Cleotha
I found myself walking down on familiar stairs but halted later on when my eyes landed on the kitchen part where two people were eating. Hindi ko maintindihan kung bakit nararamdaman ko ang pighati sa puso ko habang nakatingin sa dalawa na parang kumakain. Their faces were blurred.
Naramdaman ko ang sariling mga paa na umakyat pabalik ngunit hindi pa ako nakararating sa taas nang mapatigil ang mga paa dahil sa narinig na kalabog. I glanced behind again.
"Sino 'yan?!" narinig kong galit na sigaw ng lalaki mula sa hapagkainan. The way his voice raised made me flinch.
Nakita ko ang pagbukas nito sa malaking pintuan ng parang isang mansion. I feel like I'm going to faint because of the rapid beatings of my heart upon seeing the people behind it. Malalabo ang kanilang mga mukha ngunit mahahalata ang mga damit na pang-guardia civil. Their heads were like finding something or someone.
"Nasaan ang inyong anak na si Maria Isabella Fonseca?" seryosong tanong ng isa sa kanila habang hawak ang isang papel na ang structure ay makaluma. Hindi ko maintindihan ang pagdaga ng kaba sa aking dibdib.
"Anong kailangan ninyo sa aking anak?!" galit na sigaw muli ng lalaki kanina na siyang bumukas sa pintuan. Anak... Anak niya ako? Napalunok ako dahil tila pamilyar ang boses niya. It's like Dad's... voice. The one that is very traumatizing.
Wait... Maria Isabella Fonseca again? At anak ng tila kapareho ng boses ni Dad?
Mas lalong dinaga ng kaba ang dibdib ko nang makitang nakatingin na sa 'kin ngayon ang naghahanap kay Isabella na parang... ako.
"Dakpin ang babaeng iyan!"
Pakiramdam ko, nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig iyon. No... he's not pertaining about me, right? I'm not Maria Isabella!
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumakbo ang dalawang guardia civil patungo sa 'kin. Hindi naman ako nakagalaw nang bigla nila akong hawakan at sapilitang pinababa sa hagdan.
"Anong-- Bakit niyo dadakpin ang aming anak?!" histerikal na tanong ng babaeng kasama ng lalaki kanina sa hapagkainan. And it's really creepy because... I heard my Mom's familiar voice.
"Wala itong katarungan! Nasaan ang inyong basehan?!" matapang na sigaw muli ng kaboses ni Dad.
"Ang inyong anak ay isang taksil na gumawa ng pampanitikan na piyesa patungkol sa gobyerno! Sinisiraan ng babaeng iyan ang bagong gobernadorcillo at ang mga opisyales sa pamamagitan ng pagtakip ng mga metapora na hindi pa rin nakalusot!" sigaw muli ng lalaking nagsabi na dakpin ako.
I feel like my world just collapsed. No... This ain't possible! Tugmang-tugma ang pangyayaring ito sa huling senaryo sa chapter 19 kung saan hinuli na si Isabella dahil sa tulang ginawa niya tungkol sa gobyerno! Why am I dreaming about this?!
Unti-unting ay naramdaman ko na lang ang pagbuhos ng mga luha sa aking mga mata at para na akong namamanhid. Pilit akong nagpupumiglas ngunit palabas na kami ng pintuan. Naramdaman ko ang paglingon sa mga kaboses ng mga magulang ko at bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makitang hindi na malabo ang kanilang mga mukha...
I saw the familiar furious faces of my parents.
Hingal na hingal akong bumangon mula sa pagkakahiga. Naramdaman ko ang panginginig ng buong katawan. I gasped upon seeing how my hands trembled aggressively. Sobrang bigat at sikip din ng dibdib ko na parang hindi ako makahinga dahil sa panaginip na 'yon.
Bakit ko iyon napanaginipan? Bakit ibang panaginip na naman 'to kung saan naririnig akong tinatawag ng pangalan ng sariling karakter? Why did I see my parents there?
BINABASA MO ANG
Unfinished Tale (✔️)
Historical FictionWhenever Cleotha falls into deep slumber, strange and vague dreams haunt her. Vague faces of people. Vivid old places. Familiar heartbeats. Familiar euphoria. Familiar heartaches. And the familiar love that she shares with the man in her dreams. She...