Chapter Twenty-Four

3.9K 127 28
                                    


"BOYFRIEND mo ang anak kong si Revo?" Nasa boses ni Mamang ang pagdududa habang nakatingin kay Lotus Bonetta. "Kelan pa?"


"Well, medyo nag-cool off lang po kami mother. Ilang months din kaming hindi nagkita. Pero naiintindihan ko naman si Revo.. laging busy. And you know, men will always be from Mars--" biglang naputol ang sinasabi ni Lotus.


"Taga-Earth ako," sabad ni Spike na binasag ang litanya ni Lotus. Nilapitan ng lalake ang dentista. "Ikaw pala ang famous Lotus Bonetta. I heard so much about you."


Napangiti si Lotus kay Spike saka napatingin kay Mamang. "See, kilala po niya ako. I'm sure naikuwento na ako ni Revo."


Lumapit na din si JD kay Lotus at pasimple itong iginiya palabas ng kuwarto.


"Doon muna tayo mag-usap nitong mistah ko sa labas, Lotus." Lumingon siJD kina Mamang at sumenyas na hindi totoo ang pinagsasabi ni Lotus.


Halos nakanganga naman sa pagkabigla si Giselle sa nasaksihan. Pero cool lang si Brena at tahimik. Si Drix ang unang nakabawi sa pagkabigla.


"Mamang, pasensiya na po kayo dun.... ang alam ko, malakas talaga ang tama nung Lotus kay Revo," wika nito.


"E may tatamaan din sa akin paggising," komento ni Mamang habang inaayos ang kumot sa may paanan ni Revo. "Naku Remigio Victorio Andres, marami kang ipapaliwanag sa aking bata ka!"


"Wala po tayong magagawa, habulin talaga ng babae si Revo," natatawang wika ni Brey.


"I'm sorry, I need to get some air," Biglang napatakbo si Brena palabas ng kuwarto.


Nagkatinginan na naman ang lahat sa loob ng ICU.




GROUP CHAT: TEAM REVO KAYA MO BA 'TO?


Drix: Pusang gala, matindi nga ang bakbakan dito sa ICU!


Hank: So bakit nga dumating yung Lotus?? Akala ko ba wala yan?


Spike: Me clinic pala dito sa Medical City bok! Nagkuwento sa amin ni JD-- di daw naka-move on kay Revo! Wala naman daw silang formal break-up!


Primo: Patay! Akala ko ba never namang naging sila?


JD: Teka Primo, akala ko ba nasa honeymoon ka?


Primo: Tapos na ang honeymoon, nasa Nueva Ecija na ako!


Drew: So nasaan na si Brena? Bakit daw nag-walk-out? Saka ano ba ang itsura ni Lotus? May FB ba yan nang matingnan!


Drix: Spike, picturan mo bok, dali.


The Cavaliers: REVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon