Florence’s POV
Ngayong araw ay ang start ng internship namin. Magiging student teacher na kami, kasama ko yung mga kaibigan ko, dahil parehas lang naman kami ng course, si Connor lang ang naiiba dahil Major niya ay Science, kami naman ni Sasha ay major in MAPEH.
Same school lang naman ang pagtuturuan namin, ang school na pagmamayari ko. 'Herbertia National University'.
Na assigned ako sa 9th grade, at ang mentor ko ay si Ma'am Jelena Acoszta. Di ko siya kilala since di ko naman siya naging teacher noon. Si Sasha ay na assigned sa 7th grade. Mentor naman niya si Ma'am Blaire Diaz. Di rin namin siya kilala dahil ang rinig ko ay bago palang siya sa school.
Tumungo na kami ni Sasha sa MAPEH office. "Teka beh, kinakabahan ako" saad ng katabi ko.
"Ako din eh tara back out na tayo!" Nang tatalikod na sana kami ay may tumawag saamin.
"Are you Florence Dela Mercano and Sasha Madrid?" Tanong ng isang guro.
"Ah opo" magalang na sagot ko.
"Oh come here kids!" Nagdalawang isip kami ni Sasha pero lumapit na din kami sa guro.
"I'm Thalia, I'm from the english department but I'll introduce you to Jelena and Blaire. Don't be nervous they are actually nice" napangiti naman kami ni Sasha pero may tagong kaba ito.
Jusko, sana nga mabait talaga sila. Pero infairness kay Ma'am Thalia ang ganda niya, tapos ang ganda din ng accent niya.
Pumasok kami sa loob ng faculty at doon ay nakita ko ang pinaka magandang babae sa buong mundo. Nakshuta sis, sobrang ganda niya.
Blonde hair tas green pa yung mata. Hala pano ba naman ako makakapag focus niyan?
Ganda pa ng katawan niya- ay sus maria Florence ano ba iniisip mo. Siraulo ka talaga.
"Jel and Blaire this is Florence and this is Sasha" tinuro naman kami ni Ma'am Thalia.
Gago parang hihimatayin ako, yung magandang babae nakputa siya pala si Ma'am Jelena.
Pinagpala moments nga naman... pwede nako humimlay.
"Uhm... hello po" I greeted both of them nervously. Naku ano ng nangyayari sakin?
Di naman ako natural na ganto. Yung totoo nga eh wala talaga akong hiya.
"Nice to meet you, I hope you're ready but you don't have to worry" Ma'am Jelena said. Hala lord, anghel ba tong binigay mo sakin?
Ang bait na ang hinhin pa ng boses!
Pero teka teka, am I ready for it? Ready na ba talaga ako? Guide me nalang po lord...
"Well then mag start na yung class follow me Ms. Dela Mercano" sinundan ko naman agad si Ma'am Jelena pagtapos ko mag paalam kay Sasha.
Plinano na din naming tatlo kanina na sa cafeteria nalang kami magkikita kita.
"How do you want me to adress you Ms. Dela Mercano?" tanong bigla ni ma'am.
"Uhm kayo na po bahala ma'am, ok lang po ako kahit saan" magalang at mahinhin kong sagot.
"Is Flo ok?" Tumango tango naman ako na ikinangiti niya.
"Ok Flo, sa 9-Amaryllis ang first class natin. From 7am-7:40am ang oras natin sakanila. 40 minutes talaga per subject. You aready know our topic, the component is arts and it's about the arts from the Romantic Period" nakinig lang ako sa mga sinasabi niya habang tumatango ako.
Ngayon palang ay alam ko ng magaling mag turo si ma'am at for sure napaka taas ng respeto ng mga estudyante niya sakaniya.
Tapos ang ganda pa ng bos- ay chariz lang mga sis.
Nang makapasok kami sa classroom ay nginitian ko agad ang mga students.
I'm very fond of children and teens especially di ko naenjoy yung childhood at teenage years ko.
Strict kasi ang family namin and we have this tradition in the family where they train and teach us about survival stuffs and everything about our country.
They also made sure na kami ang gagalaw para sa sarili namin. Since that's what our grandparents and out great grandparents want. Na matuto kaming tumayo sa sarili naming mga paa.
"Good Morning class this is Ms. Florence Dela Mercano, she is the assigned student teacher to us until the end of the quarter. Please magpakabait kayo and always listen to Ms. Florence!" pagpapakilala at pag suway naman ni Ma'am Jelena sa mga bata.
Kahit strict ang aura niya ay halata pa din na mahal na mahal niya ang propesyon at ang mga students niya. Nakakainspire naman si ma'am.
"Good Morning Ms. Florence!" bati ng mga bata.
"Good Morning kids!" I smiled widely at lumapit na ako kay Ma'am Jelena.
"You can sit at the back and prepare to have some explanation for these artist and artworks" binigyan niya ako ng maliit na papel kung saan nakasulat ang tatlong mga pangalan at mga artworks.
•Jacques-Louis David
artworks:
*The Death of Marat
*Oath of the Horatii
•Jean-Auguste Dominic Ingres
artworks:
*The Turkish Bath
*Grand Odalisque
•Eugéne Delacroix
artworks:
*Liberty Leading the People
*The Death of Sardanapalus
Nakahinga naman ako ng maayos dahil madali lang ang binigay sakin ni ma'am. Binigyan din niya ko ng libro.
Umupo ako sa pinakadulo at nagsimulang magbasa about sa mga artist at artworks.
Alam ko naman na 'to pero mas ok pa din kung magbabasa ako para mas maexplain ko ng maayos.
Habang ako ay nagbabasa si ma'am naman ay sinimulan na magturo ng mga Elements at Characteristics ng Arts of The Romantic Period.
Nagsulat nako ng mga explanation ko for each artist and artworks. Nagisip na din ako ng magandang paraan para makuha yung attention ng mga students.
For now ay nakikinig sila ng maayos kay Ma'am Jelena.
Minsan minsan na din akong tumitingin at inoobserbahan ang mga kilos at salita niya.
Isa lang ang masasabi ko, napaka galing na guro ng isang Jelena Acoszta.
Kahit first day palang ay nakita ko na sakaniya ang passion ng pagtuturo.
YOU ARE READING
Married But Secretly Waiting
Romance(SERIES #1) "I was married, yet I was still waiting for the love of my life. My true love. But now I lost her. I lost her again, this time she's not coming back." - 'Jelena Reaielle Padilla-Dela Mercano' Through this story we will encounter the sto...
