Jelena's POV
"FLORENCE!" I called for her.
"FLO!"
"Love?"
"My love?"
"Kenzie?"
"Kenz?" I called for her again as I run after her in the hallway.
Inalis ko na yung heels ko para lang mahabol siya. At nung naabot ko siya ay madalian ko siyang hinarap saakin.
"Florence talk to me! Bakit mo ba'ko iniiwasan?" I asked at tinignan lang niya ko na parang walang feelings sa mga mata niya.
"Flo please talk to me, love. Isang buwan mo na akong iniiwasan please my love tell me what have I done wrong?" I looked at her pleadingly.
1 month na din nung natapos yung internship niya kaya sa buong isang buwan ay hindi ko siya nakita o nakausap man lang.
Andito ako ngayon sa building ng department nila, pinuntahan ko siya para lang makausap ko siya. Dahil kahit yung mga chats ko ay hindi niya sinasagot kahit seen man lang.
"Please tell me my love, what have I done para iwasan mo ko?" I pleaded while holding her hand.
Pero binawi niya agad ito....
"Tama na Ma'am Jelena. Please lang I have to go...."
Ma'am Jelena?
WTF?!
"Love I'm not joking right now. Please tell me bakit mo ko iniiwasan?" I pleaded again.
"Anong bakit kita iniiwasan? Can you even hear yourself? Kasal kana ma'am, what do you expect me to do? Hayaan ang sarili kong maging kabit mo?"
Nagulat naman ako sa sinabi niya, alam ko namang may issue siya about this at never namin itong napagusapan.
Pero sana naman bago niya ko iniwasan ay pinagusapan namin yun.
"Love.... please don't leave me. I love you so much please baby let's fix this. I promise I'll divorce him soon" I begged her. I'm holding her hands tightly but not even a hint of emotion is present in her eyes.
"Tama na ma'am, tama na po please. Hindi mo naman siya kailangan hiwalayan para sakin. Kailangan ko na po umalis" she said trying to take her hand from me pero hindi ko binitawan yun.
"No love hindi ka aalis hangga't hindi natin 'to naayos."
"Ma'am wala na tayong kailangang ayusin pa! Wala namang tayo ma'am, wala tayong kailangan ayusin o tapusin" she stated.
What?
Why is she doing this?
Ano bang ginawa ko?
"I love you so much Flo, please don't leave me! Tell me anong bang ginawa ko love? Di ba sabi ko naman sayo I don't love him? Please Florence I love you so much, maayos pa natin 'to!" My tears are now rolling down my eyes as I beg her.
"Ma'am naririnig mo ba yang sarili mo? Please lang pagod na pagod nako. Imposible naman po na hindi niyo mahal yung asawa mo. Ano yun pinakasalan mo siya kasi yun yung trip mo? Gago ka ba ma'am? Tsaka please lang ma'am stop saying that you love me, kasi klaro naman na siya yung mahal mo!" she said still trying to take her hand from me.
"It's true my love. Ikaw ang mahal ko! Ikaw lang at hindi si Adrien. I love you Florence Dela Mercano, kung gusto mo isigaw ko pa yun sa buong campus. Just don't ignore and don't leave me my love" I said and I cupped her cheeks.
"Ma'am Jelena stop! Nahihibang ka lang ma'am" she said.
Ramdam ko pagkawasak ng puso ko sa mga sinasabi niya.
It's true I love her. She's the only one whom I truly love. Hindi si Adrien.
I would never love that psycho!
"Please Kenzie, I love you. I love you my love. Don't leave me please!" I begged her, whispering those 3 words to her.
"Stop Ma'am Jelena. Hindi totoo yan. You could never love me at the same time kasal ka sa asawa mo" she stated.
"I told you I'll divorce him. You're the only one whom I love Flo, ikaw lang. Ikaw lang at walang iba. Please baby tell me that you love me too. Tell me na ako lang din. Ako lang ang mahal mo, ako lang ang pipiliin mo. I love you so much Flo, please tell that you love me too then I'll let you go my love" I pleaded while my tears continue to roll down.
Wasak na wasak na yung puso ko, at alam kong sira na din yung maskara at eyeliner ko. Wala akong pake kung may makakita man na ibang tao saamin ngayon.
"Sorry Ma'am Jelena pero never kitang pipiliin at hindi kita mahal. Kasal ka na ma'am, and I know my bounderies"
Gumuho naman yung mundo ko sa mga salita niya.
"Kahit kailan pa ma'am, hindi hindi kita kayang piliin. Hindi kita mahal Ma'am Jelena, instructor lang kita at naconfuse lang ako sa feelings ko nun. Sorry ma'am but I have to go...."
Wala akong masabi.
Blanko yung utak ko.
Durog na durog yung puso ko.
Kahit na anong mang tunog ay walang pumapasok sa tenga ko. Para akong nabingi.
Nabingi dahil sa mga salitang binato niya sa akin.
It's not true...
That's not true....
She loves me.
She loves me right?
Minahal niya ko?
Nakatulala lamang ako habang pinapanood siyang maglakad papalayo saakin.
Hindi ako makagalaw, wala akong marinig, hindi ako makapagsalita.
Gosh, I never heard silence quite this loud.
Yung babaeng mahal na mahal ko, ay lumakad papalayo saakin. Kahit ilang segundo man lang ay hindi siya lumingon saakin.
Nakatayo lamang ako doon hanggang sa nawala ang papalayong pigura niya sa harap ko.
She didn't love me?
Is it real or is it a lie?
Once again I'm crying over someone who left me.....
_______________________
Florence's POV
Matapos kong iniwan ang babaeng mahal na mahal ko sa hallway na yun ay dumeretso agad ako sa kotse ko.
Doon ko binuhos yung nga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Awang awa ako kay sakaniya... hindi totoo yun.
Hindi totoong hindi ko siya mahal. Siya lang ang mahal ko. Siya lang yung kaisa-isang taong minahal ko.
Humagulgol ako ng humagulgol hanggang sa wala na akong maiyak. Kahit kailan ay hinding hindi ko mapapatawad yung sarili ko dahil sinaktan ko yung taong mahal ko.
Sinaktan ko si Jelena....
Sinaktan ko yung taong mahal din ako.
"PUNYETA KA ADRIEN! SANA MASAYA KA! SANA MASAYA KA NG HAYOP KA!" malakas na sigaw ko habang hinahampas hampas yung manubela ng sasakyan ko.
Tangina niya! Napaka daya mo Adrien! HAYOP KA!
YOU ARE READING
Married But Secretly Waiting
Romance(SERIES #1) "I was married, yet I was still waiting for the love of my life. My true love. But now I lost her. I lost her again, this time she's not coming back." - 'Jelena Reaielle Padilla-Dela Mercano' Through this story we will encounter the sto...
