Kabanata 21

51 2 0
                                    

Cleotha

Straight six days. I wrote the chapter 5 to 10 of Unfinished Tale for straight six days despite having piled up school activities and my preparation for the contest. Kulang na kulang ang tulog ko sa araw-araw, at minsan nga'y wala akong tulog at pahinga. I don't understand myself why I feel like I need to rush the story.

Nang matapos ko kasing isulat ang chapter 6, napanaginipan ko ang sarili ko. Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako...

Malinaw kong nakikita ang pluma na nasa kamay ko dahil sa liwanag na nagmumula sa kandila at sa mga lampara. Sinawsaw ko ito sa tinta at may sinulat ako sa isang lumang notebook. And that notebook felt familiar... it felt so dear to me. I felt my hand shaking while writing. Parang... umiiyak ako.

Lumingon ako sa gilid at doon nakita ko ang sariling repleksiyon sa salamin ng isang tukador. It was confirmed that I was really crying because I saw tears cascading on my cheeks. Pamilyar ang suot ko na nakikita ko sa mga nakaraang panaginip. Isang puting bestida na may mahabang manggas.

"Aking sarili sa hinaharap, hinihiling kong isulat mong muli ang kuwentong nasimulan ngunit nabigong magkaroon ng wakas. Hinihiling kong kusa mong maisulat ang lahat na tila ba naaalala mo na nang tuluyan. Huwag kang magsayang ng oras lalong-lalo na kapag muli kayong nagkadaupang palad. Huwag mong sayangin ang bawat araw na pumapatak ang oras, sumisikat at lumulubog ang araw, at ang pag-aagawan ng liwanag at dilim..." Isinambit ko 'yon habang nakatingin pa rin sa sarili sa salamin.

Pagkatapos kong sambitin 'yon ay binalik ko ang tingin sa sinulat sa notebook at nakita ang parehong mga salitang sinabi ko. It was clear at first but it slowly blurs. Naramdaman ko ang paghaplos ko sa isang libro pagkatapos. Natigilan ako nang makita ang title ng librong hinaplos ko...

La Dorotea

After that, I woke up and found myself panting and catching my breaths because I was like being trapped in suffocation that night. Napapikit ako nang maalala ko ang panaginip na 'yon. That weird dream really pushed me to give myself time in writing this novel that already became... strange to me.

Bumuntong hininga ako at napahilot sa sentido dahil sumasakit ang aking ulo. Ngayong gabi ko lang natapos ang chapter 10. Inalis ko ang paghawak sa sentido at muling binuklat ang notebook. Ibinalik ko ang pahina sa chapter 9 sa unang bahagi bago tumakas si Isabella kasama si Lucas. That scene of Isabella with her parents.

Napalunok ako dahil nang isinulat ko 'to, basta ko na lamang naisip na i-apply ang sariling karanasan sa mga magulang.

Maria Isabella Fonseca... I really consider her as me. I intended to characterize Isabella with my characteristics because it's easy for me to write her. Naipalalabas ko pa ang mga hindi ko masabing emosyon sa pamamagitan ng character niya. And maybe I, considering her as me is felt by my subconscious mind the reason why I would hear someone calling me 'Isabella' in my dreams.

Maybe it was really the reason...

Hihiga na sana ako sa kama pero nahulog ang isang pirasong papel na nagmula sa notebook kaya pinulot ko ito. I felt the strange feeling again upon seeing that it was the poem that I made, the piece of paper that Leviathan gave me when I was about to enter the school six days ago. Ang huli kong naalala ay natapon ko na 'to, but maybe because I was really occupied the days after that, nakalimutan ko sigurong pinulot ko itong muli at binalik sa notebook.

After that day, I haven't seen him again. Hindi ko maintindihan ang puso ko dahil parang hibang. Pinaparamdam kong naiinis ako sa tuwing nandiyan siya sa paligid but inside those six days that I didn't see even a glimpse of him, I longed for his presence without knowing the reason why. Parang hibang nga dahil umaasa akong muling ma-lock ang training room nila para pumunta ulit sila ng coach niya sa training room namin ni Miss Avila.

Unfinished Tale (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon