TW: Suicidal Ideation
Cleotha
"Lucas... makinig ka. Pakiusap, itakas mo ako kahit ngayong gabi lang." Narinig ko ang aking sariling sinabi 'yon habang nakatingin sa ibaba. Naaninag ko ang isang lalaking nakatingala sa akin na malabo ang mukha. Hindi ko maintindihan ang sakit ng dibdib ko at nararamdaman ko rin ang luhang namumuo sa mga mata.
"Ngunit--" Ramdam ko ang pag-aalangan ng boses ng lalaki... ni Lucas.
"Por favor!" My voice raised. Napatingin ako sa dala ko at nakita ang isang lampara. Naramdaman kong hinulog ito sa baba at nakita kong nasalo ni Lucas.
"¡Atrápame!" Mahina ang boses ko pero mariin. Gaya ng dati, naintindihan ko ang winika. Nakita kong parang hindi pa rin makagalaw ang lalaki.
I felt myself heaving a sigh. ""Kilala mo na marahil ako bilang isang babaeng hindi sumusunod sa mga patakaran ng lipunan sa kung paano dapat gumalaw ang mga kababaihan kung kaya't huwag ka nang magulat. Mapangahas nga ngunit wala naman itong malisya sa ating dalawa, hindi ba? Pagkatapos ng gabing ito, kalimutan mo ang lahat ng nangyari at umakto kang hindi nangyari ito. Realmente necesito tu ayuda, y yo, pidiendo tu ayuda no significa ninguna malicia."
Hindi pa rin gumagalaw ang lalaki kaya naramdaman ko ang inis sa akin. Hanggang sa hindi ko na-kontrol ang sarili mula sa paglundag sa bintana. Naramdaman ko ang pagsalo sa 'kin ng lalaking iyon. Pilit kong inaaninag ang kaniyang mukha pero malabo pa rin, ang labi niya lamang ang malinaw. Kahit napakalabo ng mukha niya, naramdaman ko ang titig nito sa 'kin.
Kumawala ako dahil naramdaman ko ang ilang kahit panaginip lang naman 'to.
"Gracias," sabi ko. I felt myself walking away from him. Sinuot ko ang parang talukbong at dinala ko sa isang kamay ang lampara.
Habang papalayo, ramdam ko ulit ang sunod-sunod na pagbagsak ng luha sa mga mata ko. Hindi ko maintindihan kung bakit parang ang sakit-sakit ng dibdib ko.
"Isabella! ¡Espera!" Narinig ko ang boses ng lalaki sa likuran pero nagpatuloy lamang ako sa paglalakad. Natigilan ako sa tinawag niya sa 'kin. I feel like he's the same man I've been dreaming almost everyday. Tinawag niya na naman akong Isabella at tinawag ko rin siyang Lucas...
"Isabella!" Naramdaman ko ang presensiya niya sa tabi ko at parang hinihingal siya.
Lumingon ako rito at nagsalita, "Maaari ka nang umalis. Salamat sa iyong tulong. Subukan mo lang na isumbong ako ngayon kina ama at ina, kikitilin ko ang aking buhay." Bakit parang... pamilyar ang linyang ito?
"Hindi kita isusumbong, at... hindi kita iiwan. Hindi kita hahayaang mag-isang pumunta sa iyong paroroonan sapagkat gabi na. Baka may mangyaring masama sa iyo."
Bakit parang pamilyar din ang sinabi niya?
"Mabuti nga kung mangyari iyon."
"Saan mo nais pumunta?" seryosong tanong nito sa 'kin.
"Sa malayo. Malayo rito." Nakatanaw ako sa malayong lugar. I don't understand why places are vivid here but the faces of people are vague.
Ilang saglit pa'y naramdaman ko ang pagtakbo papalapit sa lalaki nang makita ko ang paghaplos nito sa puting kabayo.
"Baka ituring kang banta ni Dorotea dahil sa liksi ng iyong mga hakbang patungo sa kaniya, at sa paraang iyon, papatirin ka niya." Narinig ko ang kaniyang tawa. Kumunot ang noo ko dahil pamilyar ang tawa niya.
"Dorotea?" It's awkward... That's my second name yet he named his horse Dorotea. Isang letra lang ang kaibahan but the pronunciation is the same.
BINABASA MO ANG
Unfinished Tale (✔️)
Historical FictionWhenever Cleotha falls into deep slumber, strange and vague dreams haunt her. Vague faces of people. Vivid old places. Familiar heartbeats. Familiar euphoria. Familiar heartaches. And the familiar love that she shares with the man in her dreams. She...