Last Chapter
Leviathan
I can't get over her. Pakiramdam ko, naiwan ang kaluluwa ko sa puwesto kung saan kitang-kita ko siya at nakatitigan nang diretso. Until we got to school, my mind was still in haze. Hindi malimot-limot ng isipan ko ang mala-anghel niyang mga mata. Sumasabay pa ang pagkabog nang malakas ng dibdib ko na para ba'ng kung makita ko siya ulit ngayon, I would find myself melting right in front of her.
Damn. Just damn.
I'll make sure that I'm gonna find her.
"I don't have enough time anymore to ask but I'd ask you, what's happening to you, Levi?"
I cleared my throat and tried to calm myself. I feel it deep down in my heart how my entire system was trembling. I looked at my brother and there, I saw him looking at me with a losing patience. Parang nawawalan na siya ng pasensiya dahil alam kong late na siya.
"I'm fine, okay? Go to your classroom now and don't mind me. You look impatient already, kaya hindi ko nakikita ang punto kung bakit ka pa nagtanong." Sumama ang timpla ng mukha ko pero sandali lamang 'yon dahil bumalik ako sa pagkalunod sa kailaliman ng 'di maintindihan na pakiramdam.
"God, bro. Nagtanong ako because I'm worried that the pain in your chest came back. Bahala ka na nga. Just tell me if it comes back, okay? Tawagan mo lang ako dahil lagot ka talaga kina Mommy kapag tinago mo, i-ho-homeschool ka ulit. I'll go ahead." He tapped my shoulder and turned his back at me.
Napasimangot na lang ako. I admit that i hate it whenever my family treats me like I'm just near to my death. I appreciate their concern and I'm thankful for it, pero minsan ay sobra na kasi at nakakainis na rin dahil parang mamamatay na ako kung tratuhin.
I continued walking. Nakasunod ako sa kapatid na medyo malayo na sa 'kin. I was just lowering my gaze upon thinking about that girl again. Hindi ko maintindihan kung bakit nakilala ko siya agad gayong pitong taon na ang nakalilipas mula nang makita ko siya, and we just had two encounters. It's kinda impossible.
"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo, Mister-who-are-you?! Kita mong hindi lang ikaw ang estudyante rito!"
I halted from walking when I heard a loud voice. Parang nagising din ang natutulog kong diwa dahil sa pamilyar na malakas na boses na 'yon. I raised my gaze. Natigilan ako nang makitang ang nakatalikod na si Kuya ang binubungangaan ng maingay na babae. Nakita ko pa ang nahulog na mga libro.
"Hindi ka man lang ba mag-so-sorry? Hindi ka rin ba magpapaka-gentleman para pulutin ang mga libro ko?" Umikot ang mga mata ng babae. Napakunot ang noo ko dahil pinulot din naman agad nito ang mga librong nahulog. "I'm kidding! I'm an independent woman so I can do it by myself, duh."
I couldn't understand my brother because he didn't move even a bit. Nakatingin lang siya nang diretso sa babae na para ba'ng may nararamdaman na kung ano. Out of my curiosity, I came near them.
"I'm sorry, Miss..." Nakatingin pa rin nang diretso si Kuya sa babae. "Have we met before? You look very... familiar."
Natawa ang babae, dahilan upang palihim din akong napatawa dahil sa tawa niyang nakakatawa. Ngunit naglaho rin agad ang tawa ko nang matitigan siya nang diretso dahil parang... pamilyar nga siya. I lowered my gaze to see her ID. Suzanne Rae Valeria. I've never heard of this name... but why is she familiar?
"Alam ko na ang ganiyang style ninyong mga lalaki! Magtatanong na have we met before tapos pagkatapos, may balak pa lang landiin ang babae. Don't me! Hindi na umaandar sa 'kin ang ganiyan---" Natigil sa pagdadaldal ang babae nang lumapit siya nang kaunti sa kapatid ko at tumitig nang diretso dito. Awkwardness engulfed her face as if realizing something. Agad din itong tumalikod at nagmamadali ang mga paa papalayo.
BINABASA MO ANG
Unfinished Tale (✔️)
Historical FictionWhenever Cleotha falls into deep slumber, strange and vague dreams haunt her. Vague faces of people. Vivid old places. Familiar heartbeats. Familiar euphoria. Familiar heartaches. And the familiar love that she shares with the man in her dreams. She...