Kabanata 6

97 2 0
                                    

UNFINISHED TALE
PROLOGO

Filipinas 1813

Humahagulgol na tinig ng langit ang siyang namumutawi sa buong kapaligiran. Ang minsang naging marahan na ihip ng hangin ay rumarahas sa bawat hampas ng malakas na ulan sa buong bayan. Wala ni isang tao ang matatagpuan sa bawat kalye at kalsada ng San Fernando sapagkat takot sa trahedyang hatid ng ulan. Kahit maambunan ay tila tinik na sa kanilang mga balat.

Sa kabila ng lamig, nakabukas ang bintana sa kuwarto ni Isabella. Hindi niya batid kung bakit sa kabila ng karahasan ng hangin at malakas na hagulgol ng langit ay nahahanap siya ng kapayapaan. Kaniya pa'ng inilabas ang kamay upang saluhin ang bawat patak ng ulan. Sa kaniyang isip, siguro dahil ang mga ito ang sumasapaw sa ingay ng kaniyang isipan. Mas nanaisin niya na lamang maghasik ng ingay ang kalangitan kaysa marinig ang ingay ng kaniyang isip.

Labing dalawang taong gulang pa lamang siya ngunit napakalalim na niyang mag-isip patungkol sa mga bagay-bagay. Sa murang edad, hindi niya rin nais na pag-usapan ang mga bagay na mababaw lamang sapagkat kung nais man siyang may pag-usapan, iyon ay tungkol sa isang bagay na kailangan pa niyang sisirin dahil sa kalaliman nito.

Sa paraang ito hinulma ang dalagitang si Isabella. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit maraming ayaw makipagkaibigan sa kaniya. Araw-araw din itong pinupuna ng kaniyang mga magulang at pinapabago ang pag-uugali ngunit palagi siyang nangangatwiran na hindi niya iyon mababago sapagkat siya ay siya at walang sinuman ang magiging dahilan ng pagbabago niya.

"Nawa'y magpatuloy ka na lamang sa pagbagsak, ulan. Hindi ko nais marinig ang ingay ng aking isipan at ang ingay ng araw-araw na pamumuna ng aking mga magulang sa akin." Nagpakawala ng buntong hininga si Isabella sapagkat hindi niya ramdam na siya ay malaya. Nakagagalaw nga siya nang malaya ngunit sa kaloob-looban, siya ay nakakandado sa lipunang kaniyang tinitirikan.

Hindi sinarado ng dalagita ang bintana nang magdesisyon siyang kunin ang kaniyang kuwaderno na kaniyang itinago sa kailaliman ng kaniyang tukador. Siya ay natatakot na madiskubre ng kaniyang mga magulang na siya ay nagsusulat at mahilig sa panitikan. Ang nais lamang kasi ng mga magulang niya ay siya'y matuto sa mga paraan kung ano dapat ang galaw ng mga kababaihan sa lipunan sapagkat nakikita ng mga magulang niya na siya ay hindi sumusunod. Bukod pa rito, ang mga dapat ding matutunan bilang isang mabuting asawa.

Ngunit kahit sa murang edad, walang plano si Isabella na maikasal at magkaroon ng anak. Para sa kaniya, ito ay sakit lamang sa ulo sapagkat ayaw na ayaw niyang may papasok at manghihimasok sa kaniyang buhay. Ang nais niya'y makalipad nang malaya gaya ng paano lumipad ang mga paru-paro, makapagsulat ng maraming nobela at mailimbag ang mga ito at magkaroon ng mga mambabasa.

Nakatanaw pa rin siya sa labas habang bitbit na ang kuwaderno. Binuksan niya ito at binasa ang tulang nabuo matapos siyang pagalitan na naman ng kaniyang ama sapagkat siya ay mailap sa ibang kababaihan na nais siyang maging kaibigan kanina sa piging na kanilang pinuntahan.

"Malayang nakakandado..." mahinang sambit niya sa pamagat ng kaniyang tula at muling tinapunan ng tingin ang bawat patak ng ulan. Pagkatapos ay hinahanap ng kaniyang mga mata ang kaniyang tinta at pluma ngunit hindi niya ito matagpuan sa kaniyang lamesa. Naramdaman niya ang paglukob ng pagkabahala sa kaniyang dibdib.

Binitawan saglit ni Isabella ang kaniyang kuwaderno at hinanap ang kaniyang pinakamamahal na pluma at tinta sa kung saang sulok ng kaniyang silid. Napapadyak siya sa kaniyang paa. Siya ay talagang madaling nayayamot kahit ano mang bagay.

"Dito sa lamesa ko lang naman iyon nailagay." Napahawak siya sa sentido dahil sa inis. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang may biglang napagtanto. "Si ina! Pumasok siya rito kanina..."

Unfinished Tale (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon