Kabanata 42

90 1 0
                                    

Cleotha

"Bakit mo ako iniwan, mahal ko?" Naramdaman ko ang sariling umiiyak habang nakahaplos sa isang lapida. I felt my heart burning without knowing the reason why. Natigilan ako nang makita ang nakalagay sa malinaw na lapida...

Lucas Delgado.

He... died?

"K-Kung batid ko lang... Kung batid ko lang sana na ang ating tagpo sa ilog Pahimakas ang magiging huli nating pagkikita... sana'y niyakap kita nang mahigpit. Sana'y hinagkan kita nang matagal. Sana'y nasabi ko pa ang mga nais sabihin sa iyo. P-Paano na ako? Paano na ang mga pangako natin sa isa't-isa? H-Hindi ba't sabi mo... mag-aaral ka pa ng abogasya sa Maynila at pagkatapos ay babalik ka rito sa bayan upang tayo'y magpapakasal? Hindi ko iyon magagawa nang mag-isa!" Hindi ko kontrolado ang agresibong paghagulgol at ang pagsasalita sa mga salitang 'yon na lalong nagpapadurog sa puso ko.

May kinuha akong isang notebook na pamilyar at nanginginig itong binuklat. "Ito? Paano ko ito matatapos ngayong wala ka na?!" I screamed and leaned on the gravestone. "L-Lucas... hindi ko na batid pa ang saysay ng aking buhay ngayong wala ka na... Ikaw lamang ang naging dahilan kung nagkaroon ng liwanag ang aking buhay. Ngayong wala ka na... bumalik sa akin ang kadiliman. H-Hindi ko kaya... H-Hindi ko kaya, pakiusap... Vuelve a mí, por favor..." Nagpatuloy ako sa pag-iyak.

Tumingala ako sa mapayapang kalangitan habang patuloy sa pagluha. "I-Ibalik mo siya sa akin, por favor. Ibalik mo siya! Bakit palaging ipinagkakait Mo sa akin ang kasiyahan? Bakit?!" I felt my hand covering my face. Sobrang sakit sa dibdib na hindi ko maintindihan.

"H-Hihintayin kita pagkatapos ng dalawang siglo..." sambit ko. I felt my hand writing on the notebook. 

Cuento Inacabado

"Hindi pa rito nagtatapos ang ating kuwento kaya hindi ko ito susulatan ng wakas. Magkikita pa tayong muli..." Naramdaman ko ang sariling pagtayo at paghinga nang malalim. "Paalam sa ngayon, mahal ko. Asahan mo na araw-araw akong magtutungo rito... at dito rin ako magsusulat upang maramdaman ko na kasama pa rin kita."

After that scene, another scenario flashed through my dream. Nakakahilo dahil tila literal na transition ang nangyayari.

I found myself crying again while hugging a woman from the back whose face isn't clear.

"S-Sasama nga ako!" I heard my voice shouted. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng yakap dito na tila isang bata. Muli ay naramdaman ko ang lalong pagsikip ng dibdib. "P-Pangako, hindi ako magiging sakit sa ulo... hindi ako magiging kahihiyan... hindi ako magpapasaway. K-Kahit ano, gagawin ko... huwag mo lang akong iwan dito."

Naramdaman ko ang pagbitaw ng babae sa 'kin saka humarap. Malabo pa rin ang kaniyang mukha. I felt her holding my face and wiping my tears. "M-Magpakatatag ka rito... Iligtas mo ang pinakamamahal mong nobela. Mabuting tao naman si Leandro kaya... mapapanatag ang aking loob kapag siya ang naikasal sa iyo."

My lips parted. Ang boses ni... Ate Claire. She's Ate Claire!

I was shaking my head when I slowly kneeled in front of her. "A-Ate Amaia... sige na. Lo siento. Lo siento. Patawarin mo ako sa aking paraan ng pakikitungo sa iyo noon. N-Nagbago naman na ang pakikitungo ko sa iyo, hindi ba? Huwag mo akong iwan..."

Amaia... Tinawag ko siyang Ate Amaia. Ang babaeng kapatid ni Isabella...

Mas lalong nadurog ang puso ko nang bitawan niya ako.

"Lo siento, Isabella..." Umiling ito at kinuha na ang isang tampipi. "Hinihintay niya na ako at hindi kami maaaring magtagal, patawad... Pangako, palihim kitang bibisitahin dito. Hindi ko pa batid kung kailan ngunit bibisitahin kita. K-Kapag hindi na ako makakabalik dito... magkita na lamang tayo sa susunod na buhay kung saan... malaya na tayong dalawa mula sa mga pasakit na hindi natin kailangang maghiwalay."

Unfinished Tale (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon