindi tayo mamahalin tulad ng pagmamahal natin sa kanila."

The Cavaliers: REVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon