Cleotha
Nakikita ko ang aking sarili sa tila makaluma nang salamin. Nakalugay ang kulot at mahabang kulay tsokolate na buhok. Nasisinagan ng malamlam na ilaw ang aking mukha at mapaghahalataan ang mga matang puno ng poot. Nakikita kong nakasuot ako ng isang puting bestida na may mahahabang manggas.
Pagkatapos ay naramdaman ko ang sariling naglalakad sa isang antigong hagdan na tila papunta sa kamatayan ang aking ninananais. Malamlam na ilaw ang namamayani sa buong paligid na nagmumula sa old chandeliers at old candles. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nandito. Kaparehong lugar ito sa napapanaginipan ko gabi-gabi mula 10 years old pa lang ako pero lugar lamang ang nakikita ko, hindi ang aking sarili.
Napatingin ako sa aking dala.
Pana at palaso. Isang palaso lamang na tila nakatadhana para sa isang tao.
Muntik ko na itong mabitawan dahil sa panginginig. Hindi ko alam kung bakit ako nanginginig. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Ang pagsayad ng aking puting saya sa sahig ay nararamdaman ko rin. Sa kabila ng pag-iyak ay ramdam na ramdam ng puso ko ang poot para sa kung sino.
Hindi kontrolado ng aking katawan ang pagtigil ko sa harap ng isang magarbong pinto maging ang dahan-dahan kong pagbukas nito. Sumalubong sa aking tingin ang nakatalikod na lalaking nakaputi. Tila umiinom ito ng alak. Katabi nito ang isang lamparang siyang nagbibigay liwanag sa buong silid.
Dahan-dahan kong itinutok dito ang pana at palaso. Ramdam ko ang pamamawis ng aking mukha. Hindi ko kontrolado ang katawan ko. I was already panicking! I don't fucking understand this dream. Maging sa panaginip ay ayaw kong pumatay ng tao!
Dahan-dahang lumingon ang lalaking hawak pa rin ang basong parang makaluma. Gaya ng mga nagdaan kong panaginip tungkol sa mga taong nakasasalamuha rito ay blurred din ang mukha nito maliban sa kaniyang labi na kitang-kita kong nakangisi. Hindi ko maintindihan ang pagkainis sa kaniyang ngisi. No. It's not just an irritation but a deep wrath for this person whom I just met here in my dream.
"¿De verdad quieres matarme, mi amor?" Nanunuya ang boses nito.
Did he just call me my love? Ramdam ko ang kilabot at pandidiri sa aking kalamnan. Gusto ko sanang sabihin ang mga salita sa isipan, pero iba ang nasabi ng bibig ko na hindi ko rin kontrolado.
"¡Sí! ¡Y puedo hacerlo ahora mismo! ¡No puedo esperar a ver tus cenizas, tú bastardo!" Mas lalo akong umiyak nang sabihin iyon.
What the fuck? Did I just speak spanish? Alam kong espanyol ang salitang lumabas sa aking bibig dahil minsan na rin akong nag-aral ng mga salitang ito sa hindi malamang dahilan. Pero tumigil lang din ako sa pag-aaral ng lenguwaheng ito dahil naging busy nang mag senior high.
Pero nakakakilabot... I haven't studied the spanish words yet that I uttered but... I understood it. Naiintindihan ko lahat ng binanggit ko na parang napakahasa ko na sa wikang ito. Ramdam ko ang pagtayo ng balahibo sa aking batok.
Humalakhak lamang ang lalaki sa aking sinabi. Sumasakit ang aking tenga sa irita at patuloy pa rin akong binabalot ng kilabot.
"Te robaste todo de mí..." Ramdam ko ang sariling umiiyak. Nararamdaman ko rin ang kakaibang sakit sa aking puso. It was excruciating and I don't understand why. It's unexplainable.
Pero halakhak lang ulit ang sagot ng lalaki. Mas lalong naging pirmi ang paghawak ko sa pana at palaso habang nakatutok pa rin dito ngunit nanginginig pa rin ako. Hindi ko kontrolado ang lahat. Bibitawan ko na sana ang palaso at itatama mismo rito, pero...
Nagising ako.
Hingal na hingal akong bumangon na tila kagagaling lamang habulin ng sampung kabayo. I was holding my chest because it was hurting as hell. I feel like it was burning and any moment by now, it will be scorched. Doon ko namalayang humihikbi na pala ako at ang sikip-sikip ng dibdib ko. My hands were also shaking.
Fuck. What was that again? Ito ang unang beses na napanaginipan ko ang senaryong 'yon dahil ang ibang senaryong gabi-gabi kong napapanaginipan ay nagsusulat ako gamit ang balahibo ng pato na sinasawsaw ko sa tinta, nakasakay ako sa isang puting kabayo at parang may kasama ako, at iba pang hindi ko na maalala.
I heaved a deep breath before standing up. Muntik pa akong matumba dahil sa panghihina kung hindi lang ako nakahawak sa study table.
Umupo ako sa harap ng table. Sa harapan nito ay may nakalapat na salamin. I looked at my reflection. Just like what I just dreamed, the mirror in front of me was old-fashioned. Isang ancestral mansion kasi ang aming tinitirhan na siyang pinamana ng Lola ko, ang ina ni Dad bago ito pumanaw. Kaya bilang pag-respeto dito, dito nila naisipan ni Mommy na tumira nang mag-pakasal sila.
Bumalik sa aking ala-ala ang napanaginipan. Nasisinagan din ng malamlam na ilaw ang aking mukha na nagmumula sa kandilang aking sinindihan. Mula kagabi ay nag-brownout kaya ito ang ginagamit ko ngayon. Kapag brownout kasi ay hindi ko ginagamit ang generator namin dahil hindi ko maintindihan kung bakit mas gusto ko ang kandila. The tears in my eyes were still vivid.
Inalis ko ang mga mata roon at kinuha ang papel na may sulat sa aking table. Oo nga pala, nagsusulat ako kagabi ng prologo ng bago kong nobela, pero nilamon ako ng antok kaya nakatulog ako. Kinuha ko ang papel na sinulatan ko ng magiging pamagat ng panibagong nobela ko. Hinaplos ko ang nakasulat. Hindi ko alam kung bakit muling nanikip ang dibdib ko.
Unfinished Tale
BINABASA MO ANG
Unfinished Tale (✔️)
Historical FictionWhenever Cleotha falls into deep slumber, strange and vague dreams haunt her. Vague faces of people. Vivid old places. Familiar heartbeats. Familiar euphoria. Familiar heartaches. And the familiar love that she shares with the man in her dreams. She...