Cleotha
Ilang minuto nang hindi matigil ang pagsibagsakan ng mga luha ko habang nagbabasa sa dalawang huling kabanata na buong akala ko'y hindi naisulat. Why? Why didn't I open this during the last two years that this old notebook was with me? Why didn't I decide to read everything that is written here?
Kung sana nabasa ko nang maaga... Kung sana nalaman ko nang mas maaga, siguro ay nahanap ko na lang ang sarili na hinahanap si Levi sa Spain within those years.
"Y-You were really alive..." I mumbled with shaking voice. We were already sitting in front of the old round table near the open window. I was weakly leaning on his shoulder while he was wrapping his arm around my shoulder.
I'm still really astounded. Hindi ako makapaniwala sa nalaman. Animo'y tinutusok ang puso ko sa isiping may tsansa na malaman ko sanang buhay siya kung hindi lang nahuli sila Juana at Matias na puntahan ako sa ilog. I died without knowing that the man that I was still waiting even if it was impossible was really alive.
Gusto ko siyang paulanan ng tanong tungkol sa kung saan siya sa nagdaang mga taon at kung bakit bigla na lamang silang umalis sa Pilipinas, pero hindi ko magawang magsalita tungkol doon. I couldn't focus in the present because I was dwelling on what happened in the past. The scenes that Lucas wrote were playing in my head like an old film that often gives me an eerie feeling when I was a kid.
"Y-Yeah..." Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa aking balikat.
Tears continued to stream on my cheeks upon imagining everything. "You killed Leandro..." Halos bulong na ang aking mga salita.
Hindi ako nakagalaw nang marahan niyang hinawakan ang aking mukha at pinaharap sa kaniya. Walang kurap naman akong nakatingin sa kaniya na namamaga na ang mga mata ngunit nananatili pa rin ang ganda. He forcefully smiled at me.
He slowly nodded. "Naipaghiganti kita. Sa siglong 'yon, walang katarungan, kung kaya't sigurado akong wala ring makikinig sa akin na ipaglaban ka sa lipunan, maging ang nangyari sa 'kin na kagagawan ni Leandro. Ang ginawa ko para makamit ang hustisya ay ang patayin siya kahit ang kapalit no'n ay kamatayan dahil gaya ng sabi ko sa 'yo noon, wala nang saysay pa ang buhay ko kung wala ka sa tabi ko."
Nanginginig ang aking mga labi nang ngumiti. "You speak straight tagalog... Looks like you're speaking as Lucas Delgado." Marahan akong natawa at pinunasan ang panibagong luha na lumandas sa kaniyang pisngi.
He also chuckled gently and stared at me for seconds like I was a dream. "Because I am." Nilagay niya sa likod ng aking tenga ang takas na buhok. "Te ves aún más hermosa... te extraño mucho (You look even more beautiful... I miss you so much.)" Naluluha siya.
I felt my face heating up as I slowly smiled because of his words. "Tal vez todavía estás pensando que no puedo entenderte (Perhaps you're still thinking that I can't understand you.)" Natawa ako nang marahan saka sinundot ang nunal niya sa ilong.
He looks taken aback, but later on accompanied my laughs while deeply staring at me. Kalaunan ay katahimikan na naman ang namayani sa amin nang pareho kaming mapatingin sa labas ng lumang bintana. The silence was putting me at peace. Tila hindi nagdaan ang mga taon dahil pakiramdam ko, kami pa rin ang Cleotha at Levi na naging komportable sa isa't-isa noong RFOT 2020.
"Ever since I was a kid, I've always dreamed of me, killing someone brutally. And that someone's face was vague. Bata pa lang ako noon, pero sa tuwing napapanaginipan ko 'yon, hindi ako nakakaramdam ng konsensiya sa loob ng panaginip, instead... I always feel satisfied as though killing him was a victory. Pero sa pabalik-balik no'n sa panaginip ko, may mga gabing binabangungot na ako lalo na sa tuwing malinaw kong nakikita ang pagdanak ng dugo sa sahig at ang katawan niyang puno ng palaso at tama ng bala."
BINABASA MO ANG
Unfinished Tale (✔️)
Historical FictionWhenever Cleotha falls into deep slumber, strange and vague dreams haunt her. Vague faces of people. Vivid old places. Familiar heartbeats. Familiar euphoria. Familiar heartaches. And the familiar love that she shares with the man in her dreams. She...