Kabanata 26

42 1 0
                                    

UNFINISHED TALE
Ika-Labing Tatlong Kabanata

Filipinas 1820

Maliksing bumaba si Lucas mula sa kaniyang puting kabayo na agad niyang itinali sa malawak na kuwadra ng hacienda. Pinunasan niya ang pawis gamit ang dinalang pamunas at pinasadahan ang buhok ng kaniyang mga daliri.

Pinakawalan niya ang malalim na buntong hininga dahil sa naramdamang pagod. Napatingin siya sa kalangitan at nakitang nilamon na ito ng dilim. Ginabi na naman mula. Nagmula siya sa Casa de Suarez at may ipinintang isang obra sa malaking kuwadro. Bago pa no'n, nagsanay siya ng pamamana sa Ilog Pahimakas, sa puwesto kung saan mismo niyang nasaksihan ang husay ni Isabella sa pamamana.

Napangiti na naman siya nang maalala iyon. Nagsasanay siya upang kung dumating man ang panahon na maglalaban sila o ito ang maghahamon, may ibubuga siya. Batid niyang hindi na ito nayayamot sa kaniya. Napapangiti pa rin siya sa tuwing naaalala ang pakikinig nito sa kaniyang saloobin at sa pag-alay ulit nito ng ngiti sa kaniya.

Subalit, naglaho rin ang kaniyang ngiti nang maalala ang usap-usapan sa kahit saang sulok ng bayan tungkol dito sa loob ng limang araw. Napapakuyom siya ng kamao sa tuwing naaalala ang ngisi sa kaniya ni Matias dalawang araw matapos tanggihan ni Isabella ang kasal. Sa tingin niya ay may binabalak pa rin ito.

Napailing na lamang siya. Batid niyang hindi mapipilit si Isabella kaya nahulaan na niyang hindi ito papayag sa kasal ngunit sa ngisi ni Matias na tila nang-aasar at may masamang binabalak, kinakabahan siyang gagawa ito ng ibang paraan.

"Señor Lucas, magmadali po kayo! Nagkakagulo sa inyong silid. Naririnig namin ang sigawan nina Don Roberto at Donya Laura!"

Naputol ang mga iniisip ni Lucas at ang mga agam-agam nang marinig ang nababahalang tinig ng kasambahay na si Loisa.

Kumunot ang kaniyang noo at lumukob din ang kaba sa kaniyang dibdib. "Ano? Bakit daw?" Nagsalubong na rin ang kilay nito kaya mas lalong nataranta si Loisa dahil akala nito'y siya'y nagagalit.

Napalunok naman si Loisa at tila hindi kayang magsalita. "A-Ano po kasi... Namataan ko kanina si Donya Laura na pumasok sa iyong silid dahil plano niyang siya ang maglinis. Ako naman po sana ang maglilinis ngunit nagmatigas po siya dahil matagal na rin daw mula nang hindi siya nakakalinis sa iyong silid."

Umawang ang labi ni Lucas. Hindi na niya napansin pa si Loisa dahil kumaripas na siya ng takbo papasok sa loob ng mansyon. Nadagdagan lamang lalo ang kaniyang kaba nang malapitan na niyang naririnig ang boses ng mga magulang. Namataan niya rin si Leandro na nagmamadali ang mga yabag papunta roon.

Mas lalong pinagpawisan si Lucas. Halos hindi na niya maramdaman pa ang nilalakaran dahil sa panginginig ng kaniyang kabuoan. Naalala niya ang dalawang obrang nakalimutan niyang dalhin sa Casa de Suarez pati na ang iilang kagamitan sa pagpipinta na nasa loob ng kaniyang silid. Ang mga obra na si Isabella ang laman ay tagumpay na niyang nadala sa Casa de Suarez kahapon ngunit ang dalawang natitirang obra ay nakaligtaan niya na plano niya sanang dalhin ngayon sa Casa.

Dahil mahaba ang hagdan ay matagal pa siya bago nakarating. Nadaplisan pa siya ng tingin ni Leandro ngunit sandali lamang iyon dahil agad na itong pumasok sa silid ni Lucas.

"Anong ibig sabihin nito?!" galit na galit na sigaw ni Don Roberto habang malakas na inangat ang kuwadro kung saan nakapinta ang obra ng buong San Fernando. May lagda at pangalan pa iyon ni Lucas na siyang ikinatangis pa lalo ng kaniyang ngipin.

Habang si Donya Laura naman ay nakatakip lamang ang mga kamay sa bibig habang nakatingin sa dalawang obra na nakita niyang nakatago sa ilalim ng kama nang naglilinis siya. Nailabas din niya ang mga kagamitan sa pagpipinta na mas lalong nagpagulat sa kaniya.

Unfinished Tale (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon