Chapter Sixteen

3.7K 135 30
                                    


"HATID na kita," kaswal na wika ni Revo kay Brena pagkatapos ng pa-dinner nila sa mga mistah. Nasa parking lot sila ng Noriter Restaurant sa Ortigas.


Nauna nang umalis ang mga mistah niya dahil maaaga pa daw ang mga pasok sa kani-kanilang kampo. Si Drew ang pinakaunang nagpaalam dahil baka hanapin daw ito sa Malacanang. Sina Brey at Clyde ang magkasunod na umalis. Si Spike naman ay bumalik pa sa San Miguel, Bulacan dahil naroroon ang kampo ng mga Scout Ranger.


"Okay lang ako, andiyan naman ang driver ko." Itinuro ni Brena ang kotse niya sa unahan. "Para makapagpahinga ka na din."


"Wala naman akong duty bukas," sagot niya. "Sabihin mo na sa driver mo na mauna na."


"Sure ka?" Parang nagulat pa si Brena sa sinabi niya. Pero agad din nitong tinawagan ang driver saka sinabihang iuwi na sa condo ang sasakyan nito.


Natawa lang siya saka pinagbuksan ng pinto ng kotse ang babae.


Mabagal ang ginawa niyang pagdrive papunta sa condo ni Brena na nasa may Rockwell, Makati.  Bumabalik-balik sa isip niya ang naramdaman kanina nang makitang may kausap si Brena. Para kasing hindi siya makapaniwala na makakaramdam siya ng selos. Ang alam niya, hindi naman niya mahal ang babae at casual dating lang sila. Ang alam din niya ay si Giselle ang mahal niya. Pero bakit naapektuhan siya sa nakitang sweetness nung Koreano kay Brena?


"Anong iniisip mo?" narinig niyang tanong ni Brena. Kakalabas lang nila ng Shaw Boulevard and now driving along EDSA.

"Wala." Pano niya sasabihing nakaramdam siya ng selos kanina? Siya mismo ay naguluhan.

"Mukha kasing seryoso ang iniisip mo."

Nilingon niya si Brena na nakatingin sa kanya. "Wala nga."


"Ifyou say so."

Kaswal niyang hinawakan ang kamay ng babae saka pinisil.


"Thank you ha," he said without taking his eyes off the road.


"Thank you saan?"


Nilingon niya si Brena. "Dun sa pagpapa-dinner mo sa mga mistah ko... to celebrate the victory of my team." He smiled at her and she smiled back.


"Wala yun. Maliit na bagay. Alam mo namang importante ka sa akin. And I know na part ng life mo ang mga mistah mo kaya dapat ay kasama din sila sa success mo."


Tumango siya. He was touched sa sinabi ng babae. Nilingon niya ito. Nakatingin na sa labas ng bintana si Brena pero nanatali siyang nakahawak sa kamay nito.



PAGDATING nila sa building ng condo ni Brena ay bumaba na din siya ng kotse at sinabayan ang babae papasok.


"Okay na ako dito," ani Brena na bahagyang tumigil sa may lobby. 


The Cavaliers: REVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon