TW: This chapter contains a very sensitive and triggering scene. Read at your own risk.
UNFINISHED TALE
Ika-Dalawampu't Dalawang KabanataFilipinas 1820
"Señora... kumain na po kayo."
Hindi kumibo at lumingon si Isabella. Nakatulala lamang ito sa labas ng bintana at pinapanuod ang dahan-dahang pagbagsak ng ulan. Sa harapan nito ay isang pabilog na mesa kung saan nakabukas ang kaniyang kuwaderno na p-in-lano niyang sulatan paggising ngunit hindi niya nagawa. Sa huli ay bumuntong hininga siya saka sinara ang kuwaderno.
Lumingon siya sa pumasok at nakita si Juana dala ang pagkain at tubig. Malungkot namang ngumiti ito sa kaniya at nilagay ang mga dala sa mesa.
"Maaari ba'ng mula ngayon ay huwag mo na akong tawaging Señora?" walang buhay na tanong ni Isabella.
Kumunot ang noo ni Juana. "Ngunit kasal ka na po--"
"Sa simbahan at sa papel lamang. Hindi sa puso," malamig na putol ni Isabella. "Tawagin mo na ulit akong Señorita. Sa aking paningin, hindi ako kasal. Wala akong pakialam kung Señora ang tawag sa 'kin ng ibang kasambahay ngunit ikaw na nakaaalam sa tunay kong nararamdaman sa kasal na ito, pinagbabawalan kitang ibansag iyan sa akin, Juana."
Napalunok si Juana saka dahan-dahang tumango. "Masusunod po... Señorita." Tumikhim ito. "Ipinaalam po pala ni Señor Leandro na siya'y magiging abala sa susunod na linggo at aabutin ng dalawang linggo kaya hindi siya makakauwi rito. Matutulog daw muna siya sa bahay ng kaniyang kaibigang abogado dahil seryosong kaso ang kaniyang kailangang tutukan."
Tumango lamang si Isabella. Hindi ito interesadong marinig ang kahit ano tungkol sa asawa. Kahit mabuting tao si Leandro at tinulungan siya nitong makalaya noon, hindi siya komportable sa sitwasyon na tunay na mag-asawa na sila lalo na't naging ka-relasyon niya ang kapatid nito at hanggang ngayon ay siyang nilalaman pa rin ng kaniyang puso.
Isang buwan na ang nakararaan mula nang maikasal siya. Mula nang matali siya sa buhay na hindi niya ginusto. Mula nang matali siya sa isang kasal na tinuturing niyang bilangguan noon pa man. Bilangguan sapagkat naikasal siya sa lalaking kailanman ay hindi niya mamahalin.
Isang araw matapos ang kanilang kasal, lumipat na ng tahanan si Isabella kasama si Leandro dahil halata na ang pagkasabik ng kaniyang mga magulang na siya'y mawala na nang tuluyan sa mansyon ng mga Fonseca. Ang mansyon naman na kanilang nilipatan bilang pundasyon ng magiging bagong buhay bilang mag-asawa ay bagong gawa pa, ginawa isang buwan ang nakararaan na pinagawa ni Don Roberto para kay Leandro kung sakali mang maikasal na ito.
Sumama rin si Juana kay Isabella sa bagong tahanan nito dahil hiniling iyon ni Isabella. Nagpatulong din siya ritong dalhin ang mga akdang pampanitikan na kaniyang nilagay sa munting bahay sa puno ng narra.
Sa isang buwang kasal sila ay napakalayo ng distansiya ni Isabella mula kay Leandro. Minsan niya lang din itong kibuin at palagi iyong ikinalungkot ni Leandro ngunit palagi rin nitong naiintindihan. Magkaiba rin sila ng silid dahil desisyon iyon ni Isabella. Malaya naman na nakapagdedesisyon si Isabella dahil wala na siya sa puder ng kaniyang mga magulang.
Mula sa 'di kalayuan, natatanaw ni Isabella ang malaking plaza ng San Fernando, at ang teatro. Ang mga lugar na minsan na nilang tinunguhan ni Lucas noong mga panahong nagsasama pa sila sa isang Casa. Marahan na lang siyang napabuntong-hininga.
"Señorita... muntik ko nang masampal ang dalawang kasambahay kanina na pinag-uusapan ka. Sabi nila, bakit daw hindi kayo natutulog sa iisang silid ni Señor Leandro? Napaka-suwerte mo na nga raw na maging asawa ang isang kagaya niya." Napasimangot si Juana nang maalala ang narinig kanina.
BINABASA MO ANG
Unfinished Tale (✔️)
Historical FictionWhenever Cleotha falls into deep slumber, strange and vague dreams haunt her. Vague faces of people. Vivid old places. Familiar heartbeats. Familiar euphoria. Familiar heartaches. And the familiar love that she shares with the man in her dreams. She...