UNFINISHED TALE
Ikawalong KabanataFilipinas 1820
Sabay na nag-agahan ang pamilyang Delgado sa hapag sapagkat walang lakad na kailangang puntahan sa maagang oras. Si Donya Laura ang nanguna sa kuwentuhan dahil likas talaga ito na madaldal na hindi nauubusan ng salita. Nagmana marahil si Lucas dito, samantalang si Leandro naman ay nagmana sa ama na piling salita lamang ang mga lumalabas sa bibig.
Nag-uusap sina Don Roberto at Leandro patungkol sa mga salik ng abogasya. Sumasali rin paminsan-minsan si Lucas dahil hindi nawala sa kaniyang isipan ang librong nabasa na libro ni Leandro. Nais niyang hatiran ng pagbati ang sarili sapagkat sa paraang ito, mukhang matatagalan ang pagsisinungaling niya sa kaniyang mga magulang.
"Lucas, ilahad mo ang mga nakalap at natutunang impormasyon sa pag-aaral ng abogasya sa Alemanya. Nais kong marinig mismo sa iyong bibig upang makita ko ang iyong potensiyal na maging isang magaling na abogado. Sinabi ng aking amigo na si Don Samuel na nais kang hamunin ng debate ng kaniyang anak na nag-aaral sa Letran."
Napalunok naman si Lucas at uminom muna ng tubig. Hindi siya dapat kabahan sapagkat natiisan niya naman ang maraming libro ni Leandro sa loob ng ilang araw dahil marami siyang oras, at hindi lamang lima ang kaniyang nabasa, ngunit may namumuo pa ring kaba sa dibdib niya. Iyon ay dahil baka mawala sa kaniyang isipan ang mga nakalap na impormasyon habang nagsasalita. Nakikita na niya ang dismaya sa mukha ng ama kapag nangyari iyon, na kahit kaunting pagkakamali ay siguradong pupunahin nito at iisipin na nitong ginawa niyang biro ang pag-aaral.
Tumikhim si Lucas at ngumiti nang may kompiyansa sa sarili. Matagal na niyang pinaghandaan ang araw na ito. Ilang linggong hindi nagkaroon ng oras si Don Roberto na tanungin ulit si Lucas tungkol dito sapagkat abala ito sa sunod-sunod na kliyente.
Tumingin si Lucas kay Leandro para sana hingan ito ng suporta ngunit tahimik lamang itong kumakain habang ang mga mata'y nakatuon sa pagkain.
Hindi na inisip pa ni Lucas ang kabang naramdaman at seryosong inilahad sa ama ang mga nalalaman. Natahimik naman ang hapag upang bigyan ito ng oras. Nanibago sila kay Lucas dahil tila hindi ito ang kilala nilang maloko at puro biro ang nilalaman ng bibig. Sa sandaling iyon ay tila nakita nila si Lucas sa gitna ng hukuman na seryosong ipinagtatanggol ang kliyente nito. Sa paraan ng pagsasalita nito ngayon, tila hindi ito ang Lucas na madaling mabiro dahil kung ito ay bibiruin ngayon, tiyak na malalagot ang magbibiro.
Natigilan ang lahat. Walang ni isang nakapagsalita. Maging si Leandro rin ay napabagsak sa kubyertos sa pinggan at tumigil sa pagkain nang marinig ang kapatid. Nag-angat siya ng tingin dito at napakurap sa walang tigil na pagsasalita ng bibig nito. Sa kaniyang isipan ay tila nakikita niya ang binatang bersiyon ng kaniyang ama na bago pa lamang naging abogado at lumalaban ngayon sa isang debate.
Pasimpleng ngumisi si Leandro at naisip na kaya rin naman pa lang magseryoso ang kapatid. Ngunit nabura ang kaniyang ngisi nang maalala si Isabella. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya matanggap na magkatulad sila ng kapatid niya ng babaeng napupusuan. Pilit niyang kinukumbinse ang sarili na hanggang paghanga lamang ang nararamdaman niya para kay Isabella kung kaya't hindi niya maaaring ituring na karibal ang kapatid dahil mawawala lang naman ito.
"Suficiente, hijo (Enough, son)" Pagpapatigil ni Don Roberto kay Lucas dahil nag-uumapaw na ang mga sinasabi nito at ngayon ay kumbinsido na siya na hindi nga ginagawang biro ng anak ang pag-aaral.
BINABASA MO ANG
Unfinished Tale (✔️)
Historical FictionWhenever Cleotha falls into deep slumber, strange and vague dreams haunt her. Vague faces of people. Vivid old places. Familiar heartbeats. Familiar euphoria. Familiar heartaches. And the familiar love that she shares with the man in her dreams. She...